Resulta ng imbestigasyon sa Samar ‘misencounter’ nakatakdang ilabas ngayong linggo
Kapwa inamin ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatakda ng ilabas ngayong linggo ang resulta ng imbestigasyon kaugnay nangyaring madugong “misencounter” sa Samar na ikinasawi ng anim na pulis habang siyam ang sugatan.
Ayon kay PRO-8 spokesperson PSupt. Gerardo Avengoza sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi nito na ngayong linggo inaasahan na ilabas ng Board of Inquiry ang resulta ng imbestigasyon.
Hindi naman batid ni Avengoza kung anong araw ilalabas ang resulta ng imbestigasyon.
Bukas, Lunes, July 2018, magkakaroon ng deliberasyon ang BOI ng PNP at AFP kaugnay sa ginagawang imbestigasyon.
Samantala, nasa proseso pa sa pagtukoy ngayon ng Board of Inquiry (BOI) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kaninong panig nagmula ang posibleng paglabag sa standard operating procedure (SOP).
Ayon Lt. Gen. Rafael Valencia, chairman ng BOI, dito ngayon nakatutok ang kanilang imbestigasyon.
Sa ngayon kasi, hindi pa maliwanag sa both sides kung kaninong panig nagmula ang paglabag sa SOP.
Posible sa darating na Miyerkules inaasahang ilalabas ang report ng BOI.
Ayaw namang pangunahan ni Valencia ang resulta ng imbestigasyon.
Sa kabilang dako, una ng sinabi ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na nagkaroon ng problema sa “level coordination” kaya nagresulta sa misencounter ang insidente.
The post Resulta ng imbestigasyon sa Samar ‘misencounter’ nakatakdang ilabas ngayong linggo appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar