Gilas Pilipinas muling nanaig vs Chinese Taipei sa FIBA Cup qualifiers, 93-71
Nakalusot ang Gilas Pilipinas sa hot-shooting ng Chinese Taipei upang kunin ang 93-71 road win nitong Biyernes ng gabi sa pagpapatuloy ng third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Bumuslo ng 22 points sa kanyang 9-of-12 shooting si June Mar Fajardo upang iligtas ang Nationals mula sa mabagal na panimula.
Bagama’t nabaon sa 21-30 ang mga Pinoy cagers noong second quarter, binaligtad nina Terrence Romeo at Troy Rosario ang sitwasyon kung saan nagsanib-puwersa ang mga ito para itabla ang iskor sa 33-33.
Nag-init ang kamay ni Fajardo pagsapit ng third quarter sa kanyang 10-0 run para maiuwi ng Gilas ang ikaapat nitong panalo sa limang laro.
Umasiste naman si Jayson Castro na nagtapos sa 15 markers.
Sa ngayon ay tabla na sa 4-1 record ang Pilipinas at powerhouse team Australia sa Group B.
Nakatanggap kasi ng pagkatalo ang Australian team sa kamay ng Japan, 79-78.
Sunod na makakatunggali ng Gilas ang Boomers sa darating na Lunes, Hulyo 2, sa Philippine Arena sa Bulacan.
The post Gilas Pilipinas muling nanaig vs Chinese Taipei sa FIBA Cup qualifiers, 93-71 appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar