Bagyong Florita, napanatili ang lakas habang papalabas ng bansa

Napanatili ng binabantayang Tropical Storm Florita ang lakas nito habang tinatahak ang direksyon papalabas ng bansa.

Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 810 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

Tinatahak nito ang direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 12 kilometro kada oras.

Kung hindi magbabago ang bilis at tatahaking direskyon ng Bagyong Florita ay inaasahang lalabas na ito ng bansa sa araw ng Linggo.

Patungo ito sa mga isla ng Southern Japan at Korea at maliit ang tyansa na tumama sa anumang kalupaan ng bansa.

Bagaman, hindi tatama sa kalupaan ng bansa, sinabi ng PAGASA na pag-iibayuhin nito ang Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Extreme Northern Luzon.

Ang susunod na weather update para sa bagyo ay mamayang alas-4 ng umaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Bagyong Florita, napanatili ang lakas habang papalabas ng bansa appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers