‘World Cup: Messi, Ronaldo ‘di na magtatagpo sa pag-KO sa kanilang teams sa Last 16’

Doble ngayon ang pagluluksa ng mga football fans matapos hindi na makausad pa sa quarterfinals ng World Cup ang mga powerhouse teams Argentina at Portugal.

Una rito, minalas ang koponan ni soccer legend Lionel Messi matapos silang payukuin ng France, 4-3, sa kanilang Round of 16 match sa Kazan Arena.

Sinelyuhan ni Kylian Mbappe ang tagumpay ng France sa pamamagitan ng kanyang dalawang goals na naipasok sa loob lamang ng apat na minuto sa second half.

Dahil sa pagkatalo ng La Albiceleste, hindi maiwasan ng ilang mga tagahanga na mapaluha dahil sa masaklap na pagkatalo.

Katunayan, sa Kazan Arena ay makikita ang mga fans na nakatungo na lamang habang dinadamdam ang pagkabigo ng kanilang national team.

Inaasahan kasi ng mga tagahanga na magpapakitang gilas si Messi sa Last 16, kasunod ng kanilang “miracle win” kontra Nigeria sa group stage.

Nakasandal sa balikat ni Messi ang expectations ng buong Argentina na maibabawi nito ang kanilang football team sa hindi nila pagkakasungkit ng kampeonato sa Brazil noong 2014.

Huling nagkampeon ang Argentina sa World Cup noon pang 1986 kung saan dalawang beses pa lamang silang nagwagi sa torneyo.

Sa nangyaring laro, sinamantala ng Les Bleus ang mahinang depensa ng Argentina kung saan idinaan nila sa kanilang bilis ang laro upang maipamalas ang itinuturing na “best attacking display” nila sa torneyo.

Sa kabilang dako, natuldukan na rin ang pangarap ng team ni Cristiano Ronaldo nang tanggapin nila ang kanilang 1-2 loss sa No. 14 Uruguay sa Sochi.

Nanguna sa panig ng Uruguay si forward Edinson Cavani kasunod ng paglista nito ng dalawang goals para sa kanilang team.

Bunsod nito, hindi na mangyayari pa ang tinaguriang “dream game” sa pagitan ng dalawang football icons.

Inaabangan na lamang ngayon ng mga observers kung itutuloy ba ni Messi ang nauna nitong pahayag na magreretiro na ito nang tuluyan sa international football.

Matatandaang nag-anunsyo na rin noong 2016 ang 33-year-old legend na magreretiro na ito, ngunit makalipas ang dalawang buwan ay binawi nito ang kanyang pasya.

Source link

The post ‘World Cup: Messi, Ronaldo ‘di na magtatagpo sa pag-KO sa kanilang teams sa Last 16’ appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers