Pagkilala ng US sa Phl efforts vs human trafficking, ibinida ng gov’t

Labis na ikinagalak ng gobyerno ng Pilipinas ang pinakabagong Trafficking In Persons Report na inilabas ng US State Department.

Sa nasabing report, sa ikatlong pagkakataon ay nakakuha ng Tier 1 status ang Pilipinas, isang pagkilala sa kampanya at pagsisikap ng gobyerno laban sa human trafficking.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Cayetano, ang nasabing pagkilala ay nagpapatunay na tama umano at epektibo ang ginagawa ng Duterte administration para masugpo ang human trafficking sa bansa.

Ayon kay Sec. Cayetano, dahil sa nasabing report, lalo pang lalakas ang determinasyon ng gobyerno sa pagbibigay proteksyon sa mga maaaring maging biktima ng human trafficking at paghahabol hanggang pagpataw ng kaukulang parusa sa mga traffickers.

Kaugnay nito, ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagbibigay ng pinakamataas na prayoridad sa mga hakbang para labanan ang trafficking in persons sa pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos at sa buong international community.

“The 2018 Trafficking in Persons Report that placed the Philippines in Tier 1 for the third consecutive year goes to show that the Duterte Administration is doing the right thing,” ani Sec. Cayetano. “This affirmation strengthens our resolve to protect our people from trafficking by institutionalizing preventive measures, protecting vulnerable groups, and bringing the traffickers and their accomplices to justice.”

Source link

The post Pagkilala ng US sa Phl efforts vs human trafficking, ibinida ng gov’t appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers