NDF, hindi si Sison ang ‘final say’ sa peace talks – Bello

Binigyang-diin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na siya ring government chief negotiator na walang epekto sa peace negotiation sa National Democratic Front (NDF) ang mga pagbabanta at pagbatikos ni CPP-NPA founding chairman Jose Maria Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang inihayag ni Joma Sison na mas mabuting pagtuunan na lamang ng kilusan ang pagpapatalsik kay Panngulong Duterte at paghanda ang peace talks sa susunod na administrasyon.

Sinabi ni Sec. Bello sa panayam ng Bombo Radyo, bagama’t chief political consultant ng NDF si Sison, wala naman sa kanya ang kapangyarihang magdesisyon kung i-terminate na ang peace talks.

Ayon kay Sec. Bello, nauunawaan naman nila ang pagkadismaya at mga pahayag ni Sison dahil nga sa pagpapaliban ni Pangulong Duterte sa dapat sana’y pagpirma na sa interim peace agreement.

Iginiit ni Bello na sa ngayon ay nananatiling bukas ang NDF sa pagpapatuloy ng peace talks at hinihintay na matapos ang ginagawang review ni Pangulong Duterte sa mga nilagdaan kasunduan.

Source link

The post NDF, hindi si Sison ang ‘final say’ sa peace talks – Bello appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers