Sa Belgium: 8 anyos na batang lalaki, papasok na ng kolehiyo
Nagtapos sa high school ang isang 8 taong gulang na bata sa Belgium at nakatakda na agad pumasok sa kolehiyo.
Nakumpleto ng batang nakilalang si Laurent Simons sa loob lamang ng isa’t kalahating taon ang anim na taon sanang pag-aaral sa high school.
Ayon sa mga magulang ni Laurent, mayroong Intelligence Quotient (IQ) ang bata na 145 at nakamit na ang kanyang high school diploma sa isang klase na puro 18-anyos.
Sa panayam ng isang radio station sa Belgium sa bata, sinabi nitong ang paborito niyang asignatura ay Mathematics dahil sa lawak ng sakop nito kabilang ang ‘statistics’,’ geometry’ at ‘algebra’.
Ayon kay Laurent, ikinunsidera niya na maging isang ‘surgeon’ o hindi kaya ay ‘astranaut’ ngunit sa ngayon anya ay gusto niyang trabahong may kinalaman sa computers.
Ayon sa kanyang tatay, naging mahirap para sa bata na makipaglaro sa kanyang mga kapwa-bata at hindi ito naging interesado sa mga laruan.
Samantala, matapos ang dalawang buwan na bakasyon, ay magsisimula na sa kolehiyo si Laurent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Sa Belgium: 8 anyos na batang lalaki, papasok na ng kolehiyo appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar