Bagong state prosecutor general, itinalaga ni SOJ Guevarra
Magsisilbing Officer-in-Charge ng National Prosecution Service (NPS) si Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon.
Sa Department Order 334 na inilabas ni Justice Sec. Menardo Guevarra, inatasan nito si Fadullon na gampanan ang mandato ng pinuno ng NPS.
Kapalit si Fadullon ng nagbitiw na si dating OIC Prosecutor General George Catalan na tututok sa kanyang trabaho bilang chief prosecutor ng lungsod ng Makati.
Sa inilabas na pahayag ni Fadullon, pinasalamatan nito si Guevarra at humingi ng dasal para maayos niyang magampanan ang kanyang mga bagong tungkulin.
Dagdag pa nito, maraming isyu sa NPS ang dapat na asikasuhin lalo na ang pagpatay sa mga taga-usig.
Hangad din nitong maibalik ang tiwala ng publiko sa mga piskal sa pamamagitan ng propesyonalismo sa kanilang trabaho.
Ilan lang sa mga nahawakang kaso ni Fadullon ang Maguindanao Massacre, Oakwood Mutiny at ang kasong pandarambong ni dating Pangulong Erap Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Bagong state prosecutor general, itinalaga ni SOJ Guevarra appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar