Mayorya ng mga Pinoy, ayaw sa ‘same-sex marriage’ – SWS survey
Karamihan umano ng mga Pilipino ay kontra sa panukalang gawing ligal sa Pilipinas ang same-sex marriage.
Batay ito sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas sa huling araw ng tinaguriang “Pride Month.”
Nakasaad sa survey na 61 porsyento mula sa 1,200 respondents sa buong bansa ang nagsabing kokontrahin nila ang anumang panukalang gawing ligal ang same-sex marriage sa bansa kung saan 44 porsyento rito ay mahigpit ang pagtutol.
Nasa 22 percent lamang ang nagpahayag ng suporta sa panukala habang 16 percent ang “undecided” o wala pang posisyon.
Inihayag ng SWS na 74 percent ng mga respondents na miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) at 70 percent mula sa ibang Christian denominations ay kontra sa same-sex marriage.
Sa mga Muslim at Katolikong respondents, 60 percent ang kontra rin sa same-sex unions.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula March 23 hanggang 27.
The post Mayorya ng mga Pinoy, ayaw sa ‘same-sex marriage’ – SWS survey appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar