Bagong barangay officials, binalaan ng DILG kasabay ng pagsisimula ng termino

Hinamon ngayon ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang mga nahalal na opisyal ng barangay na gawin ang mandato ayon sa tungkuling nakaatang sa kanila at hindi dahil sa pakinabang.

Ang pahayag ni Diño sa panayam ng Bombo Radyo ay kasabay na rin ng pagsisimula nitong Hunyo 30 ng panunungkulan ng mga barangay officials na nahalal noong buwan ng Mayo.

Para sa DILG official, seryosong imo-monitor ng kanilang tanggapan ang performance ng mga kapitan sa mahigit 40,000 barangay sa buong bansa.

Kung mabibigo umano ang mga ito sa kampanya sa kalinisan, trapiko, kontra droga, kontra sugal at iba pa, tiyak na suspensyon ang aabutin o kaya ay pagkakatanggal sa pwesto.

“Malaki ang papel ng mga barangay, sila ang dapat manguna dito sa mga kampanya natin sa paglaban sa iligal na droga, ‘yung trapiko, kalinisan ng kalsada at mga ilog, at kung hindi nila magawa suspendido sila. Nandito kami sa DILG at imo-monitor talaga natin ‘yan,” wika pa ni Diño sa panayam ng Bombo Radyo.

Source link

The post Bagong barangay officials, binalaan ng DILG kasabay ng pagsisimula ng termino appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers