Pres. Duterte pinasasagot ng SC sa quo warranto petition

Pinasasagot na ng Korte Suprema si Pangulong Rodrigo Duterte sa quo warranto petition na inihain laban sa kaniya ng suspindidong abogado na si Ely Velez Pamatong.

Para kay Pamatong, hindi karapat-dapat si Duterte na maging pangulo ng Pilipinas dahil may depekto ang certificate of candidacy (CoC) nito.

Matatandaang dating alkalde ng Davao ay substitute candidate lamang ng kanyang kapartido sa PDP-Laban na si Martin Diño, na ngayon ay undersecretary na ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Atty. Ely Pamatong

Giit pa ni Pamatong, ang orihinal na posisyong nais takbuhan ni Diño ay para sa pagka-alkalde ng Pasay City at hindi talaga bilang pangulo ng ating bansa.

Ilang abogado naman ang agad nagsabing malabong manalo ang petisyon ni Pamatong dahil dati na itong naresolba sa Comelec at ang pinapayagan lamang na magsulong ng quo warranto ay ang Office of the Solicitor General.

Source link

The post Pres. Duterte pinasasagot ng SC sa quo warranto petition appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers