Postingan

Menampilkan postingan dari November, 2017

Iran at Papua New Guinea, niyanig ng malakas na lindol

Gambar
Tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa silangang bahagi ng bansang Iran. Ayon sa US-based pacific tsunami warning center, may lalim ang lindol na 33 kilometers o 20 miles. Nasa 50 kilometers o 30 miles ng north-northeast ng Kerman ang sentro ng lindol. Wala pa namang ulat ng pinsala o nasaktan sa pagyanig. Samantala, magnitude 6.0 na lindol naman ang tumama sa northeast coast ng Papua New Guinea. Unang nailata ng European-Mediterranean Seismological Center ang lindol sa sukat na 6.3 magnitude, pero ibinaba ito ng USGS.               Source link The post Iran at Papua New Guinea, niyanig ng malakas na lindol appeared first on News Portal Philippines .

WATCH: Lalaki, inireklamo ng panghihipo ng isang babae sa QC

Gambar
Inireklamo sa himpilan ng pulisya ang isang lalaki makaraang hipuan umano ang isang babae sa Commonwealth, Quezon City. Katwiran ng suspek, siya ay lasing at napagkamalan niyang girlfriend niya ang biktima. Nanakbo pa ang suspek at hinabol ng mga tauhan ng barangay hanggang sa tuluyang masukol. Nagmamakaawa naman ang kaanak ng suspek sa biktima at nakiusap na huwag na itong kasuhan. Narito ang report ni Justinne Punsalang:               Source link The post WATCH: Lalaki, inireklamo ng panghihipo ng isang babae sa QC appeared first on News Portal Philippines .

Lider ng Muslim countries, kinonsulta ni Pangulong Duterte bago dinikdik ang Maute group sa Marawi

Gambar
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinausap muna niya ang ilang heads of state sa mga Muslim countries bago tuluyang pinulbos ang teroristang Maute group na nagtago sa mga mosque at shrine sa Marawi City. Ayon sa pangulo, ayaw niya kasing magalit ang Muslim leaders kapag binomba ang mga mosque. Bukod dito, sinabi ng pangulo na kinailangan din na isaalang-alang ang dalawang milyong overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa middle East sa pangambang sila Ang balikan Ng mga muslim kapag sinira Ang mga mosque. Ayon sa pangulo, dahil sa masinsinang pakikipag-usap sa Muslim world leaders, naintindihan naman ng mga ito na kapag hindi binomba ang mga mosque ay magpapatuloy lamang ang pagdanak pa ng dugo. “To the last minute, I cannot mention their names, but I called the heads of state at sinabi ko the military is asking me now, “What now?” Because there are still the remnants inside buildings and the only way to get them out is really to assault the buildings,” ayon sa pangulo...

Dengue vaccine program ng DOH, inihinto muna

Gambar
Ipinatigil muna ng Department of Health (DOH) ang kanilang dengue immunization program para sa mga estudyante sa public schools matapos ihayag ng manufacturer ang panganib na maaring maidulot nito sa mga hindi pa naman nagkakasakit ng dengue. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, simula kahapon nang ilabas ng kumpanyang Sanofi ang pahayag ay agad iniutos ang paghinto sa proyekto. Sinabi ni Duque na hihintayin na lamang muna ng DOH ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na magsisilbing technical at scientific evidence para sa implementasyon ng programa. Sa statement noong Miyerkules, sinabi ng Sanofi Pasteur na ang Dengvaxia ay maaring magdulot ng “severe disease” kung ang mababakunahan ay hindi pa naman nagkaranas o na-infect ng dengue virus. Ayon kay Duque, humingi na sila ng detalyado pang impormasyon mula sa Sanofi Pasteur hinggil sa sinasabi nitong “severe reaction” na maaring maranasan ng mga nakatanggap ng bakuna. Kinakalap na rin ng DOH ang master li...

De La Salle Lipa, nakatanggap ng bomb threat

Gambar
Nakatanggap ng bomb threat ang De La Salle University sa Lipa, Batangas. Sa statement ng paaralan, natanggap ang pagbabanta sa pamamagitan ng text message alas 7:40 ng umaga. Bilang bahagi ng protocol, agad nagsagawa ng inspeksyon sa mga gusali at palibot ng paaralan ang mga tauhan ng Institutional Safety, Security and Emergency Services Office ng unibersidad. Ipinaalam din sa Philippine National Police (PNP) ang sitwasyon. Matapos ang inspeksyon, idineklarang clear sa anumang banta ang paaralan.                     Source link The post De La Salle Lipa, nakatanggap ng bomb threat appeared first on News Portal Philippines .

Northern Samar at Davao Occidental magkasunod na niyanig ng lindol

Gambar
Magkasunod na nakapagtala ng pagyanig sa Palapag, northern Samar at Sarangani, Davao Occidental, Biyernes ng umaga. Alas 6:40 ng umaga, naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa 104 kilometers north sa bayan ng Palapag sa lalawigan ng Northern Samar. May lalim na 33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin. Samantala, alas 7:54 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.0 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental. Naitala naman ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa 27 kilometers south ng Sarangani. Tectonic din ang origin ng lindol. Kapwa hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.                   Source link The post Northern Samar at Davao Occidental magkasunod na niyanig ng lindol appeared first on News Portal Philippines .

Baby Abandoned In a Box Becomes a World Superstar after Being Adopted by Loving Couple

Gambar
–> She was left inside a box and was left to die by her real parents, but was later adopted into a loving family and has become what she is today. A 1-month-old baby girl was abandoned inside a cardboard box and was left near a train station in Hunan, China several years ago. Thankfully, someone saw her and took her to an orphanage where she was taken care of until she was finally adopted by a loving couple. Chuck and Kim Walker fell in love with little Kenzie as soon as they saw her and immediately flew her to America. As soon as they arrived in their new home, the couple noticed that Kenzie had an amazing talent. According to Kim, Kenzie would first imitate sounds and songs with perfect pitch, and would often give her parents a “mini-concert” whenever she can. “It happened when we just arrived home from China. The alarm clock went off and McKenzie heard the alarm and walked over to the clock. The alarm was a rooster crowing. She really surprised us when she imitated the ...

Dalawa arestado sa ilegal na loteng sa QC

Gambar
Arestado ang isang lalaki matapos nitong magtangkang suhulan ang mga pulis sa Quezon City Police Station 7 sa Cubao. Kinilala ang suspek na si Zosimo Golpo, limamput walong taong gulang at residente ng Barangay San Roque sa Cubao, Quezon City. Nasa QCPD Station 7 si Golpo para sana pakiusapan ang mga otoridad na pakawalan na ang kaniyang empleyado na si Victor Dela Cruz, 43-taong gulang matapos itong makulong dahil sa pag-ooperate ng loteng. Tinangkang suhulan Golpo ang mga pulis sa pamamagitan ng pag-aabot ng pera kaya ito dinampot. Ayon kay Police Inspector Elmer Rabano, minatyagan ng mga pulis si Dela Cruz dahil nagpapataya ito ng loteng sa loob ng Farmers Market. Aminado si Dela Cruz na dati siyang nagpapataya ng loteng pero ngayon ay STL na ang kanyang pinatatayaan. Ayon naman kay Golpo, hindi niya sinusuhulan ang mga otoridad nang mag-abot siya ng pera. Mahaharap si Dela Cruz sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 o Illegal Numbers Game, habang Corruption of Public Offi...

It’s Never Too Late to Say Sorry: Bully Apologizes to Victim 20 Years After

Gambar
–> Sometimes, one word can change the lives of people. Bullying is very prevalent in schools today. There are victims who could no longer take the abuse that they decide to take their own lives instead. Those who “survive” bullying carry their scars and wounds until they grow up. Many bullied children develop insecurities and often grow up with emotional and psychological problems that last. But just one word can heal all these: sorry. Chad Michael Morrisette was severely bullied in his junior high school in a small town in Alaska. He was often called names, and his life was even threatened more than a couple of times. His scrawny stature was no match for 6-7 large-bodied bullies that would often wait for him in the hallway. One of them was Louie Amundson. “The entire football team bullied me,” Morrisette told Yahoo. “It wasn’t one guy, it was six or seven guys who would follow me in the hallways, harassing me, insulting me, threatening my life.” While Morrisette w...

Revolutionary gov’t, ‘option’ kapag ‘maghingalo’ ang gobyerno – Roque

Gambar
Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang dapat ipangamba sa umano’y balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng revolutionary government. Sinabi ni Roque na “option” lamang daw ito ng punong ehikutibo sa oras na “maghingalo”ang gobyerno. Idedeklara lamang daw ito kung magkaroon aniya ng pagtatangka na sapilitang patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte. “Ang sabi ng presidente, kung hindi naman naghihingalo ang gobyerno hindi kakailanganin ang revgov (revolutionary government),” ani Roque. Wala rin aniyang dahilan para ideklara ang revolutionary government sapagkat mataas ang popularity ng pangulo, na inaasahang mas tataas pa ngayong Disyembre. Ang nagdedeklara lamang din daw ng isang revolutionary government ay ang mga walang mandato mula sa taumbayan. Umapela si Roque sa mga kritiko ni Pangulong Duterte na hayaan muna itong manilbihan sa publiko, at hintayin na lamang ang 2022, na siyang pagtatapos ng termino nito. Samantala, nilinaw naman ni Roque...

Traffic situation sa Metro Manila, ikatlo sa pinakamalala sa buong Southeast Asia

Gambar
Ang Metro Manila ang ikatlo sa may pinakamalalang sitwasyon sa traffic sa Southeast Asia ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Boston Consulting Group o BGC. Sa pag-aaral na may titulong “Unlocking Cities”, pumangatlo ang Metro Manila sa mayroong “worst traffic” sa rehiyon kung saan mayroong 66 minutes ang average ng pagkakahimpil sa traffic kada araw. Ang Bangkok sa Thailand ang nasa unang pwesto na may pinakamalalang traffic situation at Jakarta, Indonesia naman ang ikalawa. Nakasaad din sa pag-aaral na sa Metro Manila, umuubos ang mga driver ng average na 24 minutes bawat araw sa paghahanap ng mapaparadahan. Ang survey ay ginawa noong Setyembre hanggang Oktubre at kinomisyon ng ride-sharing na Uber sa layong mapag-aralan ang impact ng ride-sharing sa Southeast Asia. Maituturing namang best performers sa sitwasyon ng traffic ang Singapore at Hong Kong. Sa parehong survey, nakasaad na maaring lumala pa ang traffic situation sa Metro Manila dahil lumitaw na 84% ng mga respondents an...

Remarkable 5-year-old Girl Cooks and Does Household Chores in Place of her Mother

Gambar
–> Her mother knew she was already dying, and she wanted to teach her daughter everything she knew so that the little girl can be independent at a very early age. 5-year-olds are often seen playing at home or with their friends at pre-school. This is the age in everyone’s life that they get to enjoy being under the care of their parents, and are provided with the best food, shelter, and education their parents can ever give. But for Hana Yasutake, this is the time to take care of her father and do household chores. Hana’s mom Chie knew she was dying when her cancer recurred. But before she could leave the world, she wanted her little daughter to learn cooking so that she can survive on her own. “Hana-chan, knowing how to cook is important in your life. I would teach you how to handle knives and do household chores. Your education is not complete without knowing these survival skills. As long as you’re healthy and independent, you can survive anywhere,” she said in her blog. ...

21 napalayang NDF consultants, hinahanap ng AFP

Gambar
  Hinahanap na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kinaroroonan ng 21 consultants ng National Democratic Front (NDF). Ang 21 consultants ay una nang pinalaya ng korte upang makilahok sa usapang pangkapayapaan sa ilalim ng administrasyong Duterte. Kabilang sa mga ito sina Benito at Wilma Tiamzon na napalaya sa kabila ng kinakaharap na mga kasong murder at kidnapping sa korte. Ayon kay Col. Edgard Arevalo, pinuno ng Public Affairs Office ng AFP, kanilang sinisikap nang tukuyin ang kinaroroonan ng mga consultants. Gayunman, wala pa naman aniyang spesipikong kautusan na dakpin muli ang mga ito. Sa ngayon aniya, naghihintay pa sila ng direktiba upang matukoy kung kinakailangan nang ibalik muli sa kulungan ang mga ito. Matatandaang noong nakaraang linggo, opisyal nang pinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front. Ito ay matapos ang patuloy na opensiba ng NPA laban sa mga sundalo sa iba’t ibang probinsya. G...

Wala akong dahilan para magbitiw sa puwesto-Sereno

Gambar
  Muling nanindigan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi siya susuko at magbibitiw sa pwesto. Ayon kay Sereno, ilang beses na siyang sinabihan nang palihim at maging sa harap ng publiko na kusa nang bitiwan ang kaniyang posisyon. Sa kabila nito, walang nakikitang dahilan ang punong mahistrado para gawin ito dahil ayon sa kaniya, ang lahat ng kaniyang ginawa mula nang siya ay maitalaga bilang associate justice noong 2010 ay walang bahid ng malisya at tapat sa kaniyang tungkulin. Sinabi ito ni Sereno sa pagharap niya sa mga taga-suporta niya sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City. “Sabi ko po lahat ng ginawa ko simula pa noong ako’y na-appoint na associate justice ay wala po ni isang bahid ng malisya. Lahat po ginawa ko nang tapat ang aking tungkulin. I went over and beyond the normal work load,” ani Sereno. Hindi rin aniya siya matitinag hangga’t hindi siya iniiwan ng kaniyang mga taga-suporta, at hangga’t ang araw ay sumisikat sa silangan at buma...

Wala akong dahilan para bumitiw-Sereno

Gambar
  Muling nanindigan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi siya susuko at magbibitiw sa pwesto. Ayon kay Sereno, ilang beses na siyang sinabihan nang palihim at maging sa harap ng publiko na kusa nang bitiwan ang kaniyang posisyon. Sa kabila nito, walang nakikitang dahilan ang punong mahistrado para gawin ito dahil ayon sa kaniya, ang lahat ng kaniyang ginawa mula nang siya ay maitalaga bilang associate justice noong 2010 ay walang bahid ng malisya at tapat sa kaniyang tungkulin. Sinabi ito ni Sereno sa pagharap niya sa mga taga-suporta niya sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City. “Sabi ko po lahat ng ginawa ko simula pa noong ako’y na-appoint na associate justice ay wala po ni isang bahid ng malisya. Lahat po ginawa ko nang tapat ang aking tungkulin. I went over and beyond the normal work load,” ani Sereno. Hindi rin aniya siya matitinag hangga’t hindi siya iniiwan ng kaniyang mga taga-suporta, at hangga’t ang araw ay sumisikat sa silangan at buma...

North Korea, itinutulak ang mundo sa ‘bingit ng digmaan’- US envoy to UN

Gambar
  Mariing kinondena ng United Nations Security Council ang pinakabagong ballistic missile test ng North Korea. Sa isang emergency meeting matapos ang napabalitang ICBM launch ng North Korea, sinabi ni US Ambassador to the UN Nikki Haley na dahil sa ginagawang hakbang ng naturang bansa, lalo nitong inilalapit sa ‘bingit ng digmaan’ ang mundo. Ayon pa kay Haley, hindi ninanais ng sinuman na makipag-giyera sa North Korea, ngunit dahil sa ginagawa nito ay mistulang itinutulak nito ang mundo sa naturang sitwasyon. Kung magkakaroon man aniya ng digmaan, ito ay dahil sa kagagawan ng North Korea, giit pa ni Haley. Kung kumantong man sa giyera ang sitwasyon, ay tiyak na malilipol ang North Korean regime. Dapat aniyang tuluyang bawiin na ng lahat ng bansa ang ugnayan nito sa North Korea upang mapakita ang pagkondena sa isinusulong nitong nuclear program. Source link The post North Korea, itinutulak ang mundo sa ‘bingit ng digmaan’- US envoy to UN appeared first on News Portal Phili...

Pagkuha muli sa serbisyo ng Sumitomo, ikinatuwa ni Sen. Poe

Gambar
  Naniniwala si Sen. Grace Poe na “encouraging” at isang tamang hakbang ang plano ng Department of Transportation (DOTr) na muling kunin ang Sumitomo Corporation bilang maintenance provider ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3). Ayon kay Poe, may magandang track record ang Sumitomo noong sila pa ang maintenance provider ng MRT sa unang 12 taon nito. Sila rin kasi ang nangangalaga noon sa MRT bago ito makaranas ng serye ng mga aberya na halos araw-araw nang naitatala. Bagaman natutuwa, ipinaalala naman ni Poe na hindi lang naman ang Sumitomo ang bukod tanging maintenance provider o baka hindi rin ito ang pinakamagaling. Dahil dito, dapat tiyakin ng gobyerno na ang magiging terms ng kontrata para sa serbisyong ibibigay nito ay hindi naman ikalulugi ng mga tao, at na dapat din itong sumunod sa freedom of information. Matatandaang noong Miyerkules, inanunsyo ng DOTr na muli nilang kukunin ang serbisyo ng Sumitomo para sa MRT. Una na ring sinabi ng MRT Corporation na handa silang mag-...

Panukalang P3.7-T 2018 budget malalagdaan bago mag-Pasko

Gambar
  Target ng Senado at Kamara na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P3.7T budget sa taong 2018 bago ang araw ng pasko. Ayon kay House Appropriations Committee Chair Karlo Alexi Nograles, target nila na malagdaan ito ng pangulo sa December 19. Paliwanag ni Nograles kayang maratipikahan ang panukalang gugulin bago magbreak ang sesyon ng Kongreso sa December 13. Isa sa malaking pagkakaiba sa bersyon ng Kamara at Senado ay ang alokasyong P900M para sa Oplan Double Barrel ng PNP dahil kasama ito sa inaprubahan ng Kamara pero sa bersyon ng Senado inalis ang nasabing halaga sa PNP at inilipat sa housing project ng mga pulis at sundalo. Kailangan ayon kay Nograles na pag-aralan nila ito dahil muli na namang ibabalik ng pangulo sa PNP ang operasyon kontra droga. Ngayong araw sinimulan ang bicameral conference upang plantsahin ang pagkakaiba ng bersyon ng dalawang kapulungan. Source link The post Panukalang P3.7-T 2018 budget malalagdaan bago mag-Pasko appeared fi...

Malacañang kay Robredo: Relax ka lang

Gambar
Pinakakalma ng Malacañang si Vice President Leni Robredo sa pagsusulong mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na revolutionary government. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat na mabahala si Robdero dahil malinaw ang pahayag ng pangulo na walang sapat na basehan para ideklara ang Revolutionary government sa kasalukuyan. Dagdag ni Roque, saka lang naman magdedeklara ang pangulo ng revolutionary government kapag lupaypay na o naghihingalo na ang gobyerno. Pero sa ngayon ayon kay roque maayos pa naman ang lagay ng bansa lalo’t buo pa ang suporta ng taong bayan sa pangulo. Sinabi pa ni Roque na ang revolutionary government ang huling alas na maipangbabala ng oposisyon laban sa pangulo. Payo ni Roque sa oposisyon, tapusin na ang pagsakay sa isyu ng revolutionary government at humanap na ng ibang isyu. Source link The post Malacañang kay Robredo: Relax ka lang appeared first on News Portal Philippines .

P1 Billion na dagdag pondo hirit ng DOLE sa Kongreso

Gambar
Humingi ng karagdagang budget sa bicameral conference committee si Labor Secretary Silvestre Bello III. Ayon kay Bello, kailangan nila ng dagdag na P1.1 Billion na pondo para sa Department of Labor and Employment. Gagamitin ayon kay Bello ang nasabing halaga para sa posibleng repatriation at reintegration para sa mga OFW na nasa Qatar, Lebanon at Saudi Arabia. Sa nasabing halaga, aabot sa P850 Million ang gagamitin para sa repatriation ng daan-daang OFWs sa mga nasabing bansa sakaling lumala ang sitwasyon doon. Samantala, umaabot naman sa P300 Million ang gagastusin sa reintegration ng mga OFW oras na makauwi ng bansa upang mabigyan sila ng trabaho. Source link The post P1 Billion na dagdag pondo hirit ng DOLE sa Kongreso appeared first on News Portal Philippines .

P20 Million inilaan ng pondo para sa Marawi City Police Station

Gambar
Naglaan ng mahigit P20 Million ang Philippine National Police (PNP) para sa konstruksyon ng Marawi City Police Station at iba pang community at public assistance centers sa lungsod. Ito ay matapos masira ang ilang pasilidad sa lugar nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng gobyerno at ISIS-inspired Maute group. Tinatayang P14.552 Million ang kabuuang pondo para sa Marawi City Police Station habang P1.205 Million naman sa mga bakod at guard house nito. Samantala, P1.362 Million naman sa kada itatayong community at public assistance centers at P1.519 Million sa ground development ng istasyon. Magsasagawa ang PNP Engineering Service Bids and Awards Committee ng pre-bid conference sa December 5 habang opening of bids naman sa December 19. Source link The post P20 Million inilaan ng pondo para sa Marawi City Police Station appeared first on News Portal Philippines .

Malacañang: Utos ni Duterte na pagbaril sa mga NPA makatwiran

Gambar
Nanindigan ang Malacañang na may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pag-aresto o pagbaril sa mga miyembro ng komunistang grupo na may bitbit na armas. Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, nahaharap sa kasong rebelyon ang anumang grupo na nag-aarmas at lumalaban sa estado at nambibiktima ng mga sibilyan. Hindi aniya hahayaan ng pangulo na mamayagpag ang mga komunistang panay ang banat at atake sa ating mga tropa, mga sibilyan, mga negosyo at komunidad. Tungkulin aniya ng pangulo ng bansa na tuldukan ang ganitong mga iligal na aktibidad ng komunistang grupo. Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng legal team ng administrasyon ang ipalalabas na executive order na magdi-deklara sa NPA bilang teroristang grupo. Source link The post Malacañang: Utos ni Duterte na pagbaril sa mga NPA makatwiran appeared first on News Portal Philippines .

Malacañang: Hindi pagdalo ng pangulo sa Bonifacio Day activities di dapat intrigahin

Gambar
Nagpaliwanag ang Malacañang kung bakit si Defense Secretary Delfin Lorenzana at hindi si Vice President Leni Robredo ang official representative ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa Bonifacio Day ngayong araw sa Monumento, Caloocan City. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na dapat kulayan kung bakit hindi si Robredo ang umakyat sa entablado para sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Bonifacio. Una rito, sinabi ni Roque na nasa “conflict ridden area” sa Mindanao ang pangulo ngayong araw kung kaya wala itong dinaluhang aktibidad sa Bonifacio Day. Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Robredo na okay lang na hindi siya ang nag-alay ng bulalak sa bantayog ni Bonifacio kasabay ang panawagang huwag kalimutan ng mga Pinoy ang araw ng buhay ng nasabing bayani. Sinabayan naman ng pagtitipon ng mga pro at anti-government groups ang paggunita sa kaarawan ngayong araw ni Gat. Andres Bonifacio. Source link The post Malacañang: Hindi pagdalo ng pangulo sa Bonifacio Day a...

Dating news ombudsman ng Inquirer itinalaga ni Duterte sa UNESCO Phil. Comm.

Gambar
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si University of the Philippines College of Mass Communication Dean Dr. Elena Pernia bilang pinuno ng Unitend Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) National Commission of the Philippines. Si Pernia ay maybahay ni National Economic Development Agency Director General Ernesto Pernia at dating news ombudsman ng Inquirer. Mayroon siyang tatlong taong termino sa nasabing posisyon. Maliban kay Pernia, muli namang itinalaga ni Duterte si Manila Times Chairman Emeritus Dante Ang bilang presidential envoy for international public relations. Tatagal nang hanggang sa April 2018 ang nasabing posisyon ni Ang. Noong Nobyembre 27 ay nanumpa rin sa harap ng pangulo ang ilang mga bagong opisyal ng ilang mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs). Sinabi ng tanggapan ng pangulo na bago matapos ang taon ay magtatalaga pa ang pangulo ng ilang mga opisyal sa ilan pang mga bakanteng posisyon sa gobyerno. Source link ...

Palasyo kay VP Leni: ‘No worries sa revolutionary gov’t rally’

Gambar
Pinawi ng Malacañang ang pangamba ni Vice President Leni Robredo sa revolutionary government (revgov) rally ng mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, iginagalang nila ang pahayag ng pangalawang pangulo pero wala aniya itong dapat ikabahala. Ayon kay Roque, makailang ulit nang sinabi ni Pangulong Duterte na sa ngayon ay walang basehan at walang pangangailangan na ideklara ang revolutionary government. Inihayag na rin aniya ni Pangulong Duterte na magdedeklara lamang ito ng revolutionary government kung tagilid na ang gobyerno sa mga “destabilizer,” pero sa ngayon ay hindi ito nangyayari dahil buo ang suporta ng mamamayan sa kanya. Iginagalang naman daw ng pangulo ang panawagan ng mga grupong nagsusulong ng revolutionary government pero sa ngayon aniya ay malabo itong ideklara. Source link The post Palasyo kay VP Leni: ‘No worries sa revolutionary gov’t rally’ appeared first on News Portal Philippines .

Davao City at ilang lugar sa Mindanao guguluhin ng NPA ayon sa PNP

Gambar
Inalerto ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang kanyang mga tauhan na mas maging alerto partikular na sa Mindanao region. Sinabi ng opisyal na ang ilang mga pagsalakay sa Visayas at ilang lalawigan sa Luzon ay bahagi lamang ng isang diversionary tactics ng mga komunista. Ipinaliwanag ni Dela Rosa na base sa kanilang mga nakuhang intelligence report ay kabilang ang Davao City sa ilang lugar sa Mindanao na target guluhin ng CPP-NPA. Bagaman iilan na lamang ang mga kasapi ng komunistang grupo, sinabi ng hepe ng PNP na hindi pa rin sila dapat maging kampante dahil kilala ang mga NPA sa patraydor na mga uri ng pagsalakay. Nauna nang sinabi ng pangulo na dapat mas maging handa ang mga sundalo at pulisya sa mga panggugulo ng CPP-NPA lalo’t ibinasura na niya ang peace talk sa rebeldeng grupo. Tinawag rin ng pangulo na isang teroristang grupo ang CPP-NPA dahil sa kanilang ginagawang pag-atake sa ilang mga negosyo at sibilyan lalo na sa mga lalawigan. Source link The p...

Isang sa mga lider ng Abu Sayyaf timbog sa Basilan

Gambar
Timbog ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group na may patong na P1.3 Million sa lalawigan ng Basilan. Ayon sa Western Mindanao Command, inaresto si Rahim Abdul alyas “Aman Kabalu” noong Martes sa Barangay Kampurnah sa Isabela City dakong alas-3:00 ng hapon. Si Abdul ay sinasabing sangkot sa ilang kaso ng kidnapping at pagpatay. Ayon kay Brig. Gen. Juvymax Uy, pinuno ng Joint Task Force Basilan, nakilala ng isang sibilyan ang suspek at kaagad itong nagsumbong sa mga otoridad. Nagpag-alaman rin na nag-iisang naglalakad ang suspek nang siya’y ay matiyempuhan ng mga tauhan ng PNP at AFP sa lugar. Aniya, hindi pumalag si Abdul nang arestuhin ito. Dinala ang suspek sa Basilan Provincial Police Office kung saan siya isinailalim sa tactical interrogation. Source link The post Isang sa mga lider ng Abu Sayyaf timbog sa Basilan appeared first on News Portal Philippines .

Rally ng iba’t ibang grupo kaugnay sa Rev Gov gawing mapayapa ayon sa Malakanyang

Gambar
Humihirit ang Malakanyang sa iba’t ibang grupo na nagsasagawa ng rally ngayong araw para sa revolutionary government na tiyaking mapayapa at maayos ang kanilang pagkilos. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang ilatag ang revolutionary government. Nilinaw din ni Roque na hindi naman hinahadlangan ng Malakanyang ang mga pagkilos ng iba’t ibang grupo na gustong magpahayag ng kanilang mga saloobin ukol sa Rev Gov. Nakaantabay lamang aniya ang mga pulis sa mga pinagdarusan ng rally para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Sa Maynila, dalawang magkahiwalay na protesta ang isinagawa ng mga grupong pabor at tutol sa pagbuo ng Rev Gov.       Source link The post Rally ng iba’t ibang grupo kaugnay sa Rev Gov gawing mapayapa ayon sa Malakanyang appeared first on News Portal Philippines .

WATCH: VP Leni Robredo nababahala sa patuloy na pagsusulong ng Rev Gov

Gambar
Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak na pamunuan ang isang revolutionary government. Ngunit ang mga sumusuporta sa kaniya ay patuloy itong isinusulong at ito ang labis na ikinababahala ni Vice President Leni Robredo. Tanong ni Robredo kung maari bang papanagutin sa batas ang mga lalahok sa revolutionary government? Giit pa ni Robredo ang mas lubhang nakakabahala ay may ilang opisyal pa mismo ng gobyerno ang pabor sa naturang hakbangin, na maituturing na pag aaklas laban sa isang lehitimong gobyerno. Kinumpirma din nito na may nakakarating na rin sa kanyang mga impormasyon na may nagaganap ng recruitment para sa mga susuporta sa isang revolutionary government. Ayon kay Robredo dapat panindigan ni pangulong rodrigo duterte na tutol siya sa isang revolutionary government para batid ng taumbayan ang kanyang posisyon.             Source link The post WATCH: VP Leni Robredo nababahala sa patuloy na pagsusulong ng Rev Gov ...

Jackpot sa Ultra Lotto, aabot sa P112M

Gambar
  Inaasahang aabot sa P112 million ang jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58 bukas, December 1. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nagwagi ng jackpot prize ng mahigit P108 million sa draw noong Martes. Ang winning number combination para sa nasabing petsa ay 12-42-09-52-55-06. Apat na mananaya naman ang nakakuha ng limang number kaya nanalo sila ng tig-P200,000. Samantala, 407 na lotto bettors naman ang nakakuha ng apat na tamang numero at nanalo naman sila ng tig-P1,700.             Source link The post Jackpot sa Ultra Lotto, aabot sa P112M appeared first on News Portal Philippines .

Mag-ingat sa pagsusulong sa panukalang ‘revolutionary gov’t – ex-Senate president

Gambar
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaalalahanan ngayon ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. ang mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay lamang sa isinusulong na revolutionary government sa bansa. Ito ay kahit kinilala niya na karapatan ng sinuman ang pagsasagawa ng matiwasay na pagtitipon sa lahat ng bahagi ng bansa. Sa panayam ng Bombo Radyo , inihayag ni Pimentel na hindi maaring basta-basta na lamang baguhin ang anumang bahagi ng Saligang Batas kung hindi dadaan sa tamang proseso. Bagamat kilala na federalism advocate si Pimentel subalit nagmamatyag daw ito sa mga ginagawa ng mga tagasuporta ng Duterte administration. Nitong araw, kabilang ang Northern Mindanao na isasagawa ang binansagang revolutionary government caravan at assembly na gaganapin sa Misamis Oriental capitol grounds kung saan inaasahan ang 5,000 katao na lalahok. Meron ding isasagawa na kahalintulad na pagtitipon sa Davao City, Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa. Source lin...

Caraga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Gambar
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bayan ng Caraga sa Davao Oriental. Naganap ang lindol alas 9:16 ng umaga sa 46 kilometers South ng Caraga. Ayon sa Phivolcs, naitala ang intensity III sa Bislig City sa Surigao del Sur dahil sa nasabing pagyanig. May lalim na 23 kilometers ang lindol at tectonic ang origin. Ayon sa Phivolcs, maaring magdulot ng aftershock ang nasabing lindo.                       Source link The post Caraga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.0 na lindol appeared first on News Portal Philippines .

Palasyo sa sasali sa ‘revolutionary gov’t’ rallies: ‘Gawing payapa ang pagkilos’

Gambar
Nananawagan ngayon ang Malacañang sa mga magsasagawa ng rally para sa pagsuporta sa revolutionary government na gawing payapa at maayos ang kanilang pagkilos. Magugunitang ilang grupo ang humihikayat sa Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng revolutionary government (revgov) bagay na hindi naman kinakagat ng Pangulo. Inihayag din ng Malacañang na walang “legal and factual basis” para sa tinagurian ding revgov. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t nagsabi na si Pangulong Duterte na ayaw nito ang revolutionary government, hindi nila pipigilan ang mga mamamayan sa pagpapahayag ng kanilang suporta rito. Ayon kay Roque, ilang beses ng sinabi ni Pangulong Duterte na malaya ang mga gustong mag-rally basta huwag lang maabala at maperwisyo ang publiko. Magpapatupad din umano ng maximum tolerance ang mga pulis na magbabantay ng seguridad sa mga magra-rally. “We ask those who would join in today’s demonstrations calling for a revolutionary government to conduct their ...

Bonifacio Day, sabay-sabay na ginunita sa mga monumento ni Andres Bonifacio sa Metro Manila

Gambar
Nagkaroon ng magkakahiwalay na selebrasyon sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ngayong ika-145 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio. Sa Monumento Circle sa Caloocan, pinangunahan ni Vice President Leni Robredo at Defense Sec. Delfin Lorenzana ang selebrasyon. Ginawaran muna ng gun salute ang monumento ni Bonifacio at inalayan ito ng bulaklak. Matapos ito ay pinangunahan nina Robredo, Lorenzana at Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang flag-raising ceremony. Sa Bonifacio Shrine naman sa Maynila malapit lamang sa Manila City Hall, inalayan din ng bulaklak ang monument ng tinaguriang “Ama ng Katipunan”. Kabilang sa nagsagawa ng wreath-laying ay ang mga kinatawan mula sa Department of Education (DepEd), National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at mga opisyal mula sa Manila City government. Hindi naman nakadalo sa selebrasyon si Manila Mayor Joseph Estrada dahil nagkataon na mayroon itong schedule ng therapy sa kaniyang bewang. Sa Tutuban sa Maynila, may mga kinata...

Paliparan sa Bali, Indonesia, bukas na matapos maapektuhan ng pagputok ng Mount Agung

Gambar
Binuksan na muli ang paliparan sa Bali, Indonesia na ilang araw ding isinara makaraang maapektuhan ng pagputok ng Mount Agung volcano. Ang international airport sa Bali ay second busiest airport sa Indonesia at 60 kilometers lang ang layo sa bulkan. Dahil sa pagsasara ng paliparan, maraming turista ang naantala ang biyahe. Samantala, patuloy naman ang apela ni Indonesian President Joko Widodo sa mga residente na lumayo sa danger zone sa palibot ng bulkan. Sa ngayong umabot na sa 43,000 na katao pa lamang ang kusang lumikas gayung nasa 90,000 hanggang 100,000 katao ang naninirahan sa danger zone.                           Source link The post Paliparan sa Bali, Indonesia, bukas na matapos maapektuhan ng pagputok ng Mount Agung appeared first on News Portal Philippines .