Iran at Papua New Guinea, niyanig ng malakas na lindol
Tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa silangang bahagi ng bansang Iran.
Ayon sa US-based pacific tsunami warning center, may lalim ang lindol na 33 kilometers o 20 miles.
Nasa 50 kilometers o 30 miles ng north-northeast ng Kerman ang sentro ng lindol.
Wala pa namang ulat ng pinsala o nasaktan sa pagyanig.
Samantala, magnitude 6.0 na lindol naman ang tumama sa northeast coast ng Papua New Guinea.
Unang nailata ng European-Mediterranean Seismological Center ang lindol sa sukat na 6.3 magnitude, pero ibinaba ito ng USGS.
The post Iran at Papua New Guinea, niyanig ng malakas na lindol appeared first on News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar