Mag-ingat sa pagsusulong sa panukalang ‘revolutionary gov’t – ex-Senate president
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaalalahanan ngayon ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. ang mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay lamang sa isinusulong na revolutionary government sa bansa.
Ito ay kahit kinilala niya na karapatan ng sinuman ang pagsasagawa ng matiwasay na pagtitipon sa lahat ng bahagi ng bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Pimentel na hindi maaring basta-basta na lamang baguhin ang anumang bahagi ng Saligang Batas kung hindi dadaan sa tamang proseso.
Bagamat kilala na federalism advocate si Pimentel subalit nagmamatyag daw ito sa mga ginagawa ng mga tagasuporta ng Duterte administration.
Nitong araw, kabilang ang Northern Mindanao na isasagawa ang binansagang revolutionary government caravan at assembly na gaganapin sa Misamis Oriental capitol grounds kung saan inaasahan ang 5,000 katao na lalahok.
Meron ding isasagawa na kahalintulad na pagtitipon sa Davao City, Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa.
The post Mag-ingat sa pagsusulong sa panukalang ‘revolutionary gov’t – ex-Senate president appeared first on News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar