Malacañang: Utos ni Duterte na pagbaril sa mga NPA makatwiran

Nanindigan ang Malacañang na may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pag-aresto o pagbaril sa mga miyembro ng komunistang grupo na may bitbit na armas.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, nahaharap sa kasong rebelyon ang anumang grupo na nag-aarmas at lumalaban sa estado at nambibiktima ng mga sibilyan.

Hindi aniya hahayaan ng pangulo na mamayagpag ang mga komunistang panay ang banat at atake sa ating mga tropa, mga sibilyan, mga negosyo at komunidad.

Tungkulin aniya ng pangulo ng bansa na tuldukan ang ganitong mga iligal na aktibidad ng komunistang grupo.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng legal team ng administrasyon ang ipalalabas na executive order na magdi-deklara sa NPA bilang teroristang grupo.

Source link

The post Malacañang: Utos ni Duterte na pagbaril sa mga NPA makatwiran appeared first on News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers