Palasyo kay VP Leni: ‘No worries sa revolutionary gov’t rally’

Pinawi ng Malacañang ang pangamba ni Vice President Leni Robredo sa revolutionary government (revgov) rally ng mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, iginagalang nila ang pahayag ng pangalawang pangulo pero wala aniya itong dapat ikabahala.

Ayon kay Roque, makailang ulit nang sinabi ni Pangulong Duterte na sa ngayon ay walang basehan at walang pangangailangan na ideklara ang revolutionary government.

Inihayag na rin aniya ni Pangulong Duterte na magdedeklara lamang ito ng revolutionary government kung tagilid na ang gobyerno sa mga “destabilizer,” pero sa ngayon ay hindi ito nangyayari dahil buo ang suporta ng mamamayan sa kanya.

Iginagalang naman daw ng pangulo ang panawagan ng mga grupong nagsusulong ng revolutionary government pero sa ngayon aniya ay malabo itong ideklara.

Source link

The post Palasyo kay VP Leni: ‘No worries sa revolutionary gov’t rally’ appeared first on News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers