Dengue vaccine program ng DOH, inihinto muna

Ipinatigil muna ng Department of Health (DOH) ang kanilang dengue immunization program para sa mga estudyante sa public schools matapos ihayag ng manufacturer ang panganib na maaring maidulot nito sa mga hindi pa naman nagkakasakit ng dengue.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, simula kahapon nang ilabas ng kumpanyang Sanofi ang pahayag ay agad iniutos ang paghinto sa proyekto.

Sinabi ni Duque na hihintayin na lamang muna ng DOH ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na magsisilbing technical at scientific evidence para sa implementasyon ng programa.

Sa statement noong Miyerkules, sinabi ng Sanofi Pasteur na ang Dengvaxia ay maaring magdulot ng “severe disease” kung ang mababakunahan ay hindi pa naman nagkaranas o na-infect ng dengue virus.

Ayon kay Duque, humingi na sila ng detalyado pang impormasyon mula sa Sanofi Pasteur hinggil sa sinasabi nitong “severe reaction” na maaring maranasan ng mga nakatanggap ng bakuna.

Kinakalap na rin ng DOH ang master list ng lahat ng mga bata na nakatanggap ng bakuna para ma-monitor ang kanilang kondisyon.

Sa unang phase ng programa sa ilalim ng pamumuno ni Health Sec. Janette Garin, umabot sa 491,990 na estudyante na edad 9 na taon ang nabigyan ng bakuna.

Sa nasabing bilang, 415,681 ang muling nabakunahan para sa second phase kung saan si Health Secretary Paulyn Ubial na ang nakaupo sa ahensya.

Sa ngayon ayon kay Duque, nasa 1.4 billion units ng Dengvaxia pa ang naka-stock sa DOH.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

The post Dengue vaccine program ng DOH, inihinto muna appeared first on News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers