Malacañang: Hindi pagdalo ng pangulo sa Bonifacio Day activities di dapat intrigahin
Nagpaliwanag ang Malacañang kung bakit si Defense Secretary Delfin Lorenzana at hindi si Vice President Leni Robredo ang official representative ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa Bonifacio Day ngayong araw sa Monumento, Caloocan City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na dapat kulayan kung bakit hindi si Robredo ang umakyat sa entablado para sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Bonifacio.
Una rito, sinabi ni Roque na nasa “conflict ridden area” sa Mindanao ang pangulo ngayong araw kung kaya wala itong dinaluhang aktibidad sa Bonifacio Day.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Robredo na okay lang na hindi siya ang nag-alay ng bulalak sa bantayog ni Bonifacio kasabay ang panawagang huwag kalimutan ng mga Pinoy ang araw ng buhay ng nasabing bayani.
Sinabayan naman ng pagtitipon ng mga pro at anti-government groups ang paggunita sa kaarawan ngayong araw ni Gat. Andres Bonifacio.
The post Malacañang: Hindi pagdalo ng pangulo sa Bonifacio Day activities di dapat intrigahin appeared first on News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar