Palasyo sa sasali sa ‘revolutionary gov’t’ rallies: ‘Gawing payapa ang pagkilos’
Nananawagan ngayon ang Malacañang sa mga magsasagawa ng rally para sa pagsuporta sa revolutionary government na gawing payapa at maayos ang kanilang pagkilos.
Magugunitang ilang grupo ang humihikayat sa Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng revolutionary government (revgov) bagay na hindi naman kinakagat ng Pangulo.
Inihayag din ng Malacañang na walang “legal and factual basis” para sa tinagurian ding revgov.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t nagsabi na si Pangulong Duterte na ayaw nito ang revolutionary government, hindi nila pipigilan ang mga mamamayan sa pagpapahayag ng kanilang suporta rito.
Ayon kay Roque, ilang beses ng sinabi ni Pangulong Duterte na malaya ang mga gustong mag-rally basta huwag lang maabala at maperwisyo ang publiko.
Magpapatupad din umano ng maximum tolerance ang mga pulis na magbabantay ng seguridad sa mga magra-rally.
“We ask those who would join in today’s demonstrations calling for a revolutionary government to conduct their rallies in a peaceful, orderly manner. The President has earlier said that he does not want a revolutionary government. This, however, does not mean he would prevent citizens from expressing their support for a revolutionary government. The Chief Executive in numerous occasions articulated that he allows protests and other forms of mass action as long as public safety and convenience are not compromised. Police will observe maximum tolerance and exercise highest restraint,” ani Roque.
The post Palasyo sa sasali sa ‘revolutionary gov’t’ rallies: ‘Gawing payapa ang pagkilos’ appeared first on News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar