Panukalang P3.7-T 2018 budget malalagdaan bago mag-Pasko

 

Target ng Senado at Kamara na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P3.7T budget sa taong 2018 bago ang araw ng pasko.

Ayon kay House Appropriations Committee Chair Karlo Alexi Nograles, target nila na malagdaan ito ng pangulo sa December 19.

Paliwanag ni Nograles kayang maratipikahan ang panukalang gugulin bago magbreak ang sesyon ng Kongreso sa December 13.

Isa sa malaking pagkakaiba sa bersyon ng Kamara at Senado ay ang alokasyong P900M para sa Oplan Double Barrel ng PNP dahil kasama ito sa inaprubahan ng Kamara pero sa bersyon ng Senado inalis ang nasabing halaga sa PNP at inilipat sa housing project ng mga pulis at sundalo.

Kailangan ayon kay Nograles na pag-aralan nila ito dahil muli na namang ibabalik ng pangulo sa PNP ang operasyon kontra droga.

Ngayong araw sinimulan ang bicameral conference upang plantsahin ang pagkakaiba ng bersyon ng dalawang kapulungan.

Source link

The post Panukalang P3.7-T 2018 budget malalagdaan bago mag-Pasko appeared first on News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers