Pagkuha muli sa serbisyo ng Sumitomo, ikinatuwa ni Sen. Poe
Naniniwala si Sen. Grace Poe na “encouraging” at isang tamang hakbang ang plano ng Department of Transportation (DOTr) na muling kunin ang Sumitomo Corporation bilang maintenance provider ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).
Ayon kay Poe, may magandang track record ang Sumitomo noong sila pa ang maintenance provider ng MRT sa unang 12 taon nito.
Sila rin kasi ang nangangalaga noon sa MRT bago ito makaranas ng serye ng mga aberya na halos araw-araw nang naitatala.
Bagaman natutuwa, ipinaalala naman ni Poe na hindi lang naman ang Sumitomo ang bukod tanging maintenance provider o baka hindi rin ito ang pinakamagaling.
Dahil dito, dapat tiyakin ng gobyerno na ang magiging terms ng kontrata para sa serbisyong ibibigay nito ay hindi naman ikalulugi ng mga tao, at na dapat din itong sumunod sa freedom of information.
Matatandaang noong Miyerkules, inanunsyo ng DOTr na muli nilang kukunin ang serbisyo ng Sumitomo para sa MRT.
Una na ring sinabi ng MRT Corporation na handa silang mag-abono ng P150 milyon para sa rehabilitasyon ng MRT-3 sa tulong ng Sumitomo na nag-disenyo rin dito.
The post Pagkuha muli sa serbisyo ng Sumitomo, ikinatuwa ni Sen. Poe appeared first on News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar