North Korea, itinutulak ang mundo sa ‘bingit ng digmaan’- US envoy to UN
Mariing kinondena ng United Nations Security Council ang pinakabagong ballistic missile test ng North Korea.
Sa isang emergency meeting matapos ang napabalitang ICBM launch ng North Korea, sinabi ni US Ambassador to the UN Nikki Haley na dahil sa ginagawang hakbang ng naturang bansa, lalo nitong inilalapit sa ‘bingit ng digmaan’ ang mundo.
Ayon pa kay Haley, hindi ninanais ng sinuman na makipag-giyera sa North Korea, ngunit dahil sa ginagawa nito ay mistulang itinutulak nito ang mundo sa naturang sitwasyon.
Kung magkakaroon man aniya ng digmaan, ito ay dahil sa kagagawan ng North Korea, giit pa ni Haley.
Kung kumantong man sa giyera ang sitwasyon, ay tiyak na malilipol ang North Korean regime.
Dapat aniyang tuluyang bawiin na ng lahat ng bansa ang ugnayan nito sa North Korea upang mapakita ang pagkondena sa isinusulong nitong nuclear program.
The post North Korea, itinutulak ang mundo sa ‘bingit ng digmaan’- US envoy to UN appeared first on News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar