Postingan

Menampilkan postingan dari Agustus, 2018

Mas masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila pinaghandaan na ng MMDA

Sa pagpasok ng “Ber months” ay nagbigay ng babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa lalo pang pagsisikip sa daloy ng trapiko. Bukod sa pagkakaroon ng mga “Sale” sa mga shopping mall ay isasara sa daloy ng trapiko ang old Sta. Mesa Bridge sa Maynila  samantalang palalakihin naman ang Estrella-Pantaleon Bridge na nag-uugnay sa Makati at Mandaluyong City. Ngayong buwan ng Setyembre gagawin ang nasabing mga proyekto. Ang old Sta. Mesa bridge ang nag-uugnay sa Maynila at San Juan City. Sinabi ni MMDA Special Operations Task Force Commander Bong Nebrija na gigibain ang nasabing tulay para magkasya ang mga barge na gagamitin sa pagtatayo ng Skyway Extention project na mag-uugnay sa North at South Luzon Expressways. Makaraan ang proyekto ay muling itatayo ang tulay sa pagitan ng San Juan City at Maynila. Sa unang bahagi ng 2019 ay isasailalim na rin sa rehabilitasyon ang Guadalupe Bridge na siyang lalong magpapabigat sa daloy ng trapiko sa Edsa. Sinabi...

Singer-composer na si T-Pain inaresto sa pagdadala ng baril sa airport

Pinigil ng Atlanta Police Department ang Grammy Award-winning rapper na si T-Pain matapos mahulihan ng baril sa isang security checkpoint sa Hartsfield-Jackson International Airport. Batay sa ulat, nakita ang baril sa isang backpack na pagmamay-ari ni T-Pain. Ayon sa mga imbestigador, dala ang backpack ng kaniyang bodyguard na si Carlos Aleili Flores. Dahil dito, dinala ang dalawa sa presinto para magsagawa ng imbestigasyon. Ayon sa pulisya, inamin naman ng rapper na siya ang may-ari ng baril kasabay ng pagpapakita ng valid license at permit to carry nito. Kalaunan ay binalik din ang baril at walang isinampang kaso laban kay T-Pain. Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung mahaharap sa kasong possession of a weapon si Flores dahil ipinagbabawal ang baril sa mga paliparan. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude com...

NFA bibili ng palay sa mga magsasaka sa mataas na halaga

Itataas na ng National Food Authority (NFA) ang presyo sa pagbili ng palay para maengganyo ang mga magsasaka na sa kanila na magbenta ng kanilang mga ani. Aminado si NFA spokesman Rex Estoperez na ang P17 per kilo na presyo ng palay na inilaan ng ahensya ay noon pang 2008 nailatag. Sa kasalukuyan ay P20 na per kilo ang buying rate ng palay sa private traders kaya doon nagbebenta ng kanilang mga ani ang mga magsasaka. Naniniwala rin ang opisyal na sa pamamagitan ng price adjustment ay mas madadagdagan ang bigas na ibinebenta ng NFA sa mas murang halaga. Pero hangga’t hindi ito nagagawa ay mananatiling mataas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan at ang tanging solusyon para makontrol ito ay sa pamamagitan ng importation ayon pa sa opisyal. Sa ilang lugar sa Mindanao ay umabot na sa P75 kada kilo ang presyo ng bigas dahil sa kakulangan ng suplay sa merkado. Tiniyak ng tagapagsalita ng NFA na gumagawa na sila ng hakbang para maihatid ng mabilis sa ilang lugar sa Mindanao ang kinakai...

Cebu City Mayor Tomas Osmeña kinasuhan ng PNP

Kinasuhan ng hepe ng pulisya sa Cebu City si Mayor Tomas Osme؜ña dahil sa umano’y pakikialam sa kanilang trabaho bilang mga alagad ng batas. Sa kanyang reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, sinabi ni SSupt. Royina Garma na nakialam umano si Osmeña kaya nakalaya ang kanilang mga hinuling sangkot sa iligal na refilling ng Liquefied Petroleum Gas at butane cannister sa lungsod. Mga kasong obstruction of justice, abuse of authority at violation of ethical for public officials ang mga reklamong inihain laban kay Osmeña. Sinabi ni Garma na mayroon silang mga kuha ng video at dokumento na magpapatunay na inarbor ni Osmeña ang mga hinuli nilang suspek sa iligal na refilling ng LPG. Noong isang taon ay inalis kay Osmeña ang police supervision sa lungsod. Sa isang event ng League of Municipalities of the Philippines sa Mandaue City ay binatikos ng pangulo si Osmeña makaraan umanong sabihin nito na ang pangulo ay protektor ng iligal na droga. Binuweltahan siya ng pangulo sa pagsasa...

Mga pari sa Chile na sangkot sa sexual abuses mas dumami

Naging triple ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso ng mga pari sa Chile na ngayon ay iniimbestigahan na sa mga hukuman. Sa 167 na case under investigation, kabilang dito ang pitong obispo at 96 na mga pari. Sa kabuuan ay umaabot sa 178 ang mga lumutang at nagrereklamong biktima ng pang-aabuso at sa nasabing bilang ay 79 ang mga menor-de-edad. Bagaman hindi nakadetalye ang report sa mga kaso ng pang-aabuso ay sinabi ng panalalaan ng Chile na titiyakin nila na walang cover-up na magaganap sa kanilang imbestigasyon. Noong buwan ng Mayo ay personal na kinausap ni Pope Francis ang 34 na mga obispo ng Chile sa Roma. Sinasabing dismayado si Pope Francis sa mabagal na imbestigasyon sa mga lider ng simbahan na isinasangkot sa sex scandal sa nasabing bansa. Sa isang hiwalay na pahayag noon ay sinabi ni Pope Francis na mapaparusahan ang mga obispo na sangkot sa mga kaso ng pangmomolestya. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views ...

Mga kritiko hinamon ni Mayor Sara na tulungan ang mga rape victim sa Davao City

Hindi itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mataas na kaso ng rape sa kanilang lungsod na nauna nang naiulat ng Philippine National Police (PNP). Gayunman ay nilinaw ng opisyal na karamihan sa nasabing mga kaso ay “incestuous” o mismong mga kaanak ang suspek sa panghahalay sa mga biktima. Sinabi pa ng alkalde na 2017 pa ang nasabing ulat at ito ay kanilang siniseryoso at hindi pinapabayaan. Hindi rin umano dapat batikusin ang mga pahayag ng pangulo ukol sa rape dahil nagbibiro lang naman ito. Tinanong rin ng opisyal ang kanilang mga kritiko pati na ang Commission on Human Rights kung may naibigay ba silang tulong sa mga biktima ng rape sa Davao City. Bukod sa tulong sa mga biktima para makasuhan ang mga may kagagawan ng krimen ay inatasan na rin ni Duterte-Carpio ang Davao City Social Services Development Office na gumawa ng mga paraan para mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan sa lungsod. Ipinaliwanag ni Davao City Police Office Director Alexander Tagum na b...

Initial list ng mga kandidato ng PDP-Laban sa 2019 Senatorial elections, inilabas

Naglabas na ng inisyal na listahan ang Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ng posibleng pambato ng partido para sa mgaganap na 2019 senatorial elections. Isang leadership assembly ang naganap kagabi sa Pasay City sa pangunguna ng chairman ng PDP-Laban na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang sa initial list sina: Sen. Koko Pimentel Presidential Spokesperson Harry Roque Special Assistant to the President Bong Go Sec. Francis Tolentino Cong. Monsour del Rosario Cong. Dakila Chua Cong. Carlo Nograles Cong. Dong Mangudadatu Ayon kay PDP-Laban Public Information Officer Ron Munsayac, malaki ang posibilidad na ang walong ito ay masasama sa pinal na listahan ng isasabak ng partido sa eleksyon. Isang survey form na parang balota ang ipinamahagi sa mga miyembro ng PDP-Laban para pagbotohan ang senatorial slate. Ayon kay Munsayac, ito ay upang patunayang mayroong demokrasya sa partido. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessar...

Inflation ngayong Agosto, inaasahang papalo sa 5.9% ayon sa BSP

Posibleng pumalo sa 5.9 percent ang inflation rate para sa buwan ng Agosto ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Ayon sa pahayag ng Department of Economic Research ng central bank, nasa 5.5 hanggang 6.2 percent ang range ng inflation sa nakalipas na buwan. Mas mataas ang pagtaya sa buwan ng Agosto kumpara sa 5.7 percent na naitala noong Hulyo na pinakamataas na inflation rate sa loob ng limang taon. Iginiit ng BSP na ang pagtaas sa presyo ng bigas at ilang pangunahing pagkain dahil sa sama ng panahon, pagkakaantala ng suplay, pagtaas ng presyo ng gasolina, LPG, at kuryente ay nagbunsod ng pagsipa ng price pressures noong Agosto. Gayunman, ang mas mababang presyo naman ng diesel at gaas at bahagyang paglakas ng piso ay maaaring magpahupa sa price pressures ayon sa BSP. Ang opisyal na inflation rate para sa Agosto ay ilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Miyerkules, Setyembre 5. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views...

LPA nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon at buong Visayas

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng bansa. Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 200 kilometro Hilaga-Hilagang Silangan ng Borongan, Eastern Samar. Dahil sa trough o buntot ng LPA, ngayong araw ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at buong Visayas. Ang Northern Luzon naman at buong Mindanao ay makararanas ng maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms. Samantala, ang bagyo naman na may international name na ‘Jebi’ sa labas ng bansa ay patuloy pa ring binabantayan ng weather bureau. Huling namataan ang bagyo sa layong 1,945 kilometro Silangan ng Northern Luzon. Sa ngayon ay hindi ito inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) o tatama sa kalupaan ng bansa. Sa September Climate Outlook ng PAGA...

Mga alegasyon ni Pang. Duterte, “recycled rants” – VP Robredo

Binuweltahan na ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito’y makaraang sabihin ni Duterte na mas mainam para sa Pilipinas ang isang diktador gaya ng “Marcos” kaysa sa isang lider tulad ni Robredo, at may ebidensya raw ang presidente na sangkot sa droga ang bayaw ng bise presidente. Sa isang statement, sinabi ni Robredo na ang mga alegasyon ni Duterte ay “recycled rants” na ginagamit para pagtakpan ang mga kabiguan ng administrasyon. Ayon pa sa VP, mas mabuti pa kung tutugunan ng presidente ang mahahalagang suliranin gaya ng pagtaas ng presyo ng mga produkto tulad ng bigas at iba pang serbisyo. Banat pa ni Robredo, maaaring gamitin ng punong ehekutibo ang kanyang “podium” at kapangyarihan upang tiyakin sa publiko na nakatutok siya sa mga problema ng bansa. Dagdag pa nito, imbes na magpaulit-ulit ang pangulo sa kanyang mga alegasyon at batuhin ng putik ang Naga City, pagtuunan na lamang niya ng pansin ang kaso ng P6.8 billion shabu shipment na naipuslit sa ban...

Babae sa “Kiki dance” viral video sa EDSA, nag-sorry na

  Humingi na ng tawad ang babaeng nasa viral video na nag-In My Feelings dance sa EDSA Kamuning flyover. Kinumpirma ito ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Spokesperson Celine Pialago. Ayon sa opisyal, personal na nag-sorry ang babae na kinilalang si Micha Anne Gabuten. Nagtungo aniya ang dalaga sa kanyang tanggapan dakong alas-onse ng umaga, ngayong Biyernes (August 31). Nangako si Gabuten na handa nitong pagbayaran ang lahat ng nagawa niyang traffic violations, kabilang na ang jay walking na may katumbas na P500 na multa. Ang kaibigan ni Gabuten na siyang driver ng sasakyan ay kusang isinuko ang lisensya upang matiketan. Sinabi ni Pialago na sa paghingi ng paumanhin ay umaasa si Gabuten na huhupa na ang pangba-bash ng netizens. Sa batikos na inabot, minabuti ng dalaga na burahin ang video na nakapost sa kanyang Youtuve account, at nagdeactivate na rin siya ng social media accounts. Nauna nang pinahanap ng MMDA si Gabuten at hinamon na sumuko na lamang ma...

Presyo ng LPG, tataas sa pagsisimula ng “Ber months”

Bad news! May dagdag-presyo ang kumpanyang Solane sa kanilang liquified petroleum gas o LPG, sa pagsisimula ng Ber months. Epektibo alas-sais ng umaga bukas (September 1), P1.79 kada kilo ang itataas sa halaga ng LPG ng Solane. Tinatayang nasa P19.00 ang pagtaas sa bawat 11-kilogram na Solane LPG. Inaasahan ding mag-aanunsyo ang mga kumpanya ng langis para sa kanilang ipatutupad na price hike sa diesel, gasolina at kerosene.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Presyo ng LPG, tataas sa pagsisimula ng “Ber months” appeared first on - News Portal Philippines .

TINGNAN: Listahan ng resorts na pinayagang magbukas sa Boracay reopening sa Oktubre

Inilabas na ng Department of Tourism o DOT ang listahan ng accommodation establishments sa Boracay na nakasunod sa permit’s and clearances na itinakda ng gobyerno, partikular ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at Deparment of Interior and Local Government o DILG. Ito ay kaugnay sa inaasahang reopening o muling pagbubukas sa publiko ng isla ng Boracay. Sa listahan na isinapubliko ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, as of August 31, 2013 ay kabuuang 2,063 rooms mula sa dalawampu’t limang establisimyento ang na-clear na ng Boracay Inter-Agency Task Force. Ibig sabihin, maaaring magbook ang mga turista sa resorts na nasa listahan, sa oras na muling magbukas ang Boracay sa October 26, 2018. Nauna nang kinumpirma ng DENR na magsasagawa ng “dry run” ng Boracay reopening sumila October 15 hanggang 25, 2018. Ayon naman sa DOT, bawal na paninigarilyo at pag-inom ng alak sa white beach. Pwede ang parties, pero limitado lamang sa hotels o restaurants at hindi sa mism...

M5.2 na lindol yumanig sa Occidental Mindoro

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Occidental Mindoro alas-10:40 gabi ng Biyernes. Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 12 kilometro Hilagang-Kanluran ng Abra de Ilog. May lalim ang pagyanig na 111 kilometro at tectonic ang dahilan. Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang aftershocks bunsod ng pagyanig. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post M5.2 na lindol yumanig sa Occidental Mindoro appeared first on - News Portal Philippines .

Gilas Pilipinas, 5th place sa 2018 Asian Games basketball

Tinapos ng Philippine men’s basketball na Gilas Pilipinas ang kanilang pagsabak sa 2018 Asian Games, bilang 5th place. Ito ay makaraang talunin at tambakan ng koponan ng basketball team ng Syria sa iskor na 109-55 sa kanilang laro ngayong Biyernes (August 31) sa Jakarta, Indonesia. Pinakamataas ang nai-ambag sa Team Pilipinas ni Jordan Clarkson na 29 points, na sinundan ni Christian Standhardinger na tumira ng 27 points. Laking pasasalamat ng Gilas kay Clarkson na naglaro at itinayo ang bandila ng bansa sa naturang international sports event. Umani naman ng papuri mula sa mga Pinoy ang coach ng koponan na si Yeng Guiao, na bagama’t bitin sa preparasyon at pagbuo ng team ay maganda ang nagawa sa Asian Games. Nauna nang natalo ang Gilas Pilipinas sa basketball match nito kontra China at South Korea. Samantala, dahil tapos na ang Team Pilipinas Asian Games ay tututok na sila sa FIBA Basketball World Cup qualifiers na gaganapin sa Setyembre.   Disclaimer: The comments uploa...

Pang. Duterte at SC Chief Justice De Castro, nagkaharap na

  Nagkita na sina Pangulong Rodrigo Duterte at bagong Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro sa Malakanyang ngayong Biyernes (August 31). Ito ang unang pagkakataon na magharap sina Duterte at De Castro mula nang italaga ng Pangulo ang bagong punong mahistrado. Pinangunahan ni Duterte ang oath-taking ni De Castro na naitalaga sa pwesto noong August 25. Kasama ni De Castro ang kanyang pamilya sa panunumpa sa Malakanyang. Pinalitan ni De Castro si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na napatalsik sa posisyon sa pamamagitan ng quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida. Una nang sinabi ng Pangulo na ang appointment ni De Castro ay batay sa seniority. Itinanggi ni Duterte na ang pagtalaga sa bagong Punong Mahistrado ay bilang reward o kabayaran sa pagpapatalsik kay Sereno. Iginiit pa ng Pangulo na walang halong pulitika ang appointment ni De Castro.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect...

Walang suicide bombers sa Cebu at Bohol ayon sa PNP Central Visayas

  Pinabulaanan ng Police Regional Office sa Central Visayas ang mga kumakalat na mensahe sa social media na mayroong suicide bombers sa Cebu at Bohol para maghasik ng takot. Ayon kay Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng PRO-7, bineripika na ng Regional Intelligence Division ang kumalat na mensahe at napag-alaman nilang “fake news” o hindi totoo ang impormasyon. Pinayuhan naman ni Councilor Dave Tumulak, deputy mayor on police matters, ang publiko na tigilan ang pagpapakalat ng mga unverified bomb threats para maiwasan ang panic at sa halip ay dapat maging vigilant o mapagmatyag ang mga tao.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Walang suicide bombers sa Cebu at Bohol ayon sa PNP Central Visayas appeared first on - News Portal Philippines ....

Chief of staff ng LTFRB Chair at 2 iba pa, inireklamo ni Atty. Lizada sa Ombudsman

Nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada laban sa tatlong tauhan ng Office of the Chairman. Ito ay kaugnay sa pagtaas sa pamasahe ng pampublikong jeepney sa Iloilo, na walang otorisasyon mula sa board member. Reklamong grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service ang inihain ni Lizada laban sa chief of staff ni LTFRB Chairman Martin Delgra na si Manolo Labor at dalawang tauhan na sina Rose Gener at Angelo Afante. Ayon kay Lizada, kawawa ang mga mananakay sa istilo ng pag-iisyu ng “orders for fake hikes.” Kinukwestyon ng opisyal ang pag-apruba ng mga naturang opisyal sa P2.50 na fare hike petition, nang “sila-sila lamang.” Sinabi ni Lizada na nirerebyu at hindi pa niya aprubado ang petisyon, pero kinuha raw ito sa kanyang opisina na malinaw na kawalang respeto sa kanila ng tatlo. Tila aniya minadali ang desisyon at ang masaklap ay ipina...

WATCH: Isang pabrika ng picture frames sa QC, nasunog

Nasunog ang isang pagawaan ng picture frames sa Tindido St. malapit sa A. Bonifacio Avenue, Barangay San Jose sa Quezon City. Ayon sa BFP, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga kahoy at kemikal na nasa loob ng pagawaan na pag-aari ng Carnie Castle Company Incorporated. Ini-akyat sa ikatlong alarma ang sunog, na umabot ng pitong oras. Tuluyang naapula ang apoy dakong 4:30 ng hapon. May kumpletong balita si Erwin Aguilon.     Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post WATCH: Isang pabrika ng picture frames sa QC, nasunog appeared first on - News Portal Philippines .

Sister Patricia Fox, tuloy ang paglaban sa deportation order ng BI

  Hindi susuko si Sister Patricia Fox at mga abogado nito sa paglaban sa deportation order ng Bureau of Immigration. Sa isang press briefing ay sinabi ng mga abogado ng madre na hihilingin nila sa Department of Justice o DOJ na i-review ang kautusan. Ito ay matapos pagtibayin ng Immigration Bureau ang pagpapa-deport sa Australyanong misyonaryo. Ayon kay Atty. Jobert Pahilga, maghahain sila ng petition for review sa DOJ sa Lunes (September 3). Dagdag ni Atty. Maria Sol Taule, kung kailangan ay maghahain sila ng temporary restraining order o TRO para mapigilan ang implementasyon ng utos. Wala aniyang masabi ang BI sa missionary work ni Sister Fox sa kanilang argumento laban sa deportation bagkus ay pinili ang isang administrative order bilang dahilan. Pinadedeport ang madre dahil “undesirable alien” umano ito bunsod ng kanyang mga aktibidad na inaakusahang may halong pulitika. Ibinasura ng BI ang motion for reconsideration ng Australyanong madre dahil wala raw bagong isyu n...

Nayon-Landing contract, walang bisa | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

  Walang bisa mula pa noong umpisa ang lease contract ng mga sinibak na opisyal ng Nayong Pilipino Foundation o NPF sa Landing Resorts Philippines Development Corp. o LRPDC. Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng Department pf Justice o DOJ, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DOJ na magsagawa ng rebyu ukol sa nasabing Nayon-Landing contract, matapos sibakin ang lahat ng mga board of directors and management ng NPF. Ayon sa tagapagsalita ng Palasyo, batay kay Justice Sec. Menardo Guevarra ay isang “build-operate-transfer o BOT contract” na nagkukubli bilang lease contract ang kontrata sa pagitan ng mga dating NPF officials at ng Landing para sa pagtatayo ng integrated casino-resort sa Paranaque City. Ani Roque, dahil isang BOT project ang nabanggit ay dapat sumunod ito sa BOT law, kabilang na ang pagsasagawa ng public bidding. Dahil dito, sinabi ni Roque na kaisa si Pangulong Duterte sa pasya ng DOJ na ang kontr...

WATCH: 2 batang snatcher, ninakaw ang pera ng isang jeepney driver

  Dalawang menor de edad na umano’y solvent boys ang nagnakaw ng pera ng isang jeepney driver sa kanto ng Finance Road at Taft Avenue sa Maynila. Ang buong insidente ay mapapanood sa viral video na inupload ni Denmark Bernardo sa Facebook. Nasaksihan ni Bernardo ang insidente matapos sabihan siya ng isang pedicab driver na kunan ng video ang mga binatilyo dahil aatake ang mga ito. Nakasaad sa post na una ay inakala ng uploader na nanghihingi lamang ng pera ang mga kabataan sa mga dumadaang jeep. Ang pedicab driver aniya na si James Fernandez ang nagsabi na lango sa solvent ang mga suspek at madalas na nag-iisnatch sa lugar. Bigo umano ang mga otoridad na matanggal ang mga menor de edad sa lugar kahit ilang beses nang inireport ang kanilang pagnanakaw. Sa posts ni Bernardo ay makikita na sumampa ang dalawang bata sa gilid ng jeep sa bahaging unahan, saka biglang kinuha ang pinaglalagyan ng pera ng drayber. Sa pagmamadali ay tumapon pa ang mga barya sa kalsada. Isang binati...

1 patay, 12 arestado sa simultaneous anti-drug ops sa Bacoor, Cavite

  Isa ang patay habang labing dalawa ang arestado sa ginawang simultaneous anti-drug operations sa Bacoor sa Cavite ngayong Biyernes (August 31). Ayon kay Cavite Provincial Director Sr. Supt. Willim Segun, ang nasawing drug suspect ay kinilalang si Rey Balandra, residente ng Barangay Talaba. Nakumpiska mula kay Balandra ang isang kalibre .45 na baril at ilang plastik na naglalaman ng hinihinalang shabu. Nanlaban umano ang suspek sa mga pulis na maghahain ng search warrant. Ang labing dalawang naaresto naman ay drug personalities, mula sa Barangay Talaba at Barangay Habay 2. Nasabat mula sa kanila ang mga drug paraphernalia, matapos ang isinagawa magkakahiwalay na search operations ng mga pulis sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with o...

Petition for bail nina ex-BI officials Argosino at Robles, sinopla ng Sandiganbayan

  Ibinasura ng Sandiganbayan ang petition for bail nina dating Bureau of Immigration commissioners Al Argosino at Michael Robles, at dating police officer Wally Sombero. Ang mga nabanggit ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa P50 million extortion ng gambling tycoon na si Jack Lam noong 2016. Ang tatlo ay nakakulong sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, mula nang maisampa ang kaso laban sa kanila noong Marso 2018. Batay sa resolusyon ng Sandiganbayan 6th division, sinopla ng korte ang petisyong makapag-piyansa ng mga akusado dahil wala umanong bigat ang pahayag nina Argosino at Robles na tinanggap at itinago nila ang P50 million na bribe money para gawing ebidensya laban kay Lam. Katwiran pa ng anti-graft court, kung gagamitin ebidensya ang limampung milyong piso laban kay Lam, dapat ay buo itong itinago nina Argosino at Robles at hindi ibinigay ang P18 million sa kay Immigration Intelligence chief Charles Calima noong December 9, 2016, para sa damage c...

Kerwin Espinosa, naghain ng not guilty plea sa kasong murder

Naghain ng not guilty plea ang drug distributor na si Kerwin Espinosa, para sa kanyang kasong pagpatay sa isang dating kapitan ng barangay sa Albuera, Leyte. Sa pagbasa ng sakdal ng Manila Regional Trial Court branch 40, dumalo si Espinosa na nakasuot ng bullet proof vest. Siya ay akusado sa pagpatay kay Vicente Jabon noong May 31, 2006. Kasabwat umano ni Espinosa sa kasong murder sina Stepehen Bobares at Max Miro, na napaslang sa isang police operation sa Barangay Bantigue, Ormoc City. Itinakda ng korte sa November 30 ang pagdinig, habang target na matapos ang proceedings sa April 2019. Nauna nang nagpasok ng not guilty plea si Espinosa para sa kanyang kaso kaugnay sa drug trade conspiracy sa arraignment niya sa Makati Regional Trial Court. Nahaharap din sa kasong illegal possession of firearms and explosives si Kerwin, na anak ng napatay na Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflec...

Binatilyong nakapatay sa kapwa menor-de-edad, hawak na ng Caloocan Police

  Hawak na ng Caloocan Police ang 15-anyos na binatilyo na nakapatay sa 14-anyos na menor-de-edad sa Barangay 144 sa Caloocan City. Ang suspek ay nagtago sa bahay ng kanyang lola sa Bacoor, Cavite, matapos niyang mapaslang ang biktima na umano’y nakaalitan nito. Matapos ang negosasyon sa pagitan ng mga pulis, mga opisyal ng barangay at mga kapatid ng suspek, ay naaresto na ang suspek umaga ng Biyernes (August 31). Nagpumiglas pa ang suspek at nagbanta na magpapakamatay kapag siya’y hinuli. Ayon sa mga kaanak ng suspek, nagpasya silang isuko na lamang ang binatilyo para mabigyan ng hustisya ang biktima. Aminado rin ang pamilya ng suspek na natatakot sila para sa kanilang buhay, makaraang mapabalita ang ginawa ng binatilyo. Humingi naman ng tawad ang mga ito sa ginawang krimen ng kanilang kapamilya. Batay sa CCTV, makikitang patay ang 14-anyos na menor-de-edad matapos paghahampasin ng kahoy ng 15-anyos na binatilyo. Maraming tambay ang nakakita sa pangyayari, pero wala ni-i...

Isang warehouse sa Brgy. San Jose, QC, nasusunog

ONGOING: May sunog sa bahagi ng Mauban Street, Barangay San Jose, sa Quezon City. As of 9:36 ng umaga ay nasa ikatlong alarma na ang sunog. Sa post na video ni Elaine Sacare Justiniani, makikita ang makapal na usok muna sa nasusog na area. Sa inisyal na impormasyon, isang warehouse ang nasusunog. Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang apoy. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Isang warehouse sa Brgy. San Jose, QC, nasusunog appeared first on - News Portal Philippines .

Mahigit 300 na lumabag sa city ordinances, arestado sa Maynila

Umaabot as tatlong daan at dalawampung katao ng dinampot ng Manila Police dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinances ng lungsod ng Maynila. Ayon kay MPD Director Rolando Anduyan, dinakip ang mga naturang indibidwal sa ilalim ng Anti-Criminality campaign mula alas-singko ng umaga kahapon (August 30) hanggang alas-singko ng Biyernes ng umaga (August 31). Kabilang sa mga nilabag na kautusan ng mga naaresto ay pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, paglalakad na walang suot na damit na pang-itaas, paninigarilyo sa pampublikong lugar at iba pa. Sa bilang na ito, 55 ang hinuli dahil sa pag-inom ng alak, 120 naman dahil sa paninigarilyo sa kalye, 99 ang walang suot na pang-itaas at 39 bunsod ng paglabag sa iba pang ordinances. Paalala ni Anduyan sa mga Manilenyo, sumunod sa mga kautusan at batas dahil malaking istorbo kapag naaaresto.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We ...

Mga pier at biyahe ng mga barko sa Mindanao, todo-bantay ng PCG

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard o PCG ang mga pantalalan partikular sa Mindanao, maging ang mga biyahe ng mga barko, kasunod ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng mahigit sa tatlumpung indibidwal. Ayon kay PCG Spokesman Capt. Arman Balilo, nagbigay na ng direktiba si Coast Guard Commandant Elson Hermogino na ilagay sa alert status ang buong pwersa ng PCG sa Mindanao. Kabilang na aniya sa mga pinatututok sa pagbabatay ay ang Quick Response Team ng Special Operations Group, K9 Unit at Intelligence Operatives. Dagdag ni Balilo, kasama sa utos ni Hermogino ang madalas na pagpapatrol ng PCG vessels at mga small boats coastal patrol teams. Paalala naman aniya ng PCG sa publiko, i-report sa kanila ang anumang kakaibang pagkilos ng mg atao sa mga pier o maging mapagmatyag sa pagbiyahe sa karagatan. Nauna nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines o AFP na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang posibl...

Habagat wala nang epekto sa Luzon; LPA magpapaulan sa VisMin

Tuluyan nang humina ang southwest monsoon o hanging Habagat at hindi na nakakaapekto sa kalupaan ng bansa. Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, sa katubigan na lamang nakakaapekto ang Habagat kaya’t maganda at maaliwalas na ang panahon sa buong Luzon. Gayunman, makararanas pa rin ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms lalo na sa hapon o gabi. Samantala, ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 415 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Hindi pa rin ito inaasahang magiging bagong bagyo ngunit inaasahang tatama sa kalupaan sa Eastern Visayas sa Linggo. Sa ngayon, ang trough ng LPA ay nagdadala na ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa buong Visayas at Mindanao. Ang bagyo naman na may international name na ‘Jebi’ ay huling namataan sa layong 2,500 kilometro Silangan ng Northern Luzon. Napakalakas na ng bagyo at posibleng maging Super Typhoon sa mga susunod na araw ngunit h...

Lalaki na nakipaglamay, patay sa pamamaril sa QC

Patay sa pamamaril ang isang lalaking nagsusugal sa isang lamay sa Livelihood St. Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Naglalaro ng cara y cruz ang biktima ng barilin ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang 45-anyos na biktima. Nawawala ang cellphone at bag ng biktima habang nag-iwan ng P100 ang gunmen sa tabi nito. Patuloy na isinasagawa ng pulisya ang imbestigasyon sa insidente. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Lalaki na nakipaglamay, patay sa pamamaril sa QC appeared first on - News Portal Philippines .

Drug suspek na nanlaban sa mga pulis patay sa Bulacan

Nauwi sa palitan ng putok ang ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Caniogan sa Malolos City, Bulacan. Dead on the spot ang drug suspek na si Reynaldo Pontawe alyas Bojo. Ayon kay Police Superintendent Heryl Bruno, hepe ng Malolos City Police, matapos ang transaksyon at aktong aarestuhin na ng mga otoridad si Pontawe ay nanlaban ito at bumunot ng baril, sabay pinagbabaril ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Pontawe. Napag-alamang dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pamahalaan ang suspek ngunit kabilang pa rin sa binabantayan sa drugs watchlist ng Barangay Caniogan. Narekober mula dito ang isang piraso ng plastic sachet na may lamang shabu at isang hindi pa batid na kalibre ng baril. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our edito...

Sarangani at Surigao del Norte, niyanig ng lindol

Gambar
Niyanig ng magkahiwalay na lindol ang Surigao del Norte at Sarangani madaling araw ng Biyernes. Unang naganap ang magnitude 3.0 na lindol sa Surigao del Norte ganap na ala-1:42 ng madaling araw. Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 52 kilometro Hilagang-Silangan ng General Luna.   May lalim itong limang kilometro. Samantala, alas-2:14 naman ng maitala ang magnitude 3.1 na lindol sa Sarangani. Ang episentro ng lindol ay sa layong 41 kilometro Timog-Kanluran ng Maasim. May lalim itong 178 kilometro. Pawang tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahan ang mga pinsala sa ari-arian at aftershocks. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Sarangani at Surigao del Norte, niyanig ng lindol appeared first on - News Portal...

Batangas niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Batangas alas-11:48 Huwebes ng gabi. Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 18 kilometro Timog-Kanluran ng Calatagan. Una nang sinabi ng Phivolcs na magnitude 4.7 ang lakas ng lindol ngunit ibinaba rin sa magnitude 4.1. May lalaim ang pagyanig na 91 kilometro at tectonic ang dahilan. Samantala, hindi naman inaasahang makapagtatala ng pinsala sa ari-arian at aftershocks. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Batangas niyanig ng magnitude 4.1 na lindol appeared first on - News Portal Philippines .

GMA magreretiro na sa pulitika

Hindi na tatakbo sa anumang posisyon sa gobyerno sa susunod na taon si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Sa isang ambush interview sa lalawigan ng Pampanga, sinabi ni Speaker GMA na magreretiro na siya sa pulitika sa susunod na taon. Ayon kay GMA tatapusin na lamang niya ang kanyang termino bilang isang kongesista bago tuluyang iwan ang mundo ng pulitika. Lahat naman anya ay dumarating sa edad na dapat magretiro kaya kailangang mag-move on. Para sa House Speaker, blessing ang pagkakahalal sa kanya bilang pinuno ng Kamara bago ang kanyang nakatakdang pagreretiro. Ipinagmalaki pa nito na nakatrabaho niya ang mga batang kongresista at alam niya kung paano ang mga ito magtrabaho. Dahil dito alam anya niya na maiiwan ang gobyerno na nasa mga magagaling mamahala. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with...

PAL flight naatraso dahil sa bomb joke

Naperwisyo ang mga pasahero ng isang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) dahil sa bomb joke ng isang pasahero. Sa impormasyon mula kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, pasakay na ang mga pasahero ng Flight PR 2959 patungong Cotabato kaninang umaga nang bitiwan ng lalaking pasahero ang masamang biro. Nabatid na isang tv reporter at ang kanyang crew ang nakarinig ng biro at agad nilang ipinagbigay alam sa crew ng naturang flight. Agad na itinawag sa PAL Security Unit at PNP Aviation Security Group ang pangyayari. Bunga nito, pinababa pa ang mga nakasakay ng eroplano bilang bahagi ng aviation security protocol para inspeksiyonin ang eroplano. Ang lalaking pasahero ay hawak na ng PNP Avsegroup para imbestigahan at kasuhan. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link ...

Malacañang at Kongreso nagkasundo na sa 2019 cash-based budget

Kumpiyansa ang Malacañang na maipapasa pa rin sa tamang oras ang 2019 national budget na aabot sa P3.757 Trillion. Ito ay matapos magkasundo ang Kongreso at Department of Budget and Management na maging transitory cash based system na lamang ang pambansang pondo. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ilalim ng sistema ay babayaran ng gobyerno ang mga proyekto sa loob ng labing dalawang buwan at maaring maipa- disburse ng hanggang labing walong buwan. Kasabay nito, sinabi ni Roque na ilalahad ng DBM sa mga susunod na araw ang buong detalye ng transitory cash- based system. Matatatandaang nagkaroon ng girian noon ang DBM at ang Kongreso matapos magmatigas ang Budget Department na cash-based lamang ang budget. Gayunman, matapos ang ilang pagpupulong ay nagkasundo ang DBM at mga mambabatas na gawin na lamang na transitory cash based system sa budget para sa susunod na taon. “On the budget update Per the Department of Budget and Management (DBM), they, together with Congres...

Martial law extension sa Mindanao suportado ni GMA

Kasunod ng pagpapasabog sa Sultan Kudarat nagpahayag ng pagsuporta si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao. Ayon kay Speaker Arroyo, bilang dating presidente ay naiintindihan niya ang mga gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi nito na hindi na kailangan pa ng pangulo na may ibang tao pa ang magsabi sa kanya kung ano ang dapat nitong gawin. Nauna nang sinabi sa isang ambush interview sa Kamara ni Executive Secretary Salvador Medialdea na opsyon ng Malacañang ang muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao dahil sa nangyari sa Sultan Kudarat. Tatlo ang nasawi at mahigit tatlumpu ang nasugatan sa insidente na inako ng grupong ISIS. Kahapon ay isinailalim na rin ng Philippine National Police sa full-alert status ang kanilang buong pwersa sa Mindanao. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude ...

DFA: Israel trip ni Duterte walang epekto sa mga Arab countries

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na hindi makasasakit o makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at ng ibang bansa ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa September 2 hanggang 5. Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Ernesto Abella na batid ng Pilipinas ang sentimyento ng Arab countries na hindi kinikilala bilang isang hiwalay na estado ang Israel. Ayon kay Abella, nakamit na ng mga bansa ang stage of maturity. Napatunayan na rin aniya ng pangulo na posibleng maisulong ang isang foreign independent foreign policy nang hindi nasisira ang relasyon sa ibang bansa. Kasabay nito, naniniwala si Abella naayos na rin ng pangulo ang kanyang kontrobersiyal na pahayag noon nang sabihin nitong masaya siya na patayin ang may tatlong milyong Pinoy na drug addict sa bansa gaya ng pagpatay noon ni Adolf Hitler sa mga Hudyo. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner o...

Mataas na presyo ng manok sa mga palengke hindi makatwiran ayon sa DTI

Pupulungin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang iba’t ibang grupo ng mga negosyante kaugnay sa hindi maktwirang paglobo ng presyo ng manok sa pamilihan. Base sa monitoring ng DTI, naglalaro sa pagitan ng P150 hanggang P160 ang kada kilo ng manok sa ilang mga palengke dito sa Metro Manila. Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na dapat ay hindi lumampas sa P140 bawat kilo ang bentahan ng manok. Umapela rin ang DTI sa publiko na magsumbong sa kanilang hotline na 1384 ang mga negosyanteng nagsasamantala sa presyo ng kanilang mga produkto para sa mabilis na aksyon ng kagawaran. Ipinaliwanag pa ni Castelo na katuwang nila ang Department of Agriculture sa pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado. Kaugnay nito ay magpapakalat ang DTI ng kopya ng standard retail price para sa mga basic commodities sa mga pamilihan sa bansa. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. ...

Kadamay nang-agaw ng mga housing unit sa Bacolod City

Muling nang-agaw ng mga bakanteng bahay sa housing project ng National Housing Authority (NHA) ang grupong Kadamay. Sa pagkakataong ito ay mga bahay na nakalaan sa mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Bacolod City ang iligal na inangkin ng nasabing militanteng grupo. Sinabi ni Kadamay Negros Sec-Gen. Erineo Luminos na 1,500 sa kanilang miyembro ang sumama sa pag-okupa sa Ciudad Felisa sakop ng Brgy. Felisa sa Bacalod City. Ikinatwiran ni Luminos na matagal nang bakante ang nasabing mga housing units kaya nila ito pinag-interesan. Wala naman umanong masama sa kanilang ginawa dahil ang pagpapatayo sa nasabing mga pabahay ay galing sa pondo ng pamahalaan. Matagal na umano silang humihingi ng bahay sa NHA pero hindi sila pinapansin. Umaabot sa sampung ektarya ng lupain ang kinatitirikan ng Ciudad Felisa na ngayon ay mayroon nang 1,498 housing units. Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng NHA sa Bacolod City na nai-award na ang nasabing mga baha...

Shabu sa kumpiskadong magnetic lifters pinanindigan ng PDEA

Iginiit ni PDEA Director General Aaron Aquino na hindi maaring sabihin na kapag nagnegatibo sa traces ng droga ang mga magnetic lifters sa isinagawang swabbing ay wala talagang droga na laman ito. Sa pagdinig ng House Dangerous Drugs Committee, sinabi ni Aquino na nagnegatibo rin sa shabu ang nasabat na magnetic lifters sa MICP na naglalaman ng P4.3 Billion na halaga ng shabu. Sinabi ng opisyal na patunay lamang ito na matibay ang kanilang basehan upang sabihin na naglalaman ng halos P6.8 Billion na halaga ng shabu ang natagpuang walang laman na magnetic lifters sa isang warehouse sa GMA, Cavite kamakailan. Ang nasabing mga magnetic lifters ay nagnegatibo rin sa traces ng shabu sa isinagawang laboratory test ng PDEA. Gayunman ang naturang magnetic lifters ay inupuan ng dalawang ulit ng drug-sniffing dogs ng PDEA. Idinagdag pa nito na marami ng accomplishment ang kanilang K9  na umupo sa magnetic lifters na nakita sa Cavite. Disclaimer: The comments uploaded on this site d...

PDEA at BOC may joint investigation sa nakapuslit na bilyun-bilyon pisong halaga ng shabu

Nagsasagawa na ng joint investigation ang Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs kaugnay sa smuggling ng shabu na nakalagay sa magnetic lifters. Sa pagdinig ng House Dangerous Drugs Committee sinabi ni PDEA Region 4A Director Adrian Alvarino na magkatuwang na sila ng BOC sa ginagawang malalimang imbestigasyon sa insidente. Ayon naman kay PDEA Director General Aaron Aquino, ipinagharap na nila ng reklamo ng DOJ ang apat na sangkot sa smuggling ng shabu sa Manila International Container Port. Kabilang dito sina Chan Yee Wah Albert, Zhang Quan, Vedasto Baraquel, at Maria Lagrimas Catipan. Samantala, humingi ng executive session si Alvarino sa komite upang iulat ang mga lumalabas sa kanilang imbestigasyon. Hindi anya nila maaring ilabas ito sa publiko dahil ongoing pa ang kanilang imbestigasyon at follow up operation. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reser...

WATCH: Kapalpakan ng fuel cards para sa mga driver at operator ng jeep pinuna ni Sen. Grace Poe

Maraming kapalpakan sa ikinasang Pantawid Pasada Program ng pamahalaan para sa mga operator at driver ng jeep. Ayon kay Senator Grace Poe, nakatanggap na siya ng mga reklamo na may mga pagkakataong hindi gumagana ang fuel cards sa mga gasolinahan. Sinabi ni Poe na baka hindi pa plantsado ang proyekto nang ito ay simulang ipatupad. Narito ang balita ni Jan Escosio: Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post WATCH: Kapalpakan ng fuel cards para sa mga driver at operator ng jeep pinuna ni Sen. Grace Poe appeared first on - News Portal Philippines .

Pang. Duterte buo pa rin ang suporta kay Sec. Piñol

Nanantili pa rin ang tiwala at suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Agriculture Secretary Manny Piñol. Ito ay kahit sunud-sunod ang mga panawagan ng ilang sektor na sibakin sa pwesto si Piñol dahil sa lumalalang problema sa suplay ng bigas. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hangga’t hindi sinisibak ng pangulo si Piñol nangangahulugan ito na buo pa rin ang tiwala ng presidente sa opisyal. Bukod kay Piñol, pinagbibitiw din ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza sa kanyang puwesto si NFA Administrator Jason Aquino sa harap ng aniya’y krisis na nararanasan ngayon sa bigas. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Pang. Duterte buo pa rin ang suporta kay Sec. Piñol appeared first on - News Portal Philippines .

Jennifer Zimmerman, Fil-Am Wins Democratic Primary In Florida District

Filipino-American Doctor Jennifer Zimmerman Wins Democratic Primary To Face Gaetz In November For One Seat JENNIFER ZIMMERMAN – Fil-Am Jennifer Zimmerman takes the lead by 20 points against rivals and wins the democratic primary. Jennifer Zimmerman, also known by the community as Dr.Z, according to her official website, is a pediatrician for nearly two decades. Her father was a guerilla fighter then eventually became a POW (Prisoner of War) during WWII; while her mother was forced to live the life of a housewife by her father. Jennifer is the eldest of the six children, received a full academic scholarship to attend the University of the Philippines, where she majored in Zoology. As per her website , she migrated to the US, which was 25 years ago then moved in to Florida in 1997, which was 5 years after her migration. This is where she practiced medicine in Palatka, Crestview, and Fort Walton Beach. Source: Frost Jones, Campaign Manager Photo uplifted from: Connexione...

Lalaki arestado sa panggagahasa sa stepdaughter sa Cebu

Arestado ang isang 43 anyos na lalaki mtapos gahasain ang 13-anyos na anak ng kaniyang kinakasama sa Liloan, Cebu. Kinilala ang suspek na si Dario Pelayo na naaresto matapos magsumbong sa kaniyang guro ang dalagita na ginahasa siya ng kaniyang ama-amahan sa loob ng kanilang bahay. Ayon kay SP01 Rolinda Flores, hepe ng Women and Children’s Protection Desk, nang isailalim sa pagsusuri ay nakumpirmang ginahasa nga ang dalagita. Hindi naman na itinanggi ng suspek ang krimen pero idinahilan niyang wala siya sa sarili nang maganap ang insidente dahil siya ay lasing. Humingi rin ng tawad si Pelayo sa biktima. Isasailalim naman sa stress debriefing ang dalagita. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Lalaki arestado sa panggagahasa sa stepdaughter sa Cebu appea...

DTI tiniyak na hindi gagalaw ang SRP sa mga pangunahing bilihin hanggang Pasko at Bagong taon

Ibinahagi ng Department of Trade and Industry na pumayag na ang mga manufacturers ng mga pangunahing bilihin na hindi magtaas ng halaga ng kanilang mga produkto hanggang sa katapusan ng taon. Sinabi ni Trade Undersecretary for Consumer Protection Group Ruth Castelo nakipagpulong na sila sa 235 manufacturers ng mga bilihin na kabilang sa expanded suggested retail price. Aniya umapela sila sa mga negosyante na isipin muna ang kapakanan ng mamamayan at huwag munang magtaas muli ng presyo ng kanilang mga produkto. Ngunit nilinaw ng opisyal na hihintayin pa nila na ilagay sa kasulatan ng mga manufacturers ang kanilang pangako na ‘3-month price freeze.’ Niliwanag din ng opisyal na ang gagawin ay hindi moratorium dahil aniya sa ilalim ng Price Act ay walang kapangyarihan ang gobyerno na pigilan ang pagtataas ng presyo. At kung sila ang tatanungin, ayon pa kay Castelo, gugustuhin nila na maging epektibo ang price freeze hanggang sa unang tatlong buwan ng 2019. Banggit pa nito, ang nanga...

Aktor natagpuang patay sa kaniyang bahay sa Cavite

Natagpuang walang buhay sa loob ng kaniyang bahay sa Silang, Cavite ang aktor na si Arnold Corpuz. Si Corpuz ay gumaganap sa teleseryeng “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN. Ayon sa mga kaanak ng 38 anyos na aktor, noong Lunes pa nila hindi matawagan si Corpuz kaya Miyerkules ng gabi ay nagpasya silang pasukin na ang bahay nito sa Brgy. Biga 1. Nadatnan nilang tadtad ng saksak ang katawan ni Corpuz sa sala ng bahay. Nakasuot lang ng underwear at medyas si Corpuz. Ayon sa Cavite police, may natagpuan na tatlong baso at alak sa balkonahe ng bahay na indikasyon na mayroon itong mga kasama bago nangyari ang krimen. Nawawalan naman ang dalawang cellphone at mga alahas ng biktima kaya maaring pinagnakawan ito. Si Corpuz ay gumanap na alkalde na nabiktima ng ambush sa “Ang Probinsyano”. Gumanap din siya sa Bagani at iba pang teleserye sa ABS-CBN. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We r...

Opisyal ng BJMP, live-in partner at 2 iba pa arestado sa ilegal na droga sa Cavite

Arestado ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos mahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga sa kaniyang bahay sa Tanza, Cavite. Ang suspek ay kinilalang si Senior Jail Officer Melandro Lee na nakatalaga sa Tanza Municipal Jail. Maliban kay Lee, dinakip din ang kaniyang kinakasama at dalawang iba pa na nadatnan ng mga otoridad sa bahay. Ayon kay Chief Inspector Dhefry Punzalan ng Tanza police, may nag-report sa kanila hinggil sa pagkakasankot ni Lee sa ilegal na droga. Nakuha mula kay Lee ang isang sachet ng hinihinalang shabu, mga pakete na may residue ng droga, mga drug paraphernalia, at isang kalibre .45 na baril. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Opisyal ng BJMP, live-in partner at 2 iba pa arestado sa ilegal ...

PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Aug. 30

Mawawalan ng kuryente ngayong araw sa bahagi ng Quezon City, Laguna, Cavite, at Quezon. Sa Barangay Fairview, Quezon City, mawawalan ng kuryente mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon. Sa Calamba City naman, parehong oras din ang power interruption na makaaapekto sa Barangay Batino. Habang sa Cavite, mawawalan ng kuryente mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon sa bahagi ng Barangay Neogan, Asisan at Zambal sa Tagaytay City at Palocpoc 1 sa Mendez-Nuñez, Cavite. Parehong oras din ang power interruption na mararanasan sa Sariaya sa Quezon at maapektuhan ang Barangay Pili, Morong at Antipolo. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Aug. 30 appeared first on - New...

LPA sa Silangan ng Samar nakapasok na ng PAR

Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA sa Silangan ng Visayas. Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,000 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Hindi naman inaasahang magiging bagong bagyo ang sama ng panahon sa loob ng 24 hanggang 48 oras at posibleng malusaw sa mga susunod na araw. Samantala, ang bagyo naman na may international name na ‘Jebi’ ay huling namataan sa layong 3,030 kilometro Silangan ng Hilagang Luzon. Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran. Ayon sa PAGASA, kung hindi magbabago ang direksyon at bilis ng bagyo ay papasok ito ng PAR sa araw ng Linggo o Lunes ngunit hindi inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa. Samantala, sa ngayon ay nakakaapekto na lamang ang Habagat sa Batan...

Extrajudicial killings sa bansa, lumala sa ilalim ng administrasyong Duterte

Aminado si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na lumala ang extrajudicial killings sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pero kambyo ni panelo, matagal nang may nagaganap na EJK sa bansa. Inihalimbawa pa ni Panelo ang kaso noong 2015 o isang taon bago naupo sa puwesto si Pangulong Duterte, may nagaganap nang EJK dahil ang mga drug lords at mga drug pushers ay nagpapatayan na sa kani-kanilang hanay bunsod ng pagkabulilyaso ng mga transaksyon. Natakot aniya ang mga drug personality na ituro sa mga awtoridad kung kaya sila-sila na ang nagpatayan. Maaari kasi aniyang maging potential witness ang isang drug personality kung kaya minrapat ng mga drug lord o mga drug pusher na patayin na lamang ang kanilang mga kasamahan. “Noong nag-assume na siyang Presidente, that became worst. You know why? Kasi ilang daan libo ba iyong sumuko at tinuturo nila kung sino iyong mga kasamahan nila, kung sino ang pinanggagalingan noon. So iyong mga tinuturo nila...