Mga kritiko hinamon ni Mayor Sara na tulungan ang mga rape victim sa Davao City

Hindi itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mataas na kaso ng rape sa kanilang lungsod na nauna nang naiulat ng Philippine National Police (PNP).

Gayunman ay nilinaw ng opisyal na karamihan sa nasabing mga kaso ay “incestuous” o mismong mga kaanak ang suspek sa panghahalay sa mga biktima.

Sinabi pa ng alkalde na 2017 pa ang nasabing ulat at ito ay kanilang siniseryoso at hindi pinapabayaan.

Hindi rin umano dapat batikusin ang mga pahayag ng pangulo ukol sa rape dahil nagbibiro lang naman ito.

Tinanong rin ng opisyal ang kanilang mga kritiko pati na ang Commission on Human Rights kung may naibigay ba silang tulong sa mga biktima ng rape sa Davao City.

Bukod sa tulong sa mga biktima para makasuhan ang mga may kagagawan ng krimen ay inatasan na rin ni Duterte-Carpio ang Davao City Social Services Development Office na gumawa ng mga paraan para mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan sa lungsod.

Ipinaliwanag ni Davao City Police Office Director Alexander Tagum na base sa tala ng Rape Data of the Women and Children Protection Desk Investigation and Detection Management Board, mula sa 210 kaso ng rape noong 2017 ay bumaba ito sa 95 sa taong kasalukuyan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Mga kritiko hinamon ni Mayor Sara na tulungan ang mga rape victim sa Davao City appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers