Mas masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila pinaghandaan na ng MMDA
Sa pagpasok ng “Ber months” ay nagbigay ng babala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa lalo pang pagsisikip sa daloy ng trapiko.
Bukod sa pagkakaroon ng mga “Sale” sa mga shopping mall ay isasara sa daloy ng trapiko ang old Sta. Mesa Bridge sa Maynila samantalang palalakihin naman ang Estrella-Pantaleon Bridge na nag-uugnay sa Makati at Mandaluyong City.
Ngayong buwan ng Setyembre gagawin ang nasabing mga proyekto.
Ang old Sta. Mesa bridge ang nag-uugnay sa Maynila at San Juan City.
Sinabi ni MMDA Special Operations Task Force Commander Bong Nebrija na gigibain ang nasabing tulay para magkasya ang mga barge na gagamitin sa pagtatayo ng Skyway Extention project na mag-uugnay sa North at South Luzon Expressways.
Makaraan ang proyekto ay muling itatayo ang tulay sa pagitan ng San Juan City at Maynila.
Sa unang bahagi ng 2019 ay isasailalim na rin sa rehabilitasyon ang Guadalupe Bridge na siyang lalong magpapabigat sa daloy ng trapiko sa Edsa.
Sinabi ni Nebrija na ito ang mga dahilan kaya mas lalo pa silang maghihigpit sa pagbabawal sa mga nakaparadang sasakyan sa Mabuhay lanes.
Ipinaliwanag ng opisyal n asana ay makipagtulungan ang mga barangay officials sa nasabing kampanya para kahit paano ay maisawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Mas masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila pinaghandaan na ng MMDA appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar