Malacañang at Kongreso nagkasundo na sa 2019 cash-based budget
Kumpiyansa ang Malacañang na maipapasa pa rin sa tamang oras ang 2019 national budget na aabot sa P3.757 Trillion.
Ito ay matapos magkasundo ang Kongreso at Department of Budget and Management na maging transitory cash based system na lamang ang pambansang pondo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ilalim ng sistema ay babayaran ng gobyerno ang mga proyekto sa loob ng labing dalawang buwan at maaring maipa- disburse ng hanggang labing walong buwan.
Kasabay nito, sinabi ni Roque na ilalahad ng DBM sa mga susunod na araw ang buong detalye ng transitory cash- based system.
Matatatandaang nagkaroon ng girian noon ang DBM at ang Kongreso matapos magmatigas ang Budget Department na cash-based lamang ang budget.
Gayunman, matapos ang ilang pagpupulong ay nagkasundo ang DBM at mga mambabatas na gawin na lamang na transitory cash based system sa budget para sa susunod na taon.
“On the budget update Per the Department of Budget and Management (DBM), they, together with Congress, have agreed to a transitory cash-based system. Under this system, government would have 12 months to obligate and 18 months to disburse its budget”, paliwanag ng opisyal.
Pagtitiyak pa ni Roque, malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 budget bago pa man matapos ang taong kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Malacañang at Kongreso nagkasundo na sa 2019 cash-based budget appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar