Mga pari sa Chile na sangkot sa sexual abuses mas dumami

Naging triple ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso ng mga pari sa Chile na ngayon ay iniimbestigahan na sa mga hukuman.

Sa 167 na case under investigation, kabilang dito ang pitong obispo at 96 na mga pari.

Sa kabuuan ay umaabot sa 178 ang mga lumutang at nagrereklamong biktima ng pang-aabuso at sa nasabing bilang ay 79 ang mga menor-de-edad.

Bagaman hindi nakadetalye ang report sa mga kaso ng pang-aabuso ay sinabi ng panalalaan ng Chile na titiyakin nila na walang cover-up na magaganap sa kanilang imbestigasyon.

Noong buwan ng Mayo ay personal na kinausap ni Pope Francis ang 34 na mga obispo ng Chile sa Roma.

Sinasabing dismayado si Pope Francis sa mabagal na imbestigasyon sa mga lider ng simbahan na isinasangkot sa sex scandal sa nasabing bansa.

Sa isang hiwalay na pahayag noon ay sinabi ni Pope Francis na mapaparusahan ang mga obispo na sangkot sa mga kaso ng pangmomolestya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Mga pari sa Chile na sangkot sa sexual abuses mas dumami appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers