Petition for bail nina ex-BI officials Argosino at Robles, sinopla ng Sandiganbayan
Ibinasura ng Sandiganbayan ang petition for bail nina dating Bureau of Immigration commissioners Al Argosino at Michael Robles, at dating police officer Wally Sombero.
Ang mga nabanggit ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa P50 million extortion ng gambling tycoon na si Jack Lam noong 2016.
Ang tatlo ay nakakulong sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, mula nang maisampa ang kaso laban sa kanila noong Marso 2018.
Batay sa resolusyon ng Sandiganbayan 6th division, sinopla ng korte ang petisyong makapag-piyansa ng mga akusado dahil wala umanong bigat ang pahayag nina Argosino at Robles na tinanggap at itinago nila ang P50 million na bribe money para gawing ebidensya laban kay Lam.
Katwiran pa ng anti-graft court, kung gagamitin ebidensya ang limampung milyong piso laban kay Lam, dapat ay buo itong itinago nina Argosino at Robles at hindi ibinigay ang P18 million sa kay Immigration Intelligence chief Charles Calima noong December 9, 2016, para sa damage control at mailantad sa publiko ang detalye ng raid sa Fontana Leisure Parks sa Clark.
Pinanigan din ng Sandiganbayan ang ebidensya ng prosekusyon na ang perang natanggap nina Argosino at Robles na P50 million ay pasok sa threshold para sa kasong plunder.
Si Sombero ay nakatanggap ng balato na P2 million pesos, na ang pera ay nasa Office of the Ombudsman na makaarang i-turn-over ng akusado noong December 22, 2016, samantalang ang P18 million naman ay nasa PNP-CIDG na nai-turn-over ni Calima at ang P30 million ay nasa Department of Justice makaraang i-turn-over nina Argosino at Robles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Petition for bail nina ex-BI officials Argosino at Robles, sinopla ng Sandiganbayan appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar