Extrajudicial killings sa bansa, lumala sa ilalim ng administrasyong Duterte
Aminado si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na lumala ang extrajudicial killings sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero kambyo ni panelo, matagal nang may nagaganap na EJK sa bansa.
Inihalimbawa pa ni Panelo ang kaso noong 2015 o isang taon bago naupo sa puwesto si Pangulong Duterte, may nagaganap nang EJK dahil ang mga drug lords at mga drug pushers ay nagpapatayan na sa kani-kanilang hanay bunsod ng pagkabulilyaso ng mga transaksyon.
Natakot aniya ang mga drug personality na ituro sa mga awtoridad kung kaya sila-sila na ang nagpatayan.
Maaari kasi aniyang maging potential witness ang isang drug personality kung kaya minrapat ng mga drug lord o mga drug pusher na patayin na lamang ang kanilang mga kasamahan.
“Noong nag-assume na siyang Presidente, that became worst. You know why? Kasi ilang daan libo ba iyong sumuko at tinuturo nila kung sino iyong mga kasamahan nila, kung sino ang pinanggagalingan noon. So iyong mga tinuturo nila; they become potential witnesses and they have to be eliminated – iyan ang istorya talaga niyan eh,” ani Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Extrajudicial killings sa bansa, lumala sa ilalim ng administrasyong Duterte appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar