Kadamay nang-agaw ng mga housing unit sa Bacolod City

Muling nang-agaw ng mga bakanteng bahay sa housing project ng National Housing Authority (NHA) ang grupong Kadamay.

Sa pagkakataong ito ay mga bahay na nakalaan sa mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa Bacolod City ang iligal na inangkin ng nasabing militanteng grupo.

Sinabi ni Kadamay Negros Sec-Gen. Erineo Luminos na 1,500 sa kanilang miyembro ang sumama sa pag-okupa sa Ciudad Felisa sakop ng Brgy. Felisa sa Bacalod City.

Ikinatwiran ni Luminos na matagal nang bakante ang nasabing mga housing units kaya nila ito pinag-interesan.

Wala naman umanong masama sa kanilang ginawa dahil ang pagpapatayo sa nasabing mga pabahay ay galing sa pondo ng pamahalaan.

Matagal na umano silang humihingi ng bahay sa NHA pero hindi sila pinapansin.

Umaabot sa sampung ektarya ng lupain ang kinatitirikan ng Ciudad Felisa na ngayon ay mayroon nang 1,498 housing units.

Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng NHA sa Bacolod City na nai-award na ang nasabing mga bahay sa mga beneficiaries na tauhan ng PNP at AFP.

Nauna nang binalaan ng pangulo ang grupong Kadamay na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines na iwasan ang pang-aagaw ng mga housing projects ng pamahalaan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Kadamay nang-agaw ng mga housing unit sa Bacolod City appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers