Habagat wala nang epekto sa Luzon; LPA magpapaulan sa VisMin
Tuluyan nang humina ang southwest monsoon o hanging Habagat at hindi na nakakaapekto sa kalupaan ng bansa.
Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, sa katubigan na lamang nakakaapekto ang Habagat kaya’t maganda at maaliwalas na ang panahon sa buong Luzon.
Gayunman, makararanas pa rin ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms lalo na sa hapon o gabi.
Samantala, ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 415 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Hindi pa rin ito inaasahang magiging bagong bagyo ngunit inaasahang tatama sa kalupaan sa Eastern Visayas sa Linggo.
Sa ngayon, ang trough ng LPA ay nagdadala na ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa buong Visayas at Mindanao.
Ang bagyo naman na may international name na ‘Jebi’ ay huling namataan sa layong 2,500 kilometro Silangan ng Northern Luzon.
Napakalakas na ng bagyo at posibleng maging Super Typhoon sa mga susunod na araw ngunit hindi inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa.
Papasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa darating na Linggo at pagdating ng Lunes ay inaasahang tatama sa Central Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Habagat wala nang epekto sa Luzon; LPA magpapaulan sa VisMin appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar