Mga pier at biyahe ng mga barko sa Mindanao, todo-bantay ng PCG

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard o PCG ang mga pantalalan partikular sa Mindanao, maging ang mga biyahe ng mga barko, kasunod ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng mahigit sa tatlumpung indibidwal.

Ayon kay PCG Spokesman Capt. Arman Balilo, nagbigay na ng direktiba si Coast Guard Commandant Elson Hermogino na ilagay sa alert status ang buong pwersa ng PCG sa Mindanao.

Kabilang na aniya sa mga pinatututok sa pagbabatay ay ang Quick Response Team ng Special Operations Group, K9 Unit at Intelligence Operatives.

Dagdag ni Balilo, kasama sa utos ni Hermogino ang madalas na pagpapatrol ng PCG vessels at mga small boats coastal patrol teams.

Paalala naman aniya ng PCG sa publiko, i-report sa kanila ang anumang kakaibang pagkilos ng mg atao sa mga pier o maging mapagmatyag sa pagbiyahe sa karagatan.

Nauna nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines o AFP na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang posibleng responsable sa pambobomba.

Batay naman sa Philippine National Police o PNP, may mga testigo na sila na tumutulong sa pagkilala sa mga suspek at iba pang persons of interest.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Mga pier at biyahe ng mga barko sa Mindanao, todo-bantay ng PCG appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers