Mataas na presyo ng manok sa mga palengke hindi makatwiran ayon sa DTI
Pupulungin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang iba’t ibang grupo ng mga negosyante kaugnay sa hindi maktwirang paglobo ng presyo ng manok sa pamilihan.
Base sa monitoring ng DTI, naglalaro sa pagitan ng P150 hanggang P160 ang kada kilo ng manok sa ilang mga palengke dito sa Metro Manila.
Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na dapat ay hindi lumampas sa P140 bawat kilo ang bentahan ng manok.
Umapela rin ang DTI sa publiko na magsumbong sa kanilang hotline na 1384 ang mga negosyanteng nagsasamantala sa presyo ng kanilang mga produkto para sa mabilis na aksyon ng kagawaran.
Ipinaliwanag pa ni Castelo na katuwang nila ang Department of Agriculture sa pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Kaugnay nito ay magpapakalat ang DTI ng kopya ng standard retail price para sa mga basic commodities sa mga pamilihan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Mataas na presyo ng manok sa mga palengke hindi makatwiran ayon sa DTI appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar