Postingan

Menampilkan postingan dari Juli, 2018

Hollywood actor na si David Hasselhoff muling ikinasal

Muling nagpakasal ang Hollywood actor na si David Hasselhoff. Kinumpirma ngayong Martes ng kanyang publicist ang pagpapakasal ng 66-year old na aktor sa girlfriend/model na si Hayley Roberts. Naganap ang simpleng seremonya sa Italy na dinaluhan ng mga kaibigan at miyembro ng kanilang pamilya. Taong 2016 nang magkakilala sina Hasselhoff at Roberts. Nagsisilbing judge sa “Britain’s Got Talent” ang Knight Rider at Baywatch actor nang lapitan siya ni Roberts para hingan ng autograph. Pero sinabihan nito ang model na ibibigay lamang ang kanyang pirma kung ibibigay din nito ang kanyang phone number. Si Hasselhoff ay may dalawang anak sa dati nitong misis na si Pamela Bach. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Hollywood actor na si David Hasselhoff muling ik...

Victor Magtanggol, hindi napataob ang FPJ’s Ang Probinsyano sa unang araw ng showing

Hindi natinag ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN sa pagpasok ng super hero serye ni Alden Richards na “Victor Magtanggol” sa GMA 7. Kung pagbabasehan ang resulta ng TV rating ng Kantar Media na may petsang July 30, kung kailan inilabas ang pilot episode ng “…Magtanggol,” mas marami pa rin ang tumutok sa teleserye ni Coco Martin. Nakakuha ng 42.4% ang “Ang Probinsyano” habang nasa 20% lamang ang “Victor Magtanggol.” Kung pagbabatayan naman ang rating ng AGB Nielsen Philippines’ Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) People in Television Homes, ang pilot ng serye ni Alden ay mayroon lamang 12.4% habang ang kalaban ay 14.7%. Sa kabila nito, naging number 1 trending topic naman sa Twitter ang Victor Magtanggol. Noong Lunes (July 30) kasabay ng pilot episode, umani ng suporta sa kanyang mga fans ang serye ni Alden na may hashtag na #VictorMagtanggolAngSimula na umani ng 200k tweets. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent o...

Mayor Sara Duterte hindi tatakbo sa anumang national post ayon kay Pang. Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo sa national level ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte. Sa talupmati ng pangulo sa anibersaryo ng National Intelligence Coordinating Agency sa PICC sa Pasay City, sinabi ng pangulo na pabor siya na magkaroon ng isang anti-political dynasty law. “So ako, by the way, I am in favor of putting up a very — a dynasty law. Okay ako, wala akong problema. Ang anak ko, si Inday, I can tell you I know her. Hindi magtatakbo ‘yan ng national. Ganun lang ‘yan,” ayon sa pangulo. Matatandaang sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nasa ikatlo hanggang ikalimang puwesto si Mayor Sara sa senatorial survey. Bukod dito, matagumpay din na nakapagpa-accredit si Mayor Sara sa Commission on Elections ng kanyang regional political party na “Hugpong ng Pagbabago”. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude co...

Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang sinibak na ni Pang. Duterte

Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ng Office of the President si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang. Ito ay dahil paglabag sa graft and corruption and betrayal of public trust. Una rito naghain ng reklamo ang sina Atty. Manuelito Luna, Jing Paras, Glenn Chong ng Volunteers Against Crime and Corruption laban kay Cdahil sa pahayag sa isang TV interview kung saan sinabi niyang mayrong milyones na transakayon si Pangulong Duterte. Ayon kay Carandang nakuha niya ang dokumento sa anti-money laundering council na kalaunan ay pinabulaanan naman ng AMLC na sa kanila nga galing. Bukod kay Carandnag kasama rin sa inireklamo si Deputy Ombudsman for Minadanao Rodolfo Elman. Base sa desisyon ng OP na ipinamahagi ni Executive Sec. Salvador Medialdea, “dismissed from the service: na si Carandang. Forfieted din ang lahat ng kanyang mga retirement benefits, pinagbabawalan na kumuha ng civil service exams at bawal nang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno. Inabswelto naman ng OP si Elman ...

Mga supporters ni Labor Sec. Bello sumugod sa DOLE

Dumagsa sa punong tanggapan ng Department of Labor and Employement o DOLE sa Intramuros Maynila ang ibat-ibang grupo ng mga overseas filipino workers at mga recruitment agencies. Dala ang kanilang mga banner at tarpaulin, pumuwesto ang mga ito sa harap ng gusali ng DOLE hanggang sa mismong entrada ng Labor Department. Isinabay ng mga ito ang pagtungo sa DOLE para magpakita ng suporta kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa huling araw ng pagkakampo ng grupo ng mga manggagawang na natanggal sa trabaho sa PLDT. Ang ilan sa mga supporters ni Bello ay galing pa sa mga probinsya gaya ng Nueva Vizcaya. Nauna nang naglabas ng manipesto ng pagsuporta kay Bello ang ilang mga samahan ng lisensyadong recruitment at manpower agencies sa bansa. Nauna nang nalagay sa kontrobersiya si Bello kasunod ng paghahain ng reklamo ng isang Amanda Lalic-Araneta sa Presidential Anti-Corruption Commission dahil sa umanoy pagtanggap ng kalihim ng P100,000 at mamahaling cellphon noong Pasko ng 2016 na mar...

TRAIN Law Second Package Pushed By Duterte’s Economic Team

President Duterte’s Economic Team Spurs Second Package From TRAIN Law TRAIN LAW – The president’s economic team will push the 2nd TRAIN law package, which is basically cutting corporate taxes and pushing for a simpler fiscal incentive. Based on the report , the TRAIN Law, or RA 10963, aims to earn revenues to fund the country’s infrastructure program. This will reduce the personal income tax rates of each individual, while people earning a lower personal income will be free from tax. The Department of Finance, specifically the economic managers, said that the push is “necessary”. There are, however, two elements that get in the way of the push: politics and money, accor. Yes, politics in a sense that most politicians, including Senate President Vicente Sotto III, are against TRAIN Law. Sotto himself is worried that the proposal will result in another wave of inflation. He even said that “no senator wanted to sponsor the measure.” On July 31(Tuesday), however, ...

Mahigit 10 hummer na ipinuslit sa Port Irene sa Cagayan, hindi winasak para magamit ng PNP at AFP

Mahigit sa 10 hummer at ilang mamahaling vans na ipinuslit sa sa Port Irene sa Santa Ana, Cagayan ang hindi ipinasira ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Joint 68th National Security Council at 69th National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Founding Anniversary Celebration at the Philippine International Convention City sa Pasay City, sinabi nito na ibibigay na lamang niya sa mga pulis at mga sundalo ang aabot sa labing apat na hummer para magamit sa mga operasyon. Ibibigay naman ng pangulo sa mga local government officials sa Cagayan ang mga mamahaling van. Inatasan pa ng pangulo si Cagayan Economic Zone Authority Administrator Raul Lambino na gumawa ng liham at ipasa sa kanyang tanggapan para pormal na maibigay ang mga hummer at mga van. Pero ayon kay Lambino nagpasa na siya ng liham sa pangulo. Pabiro lang na sinabi ng pangulo na maglalaway na lamang siya sa inggit sa mga sundalo at mga pulis na naka-hummer. Nagdadalawang-isip ang pangulo na...

Mahigit 80 sugatan sa pagbagsak ng eroplano sa Mexico

Sugatan ang hindi bababa sa 85 katao makaraang mag-crash ang isang Aeromexico flight na patungo sana ng Mexico City. Pa-take off na ang Aeromexico Flight #2431 sa General Guadalupe Victoria International Airport sa northwest Mexican state na Durango nang ito ay bumagsak ayonkay Durango state Governor José Rosas Aispuro Torres. Ani Torres, wala namang nasawi sa insidente habang ang mga nasugatan ay nadala na sa ospital. Kinumpirma naman ng State Coordination of Civil Protection ng Durango na dalawa sa mga nasugatan ay kritikal ang kondisyon. Inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng eroplano. Pero hindi maganda ang panahon na nararanasan sa lugar nang maganap ang insidente. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Mahigit 80 sugatan sa pagbagsak...

PNP nagtaas ng alerto sa ARMM at Northern Mindanao matapos ang pagsabog sa Basilan

Itinaas na ng Police Regional Office sa Autonomous Region Muslim Mindanao (PRO-ARMM) ang full alert sa status nito matapos ang insidente ng pagpapasabog sa Basilan kahapon. Ayon kay PRO ARMM Regional Director Chief Superintendent Graciano Mijares nagtalaga na ng mga dagdag na check points, palalakasin ang mga dati nang check points at maglalagay ng dagdag na mga tauhan at mobile patrols sa mga matataong lugar. Bubuhayin rin ang special investigation task group para masiyasat ang insidente ng pagsabog na naganap sa Lamitan City. Umapela din si Mijares sa publiko na maging mapagmatyag at alerto sa lahat ng oras at agad iulat sa pulisya ang mga kahina-hinalang mga bagay. Samantala iniutos din ni Northern Mindanao Police Regional Director Chief Superintendent Timoteo Pacleb na paigtingin ang seguridad sa buong rehiyon hinggil pa din sa insidente. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynew...

3 pulis, 1 sibilyan na nangongotong sa mga junk shop sa Valenzuela arestado

Arestado sa ikinasang entrapment operation ang tatlong pulis na nakatalaga sa Valenzuela City at isang kasabwat nilang sibilyan dahil sa pagkakasangkot sa pangongotong. Ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Counter-Intelligence Task Force at Intelligence Group ng PNP ang entrapment operation laban sa mga pulis sa Mindanao Avenue Extension, Barangay Ugong sa Valenzuela City. Kinilala ang mga suspek na sina SPO4 Seraffin Adante, PO1 Ryan Paul Antimaro, at PO1 Rey Harvey Florano na pawang nakadestino sa Police Community Precinct 9 ng Valenzuela City Police at sibilyang kasabwat na si Amado Baldon Jr. Target umano ng mga pulis ang mga junkshop sa lungsod na kinokotongan nila ng P200 hanggang P500 gabi-gabi. Nakuha mula sa kanila ang marked money na ginamit sa ikinasang entrapment. Hawak na ngayon ng PNP-CITF ang mga suspek na mahaharap sa kasong extortion. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebu...

Increase in oil prices effective July 31

  Oil prices are up again and the increase was implemented this morning, July 31. Ricky Brozas with the details. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Increase in oil prices effective July 31 appeared first on - News Portal Philippines .

Lalaki patay sa engkwentro sa Quezon City

Nasawi ang isang lalaki, habang nakatakas naman ang kanyang mga kasamahan matapos makaengkwentro ang mga pulis sa kahabaan ng SD Road Sierra Vista na sakop ng Barangay Nagkaisang Nayon sa lungsod Quezon. Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang suspek. Batay sa paunang impormasyon ng mga otoridad, nagtayo ng checkpoint ang mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 sa lugar nang dumating ang dalawang motorsiklong may sakay na tatlo katao. Sa video na kuha ng mga pulis makikita na bago pa makalapit sa checkpoint ay nag-U turn ang dalawang motorsiklo. Kasabay nito ay pinaputukan ng mga sakay ng motorsiklo ang mga pulis. Agad na hinabol ng mga otoridad ang mga kawatan at nauwi sa engkwentro ang insidente. Dead on the spot ang isang lalaki na nakuhanan ng isang kalibre 38 revolver. Samantala, isang biktima umano ng mga lalaki ang dumulog sa mga otoridad at sinabing tinangay mula sa kanya ng mga lalaki ang kanyang motorsiklo. Kwento nito, tinutukan siya ng baril...

Isa pang tumakas na preso sa Bacoor city jail, nahuli na

Nahuli na ang isa pa sa 23 bilanggong nakatakas sa Bacoor City Custodial Center. Nakilala ang bagong huli na si Kevin Riano. Isa si Riano sa 16 na presong balik-kulungan na matapos tumakas noong Biyernes. Ilan sa mga ito ay naaresto sa isinagawang manhunt operation habang ang iba naman ay kusang sumuko sa mga otoridad. Sa ngayon, patuloy namang pinaghahanap ang mga sumusunod na preso: – Ariel Villacampa – Marcelono Ruiz – Michael Salac – Junmarco Castro – Richard Manatad – Jason Daniel – Roland Ramirez Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Isa pang tumakas na preso sa Bacoor city jail, nahuli na appeared first on - News Portal Philippines .

ISIS, inako ang responsibilidad sa Basilan bombing

Inako ng militanteng grupong Islamic State ang responsibilidad sa pagpapasabog sa isang sasakyan sa Lamitan, Basilan. 11 ang kumpirmadong nasawi sa pagsabog sa isang military checkpoint sa lugar. Sa inilabas na pahayag ng ISIS sa Amaq news agency, tinawag nila ang bombing attack bilang isang “martyrdom operation.” Kinondena naman ng Palasyo ng Malakanyang ang naturang insidente na war crime. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post ISIS, inako ang responsibilidad sa Basilan bombing appeared first on - News Portal Philippines .

Lindol naitala sa Occidental Mindoro

Naitala ang magnitude 3.1 na lindol sa Occidental Mindoro alas-12:44 kaninang madaling araw. Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong isang kilometro Kanluran ng bayan ng Rizal. May lalim itong 16 na kilometro at tectonic ang dahilan. Hindi naman inaasahan ang pinsala sa ari-arian at mga aftershocks. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Lindol naitala sa Occidental Mindoro appeared first on - News Portal Philippines .

WATCH: Online booking sa visa ng Hajj pilgrims, apektado ng system glitch

Aabot sa 86 na pilgrims na patungo sana ng Mecca at Medina sa Saudi Arabia para sa taunang Hajj ang apektado ng umano’y systems glitch ng e-portal na gamit ng Bureau of Pilgrimage and Endowment ng Kingdom of Saudi Arabia. Sa isang press conference sa tanggapan ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa Quezon City, sinabi ni Secretary Saidamen Pangarungan na nagka-aberya ang online booking sa visa ng mga pilgrim na paalis sana noong Lunes, July 23. Ngayon pa lang ay nililinaw na ni Sec. Pangarungan na walang kinalaman ang usapin sa seguridad at diskriminasyon sa nangyaring problema sa biyahe ng mga kapatid nating muslim na galing ng Basilan at iba pang lalawigan sa Mindanao. Pero ayon kay Pangarungan, nasolusyunan na ang problema matapos na personal itong makipag-ugnayan kay Saudi Arabian Ambassador to the Philippines Abdullah Bin Nasser Al Bussairy. Sa ngayon, ayon kay Pangarungan, nasa pangangalaga na ng NCMF ang pilgrims na pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang ho...

PBA, pinagmulta ang San Miguel at Ginebra players matapos ang Finals Game 2

Pinagmulta ng PBA ang tatlong manlalaro ng San Miguel at dalawang manlalaro ng Barangay Ginebra matapos ang kanilang Game 2 sa Commissioner’s Cup Finals series. Bumawi ang San Miguel at tinalo ang Ginebra 134-109 sa best-of-7 series kung saan tabla sa tig-1 panalo ang dalawang koponan. Pinalabas ng court sina SMB players Chris Ross at Arwind Santos dahil sa magkahiwalay na infractions. Dahil dito, pinagmulta ng liga si Ross ng P2,600 dahil sa dalawang technical fouls. Si Santos naman ay pinagmulta ng P5,000 dahil sa flagrant foul, na unang tinawag na penalty 2 pero ibinaba sa penalty 1. Habang P5,000 ang multa sa import ng Beermen na si Renaldo Balkman dahil sa flagrant foul penalty 1. Samantala, P1,000 ang multa kay Ginebra forward Kevin Ferrer dahil sa technical foul for second motion at P1,000 din ang multa kay Joe Devance dahil sa technical foul for second motion matapos i-review ang laro. Muling magsasagupa ang San Miguel at Ginebra sa Game 3 sa Miyerkules. Disclaimer: ...

10 sugatan sa karambola ng anim na sasakyan sa Negros Occidental

Sugatan ang 10 katao makaraang magkarambola ang anim na sasakyan sa Bacolod Silay Airport Access road sa Talisay, Negros Occidental. Ayon sa Talisay City police, anim sa mga biktima ay pasahero ng multicab kabilang ang isang 2-anyos hanggang 3-nayor na bata. Ayon sa drayber na napasama sa aksidente na si Greg Elarde, nag-overtake and isang itim na SUV kung bumangga sa multicab. Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post 10 sugatan sa karambola ng anim na sasakyan sa Negros Occidental appeared first on - News Portal Philippines .

WATCH: Driver ni PBA player Douglas Kramer, arestado sa pagnanakaw

Naaresto ng Quezon City Police District ang driver ng PBA player na si Douglas Kramer kabilang ang kasama nito dahil sa pagnanakaw. Kinilala mismo ng mga biktima ang mga suspek na sina Eddie Valliente, nagmamaneho ng taxi na pagmamay-ari ni Kramer at si Ronald Calderon. Sa kwento ng biktima, pumasok ang mga suspek sa bahay nila sa Barangay Veterans Village Project 7 na kunwari ay may hinahanap silang tao, pero nang makita ng mga suspek na parehong babae saka sila nagdeklara ng holdup. Sa kanilang pagtakas ay nahagip ng CCTV camera ang taxi na Toyota Vios na may plakang WQL392 na ginamit nilang getaway vehicle. Natunton naman na nakapangalan ito sa PBA player na si Kramer na agad namang nakipagtulungan sa mga pulis. PBA player ang kinaroroonan ng driver kung kaya’t naaresto ito sa # 38 Tatco, Bagong Ilog Pasig. Lumilitaw na may mga kaso na ng pagnanakaw si Valiente sa Valenzuela city. Aminado naman ang mga suspek sa kanilang ginawa habang hinahanap pa ang iba pang kasama nito. ...

Mandatory tree-planting bill, pasado na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na mag-oobliga ng pagtatanim ng mga puno kapag may itatayong anumang residential, commercial, industrial at public building. Sa botong 2017, walang negative vote o abstention, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 7373 o ang “An Act Requiring The Planting Of Trees For Any Construction Of Residential, Commercial, Industrial And Public Buildings.” Layon ng bill na pagbutihin ang kalidad ng kalikasan, bawasan ang epekto ng climate change at maprotektahan ang kapaligiran para sa kasalukuyan at susunod na mga henerasyon. Oras na maging batas, obligado na ang organisasyon o indibidwal na magsumite ng tree planting plan para makakuha ng building permit. Nasa ilalim din ng panukalang batas na hinihikayat ang pagtatanim ng indigenious species depende sa lokasyon, klima at topograpiya ng lugar. Sina Representatives Emmeline Aglipay-Villar, Gary Alejano, Nancy Catamco, Noel Villanueva at Joseph Paduano ang mga pangunahi...

Pagpasa sa TRAIN 2, mamadaliin ng Kamara – Speaker GMA

Personal na tututukan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pag-usad ng ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN. Ayon kay SGMA, hindi siya magtatakda ng deadline para sa pagpasa nito sa Mababang Kapulungan pero kailangan aniya na ito ay matutukan. Kapag naging batas ayon sa pinuno ng Kamara, malaki ang maitutulong nito para sa reporma sa buwis. Samantala, nilinaw naman ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu na hindi magiging pabigat sa publiko ang isinusulong na TRAIN 2. Paliwanag ni Abu, hindi ito tax measure na magpapataw ng bagong buwis bagkus magpapababa aniya ng corporate income tax bukod pa sa aalisin nito ang mga redundang incentives ng mga kumpanya. Suporatado naman ani Abu ang pagtulong sa mga nagsisimulang kumpanya pero dapag itong taningan para hindi pangmatagalan ang pagbibigay ng insentibo. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudail...

Panukalang DDR, isinumite ng Palasyo sa Kongreso

Nagsumite na ang Palasyo ng Malakanyang sa Kongreso ng isang panukalang batas na magtatatag ng Department of Disaster Resilience na tututok sa mga kalamidad na tatama sa bansa. Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mismong ang tanggapan ni Presidential Legislative Liason Office chief Adelino Sitoy ang nagsumite ng panukala sa tanggapan nina Senate president Vicente “Tito” Sotto at Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Sa ilalim ng panukala, magiging isang bagong departamento ang DDR at bubuwagin na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ngayon ay nasa ilalim lamang ng Office of the Civil Defense (OCD). Ayon kay Roque, ayaw na ni Pangulong Rodrigo Duterte na maulit ang insidente sa Bagyong Yolanda na tumama sa Leyte noong 2013 kung saan nagkasisihan lamang ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente. Ayaw din aniya ng pangulo na maraming point person gaya ng sitwasyon ng NDRRMC kung saan katu...

Pagtatayo ng casino sa Boracay, kontra sa good morals – Roque

Bukas ang Palasyo ng Malakanyang sa lahat ng dayuhang mamumuhunan na maglagak ng negosyo sa Boracay island. Pero ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, malinaw ang public policy ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi papayagan ang pagkakaroon ng casino sa isla. “Well I think what the President has said is that he will not allow casinos. All other investments are otherwise welcome into Boracay,” ani Roque. Paliwanag ni Roque, labag sa good morals ang casino dahil nanghihikayat lamang ito ng masamang bisyo partikular na ang pagsusugal. Matatandaang binalaan na ng Malakanyang ang Leisure and Resorts World Corporation at Galaxy Entertainment Group Limited na huwag subukan ang political will ng pangulo at huwag pilitin ang pagbubukas ng casino kahit na mayroong provisional license dahil tutol ang punong ehekutibo sa pagkakaroon ng pasugalan sa isla. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebu...

2 sugatan sa pagsabog sa Antipolo

Dalawa ang sugatan sa pagsabog sa Sitio Calumpang Barangay San Jose, Antipolo City pasado 11:00 ng umaga, araw ng Martes. Kinumpirma ni Police Supt. Villaflor Banawagan, chief of police ng Antipolo City, hindi naman malubha ang tinamong sugat ng dalawang biktima na hindi pa kinikilalang biktima. Base sa inisyal na impormasyon, sakay ng isang kotse ang naghagis ng pampasabog na tumama sa isang tricycle kung nasaan naroon ang dalawang biktima. Hinala naman ng PNP, New People’s Army (NPA) ang nagpasabog ng improvised explosive device (IED). Ayon kay Region 4A o Calabarzon director Chief Supt. Edward Carranza, ito ang lumabas sa isinagawa nilang imbestigasyon sa umano’y road side bombing o ambush. Posibleng target ng IED ay ang dadaang mga sasakyan ng 80th Infantry Battalion ng Philippine Army sa naturang lugar. Gayunman, in-overtake ng sasakyan ng militar ang isang tricycle na siyang tinamaan ng pagsabog. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represe...

Southern Leyte, nilindol | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Southern Leyte, Martes ng hapon. Batay sa inilabas na impormasyo ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 3 kilometers South ng Hinundayan dakong 2:51 ng hapon. May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang pinagmulan. Wala namang napaulat na nasirang ari-arian. Wala ring inaasahang aftershocks sa Phivolcs matapos ang pagyanig. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Southern Leyte, nilindol | DZIQ Radyo Inquirer 990AM appeared first on - News Portal Philippines .

Delfin Lee ng Globe Asiatique, pinayagang magpiyansa ng Korte Suprema

Dinesisyunan na ng Korte Suprema ang kaso na kinakaharap ng negosyanteng si Delfin Lee ng Globe Asiatique. Makalipas ang ilang taon, nagpasya ang Korte Suprema na payagan si Lee na makapagpiyansa sa kaso para sa kaniyang pansamantalang kalayaan. Mula kasi sa kasong syndicated estafa ay ibinaba ng Supreme Court sa simpleng estafa na lamang ang kaso laban kay Lee. Nangangahulugan ito na mula sa dating non-bailable offense ay naging bailable na ang kaniyang kaso. Ang kaso ay may kaugnayan sa umano ay pagkakaroon ng ghost borrowers sa P6.6 billion na housing project ni Lee sa Pampanga. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Delfin Lee ng Globe Asiatique, pinayagang magpiyansa ng Korte Suprema appeared first on - News Portal Philippines .

Intelligence capability ng PNP at AFP, pinare-review ng Malakanyang

Inatasan ng Malakanyang ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na rebyuhin ang kanilang intelligence capability. Pahayag ito ng palasyo matapos ang naganap na car bombing sa Lamitan City, Basilan kung saan labingisang tao ang nasawi. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maituturing na war crime ang naganap na pagsabog. Ito ayon kay Roque ay dahil isa itong indiscriminate attack, may mga biktimang sibilyan na mahigpit na ipinagbabawal sa International Humanitarian Law o IHL. Ipinaliwanag ni Roque na sa ilalim ng IHL, dapat ay limitado lamang ang mga pag-atake sa military targets, at walang dapat madamay na sibilyan lalo na mga menor de edad. Sa ngayon, sinabi ni Roque na hindi pa batid ng palasyo kung sino o anong grupo ang nasa likod ng pag atake. Tiniyak ni Roque na hindi tumitigil ang mga otoridad para matunton ang may kagagawan ng pagpapasabog. Ayon kay Roque, hustisya sa mga biktima at kanilang kaanak ang pinagpupursigehan ngayon ng pamaha...

Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Maynila arestado

Bumagsak sa kamay ng mga Elemento ng Anti-Crime Unit Police Station 4 ng MPD ang tatlong personalidad matapos na magsagawa ng Anti-illegal Criminality Operation sa PNR Railroad track Laon Laan Street malapit sa kanto ng Algeciras Street, Brgy 485 Zone 48 Sampaloc, Manila. Nakilala ang mga suspek na sina Josienel Vargas 24 anyos at Sienel Vargas na kapwa residente ng Laong Laan Street at si Ricky Ignacio, 29. Ayon sa Manila Police District, mga tauhan ng Sampaloc Police Station ang nakaaresto sa tatlong suspek. Naaresto ang mga suspek matapos na isuplong ng mga residente roon na gunagamit at nagbebenta ng shabu ang mga suspek kung saan narekober sa kanila ang 3 maliliit na sachet ng shabu. Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampa laban sa tatlong mga suspek. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we d...

P60M paid ad ng DOT sa PTV-4 iimbestigahan ng senate blue ribbon committee

Magsasagawa ng imbestigasyon ang senate blue ribbon committee sa pamumuno ni Senator Richard Gordon hinggil sa P60-million advertisement deal sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) at PTV-4. Ayon kay Sen. Gordon, malinaw namang mayroong conflict of interest sa kasunduan na pinasok ng DOT habang si Sec. Wanda Teo pa ang kalihim nito sa Bitag Media Unlimited Inc. nap ag-aari ng kapatid niyang si Ben Tulfo. Malinaw ayon kay Gordon na mayroong paglabag at may maaring makasuhan. Idadamay na rin ng komite ni Gordon sa gagawing imbestigasyon ang mga kwestyunableng transaksyon umano na naganap sa DOT sa ilalim ng pamumuno ni Teo at maging ang mga kinasangkutan ni Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer (COO) Cesar Montano. Hindi pa naman binanggit ni Gordon kung kailan uumpisahan ang imbestigasyon. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude ...

39 na pulis-Taguig sibak matapos ang pagkakasangkot sa KFR Group ng kanilang mga kasamahan

Matapos mapatay ang isang pulis at maaresto ang tatlong iba pa sa entrapment operation sa Western Bicutan sa Taguig City agad isinibak sa serbisyo ang 39 na mga pulis na nakadestino sa nasabig lugar. Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang pagsibak sa lahat ng 39 na pulis na nakatalaga sa Western Bicutan Police Community Precinct kabilang na ang PCP commander na si Sr. Insp. Joel Villafania. Sa inisyal na imbestigasyon ang napatay na pulis ay kinilalang si PO1 Heraldo Ancheta. Habang arestado naman ang tatlo niyang kasama na sina PO1 Bryan Amir Papa Bayo, PO2 Joey Ermino Mano at PO1 Paulo Ocampo, Sangkot umano sa insidente ng kidnap for ransom ang apat. Lunes ng gabi nang sinalakay ng apat ang bahay ng isang babae at kinuha ang P50,000 nito. Ilang oras ang nakalipas, dinukot naman ng apat na pulis ang mag-asawa, kalaunan ay pinalaya ang babae at hiningan ito ng P200,000 kapalit ng pagpapalaya sa kaniyang mister. Doon na iki...

Traffic advisory: Manila Water may road restoration project sa T. Sora, QC

Sisimulan na ng Manila Water ang road restoration project nito sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Sa abiso ng Manila Water, magsisimula ang proyekto alas 10:00 ng gabi mamaya at tatagal ito hanggang sa August 2, alas 5:00 ng umaga. Partikular na isasagawa ang permanent road restoration sa Tandang Sora Avenue kanto ng Visayas Avenue. Ito ay makaraang malatagan na ng bagong linya ng tubig ang lugar. Dahil dito, inabisuhan na ng Manila Water ang mga motorista na makararanas sila ng bahagyang pagsisikip sa daloy ng traffic sa nasabing lugar sa nasabing mga petsa. Isasara kasi ang bahagi ng kasaldang apektado ng proyekto. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Traffic advisory: Manila Water may road restoration project sa T. Sora, QC appeared...

BREAKING: 7 patay, 5 sugatan sa car bomb sa Basilan

Pito ang patay kabilang ang isang bata makaraang pasabugin ng isang suicide bomber ang isang sasakyan sa Lamitan City sa Basilan. Sa ulat na nakalap ng Inquirer Mindanao mula kay Lamitan Vice Mayor Roderick Furigay kumpirmadong pito na ang nasawi sa insidente at mayroon pang lima na sugatan. Kabilang sa nasugatan ang isang sundalo na kritikal ngayon ang kondisyon. Batay sa inisyal na ulat, sumabog ang isang van sa checkpoint ng mga sundalo bahagi ng Sitio Bulanting, Martes (July 31) ng umaga. Pinara pa umano ang van sa naturang checkpoint at kinausap ng mga otoridad ang driver nito at habang ginagawa ang inspeksyon ay bigla na lamang sumabog ang sasakyan. Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at sa kung ano ang grupo ang posibleng nasa likod nito, pero sinasabing foreign looking umano ang driver ng van. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude ...

11 kabilang ang tauhan ng Phil. Navy arestado sa buy-bust operation sa Pasay

Arestado ang 11 katao kasama ang isang tauhan umano ng Philippine Navy sa ikinasang magkakasunod na buy-bust operation sa Pasay City. Aabot sa 12 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000 ang nasabat sa mga operasyon. Ayon kay Supt. Gene Licud, assistant chief of police for operations ng Pasay City police, nag-ugat ang kanilang operasyon nang mahuli ang isang suspek na tangkang nagpapasok ng shabu sa loob ng detention facility ng Pasay City police station. Agad dinakip ang suspek na isinailalim sa interogasyon at doon na niya itinuro ang iba pang mga sangkot sa operasyon. Agad Nagkasa ng follow up operation ang pulisya na nagnresulta sa pagkakadakip sa iba pang mga suspek kasama na ang isang sundalo. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link...

Tulak ng droga, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Maynila

Dead on the spot ang isang drug suspek matapos manlaban sa mga otoridad sa Tondo, Maynila. Kinilala lamang ang suspek sa alyas na Tonet. Ayon sa Manila Police District (MPD) Station 1, naganap ang transaksyon sa loob mismo ng bahay ng suspek. Ngunit natunugan nito na pulis pala ang katransaksyon, dahilan upang paputukan ang mga otoridad bago tumakas. Pumasok si alyas Tonet sa loob ng katabing gusali at umakyat sa ikalawang palapag nito kung saan siya napuruhan ng mga operatiba ng MPD Station 1 na nagresulta sa kanyang pagkasawi. Ayon sa barangay captain sa lugar, notorious na tulak ng droga ang suspek at mangilang beses nang nakulong. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Tulak ng droga, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Maynila appeared first on ...

Commercial building sa Quezon City, tinupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang ikalawang palapag ng isang commercial building sa Barangay Novaliches Proper, Quezon City. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagmula sa isang computer sa isa sa mga unit ng Susano Building. Pasado alas-2 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog at tuluyan itong naapula wala pang isang oras sa pagsusumula ng apoy. Ayon sa Quezon City Fire Department , tinatayang aabot sa P100,000 ang kabuuang halaga ng pinsala dahil sa pagliliyab. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi nito. Samantala, sa pag-apula sa sunog ay nasugatan ang isang bumbero na agad namang naisugod sa ospital. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Commercial building sa Quezon City, tinupok ng apoy appeared first on - News Portal Philippines .

Mga bagong opisyal ng Kamara nanumpa kay Arroyo

Nanumpa na kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga bagong talagang opisyal ng Kamara. Sa naganap na rigodon sa lower house, si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na ang bagong house majority leader, kapalit ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas. Matinding nakalaban ni Andaya sa nasabing posisyon si Capiz Rep. Fred Castro. Itinalaga bilang Senior Majority Leader si 1-Sagip Rep. Dante Marcoleta kapalit ni Pampanga Rep. Rimpy Bondoc habang sa Committee on Accounts itinalaga si Leyte Rep. Yedda Romualdez kapalit ni Batangas Rep. Eilene Ermita-Buhain. Kinilala pa rin ng Kamara si Quezon Rep. Danilo Suarez para manatiling minority leader. Samantala, si Retired Brig. General Romeo Prestoza naman ang bagong House Sergeant-at-Arms habang si Roberto Maling itinalagang acting Secretary-General ng Kamara.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude...

Kamara bubuo ng disaster management committee

Ipinag-utos ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagtatayo ng House Committee on Disaster Management. Ayon kay Arroyo, kailangang magkaroon ng komite sa Kamara na tututok sa disaster management dahil sa dalas na pagtama ng kalamidad sa bansa. Magdaragdag ang bubuuing komite sa kasalukuyang 72 standing at special committees sa Kamara. Ginawa ni Arroyo ang kautusan sa gitna ng briefing ng NDRRMC sa Kamara na ipinatawag ng house speaker. Samantala, iniulat ni NDDRMC Executive Director Ricardo Jalad na umabot sa 13 ang nasawi at isa ang nawawala sa nakalipas na bagyo at habagat mula sa pitong rehiyon. Umabot naman anya sa P3.6 Billion halaga ang iniwang pinsala nito kung saan P1.9 Billion ang iniwang pinsala sa agrikultura at P1.6 Billion naman sa imprastraktura. Sa ngayon, ayon kay Jalad mayroon pang labingisang mga kalye ang hindi madaanan dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the vie...

Malacañang: BOL pinag-isipan pero hindi perpektong batas

Aminado ang Malacañang na hindi perpekto ang Bangsamoro Organic Law na una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo. Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagaman hindi perpekto ay hindi naman minadali ang pagbalangkas sa BOL at bunga ito ng kompromiso ng iba’t ibang grupo. Sinabi pa ni Roque nagsagawa ng malawakan at malamang konsultasyon ang pamahalaan at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ukol sa BOL. “Well, you know it wasn’t really rushed. It’s been there. It has been pending. It took us almost a year to discuss the BOL; there’s been substantial consultations. I note that—you know, the President even called members of the Congress and Senate – if I’m not mistaken – at least 3 times to the Palace ‘no,” dagdag pa ng opisyal. Nilinaw rin ni Roque na bukas ang pangulo sa amyenda sa nasabing batas. Gayunman, hindi matukoy ni Roque kung anong partikular na probisyon sa BOL ang maaring maamyendahan. Disclaimer: The comments uploaded o...

P296-M na halaga ng mga smuggled vehicles winasak sa Cagayan

Pinanood ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdurog sa P296 Million na halaga ng mga smuggled luxury vehicles at mga motorsiklo sa Port Irene sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan. Pinadaanan sa mga bulldozer at backhoe ang 69 na mga contraband luxury vehicles na kinabibilangan ng mga sports at muscle cars. Winasak rin ang P19 Million na halaga ng mga mamahaling motorsiklo kabilang ang ilang piraso ng Harley Davidsons. Ang mga sinirang sasakyan ay nahuling ipinupuslit sa Port Irene ayon kay Cagayan Economic Zone Authority chief executive officer Raul Lambino. Sinabi pa ni Lambino na gagawin nilang monument ang mga sinirang sasakyan para magsilbing babala sa mga smugglers na hindi uubra ang kanilang mga iligal na gawain sa CEZA. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The po...

WATCH: Ex-brgy. captain survives ambush

An attempt to kill a former barangay captain in Cebu failed. The details from Isa Umali. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post WATCH: Ex-brgy. captain survives ambush appeared first on - News Portal Philippines .

WATCH: Arroyo, Sara meet for lunch

It appeared to be no ordinary lunch between House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Davao City Mayor Sara Duterte and legislators who voted for the new speaker. Was it a “Thank You” lunch? Den Macaranas with this report. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post WATCH: Arroyo, Sara meet for lunch appeared first on - News Portal Philippines .

U.P di magbibigay ng palugit sa pagbigay ng UPCAT forms ngayong araw

Wala nang extension ang paghahain ng University of the Philippines College Admission Test o UPCAT forms, para sa mga aplikante mula sa pribadong esweklahan sa Metro Manila. Batay sa advisory ng U.P. Diliman administration, July 27 talaga ang deadline ng paghahain ng UPCAT forms ng mga estudyante mula sa private schools sa Kalakhang Maynila, subalit pinalawig nila ito ngayong araw, July 30. Lahat ng mga application na naisumite ngayong araw, pisikal man o sa pamamagitan ng courier na may timestamp ay tatanggapin. Ang mga aplikante naman na nakapila pa rin ngayong araw, ay i-aaccommodate. Mayroon namang mga drop box sa Office of Admissions, kung saan maaaring ihulog ang forms. Samantala, ang mga deadline ng UPCAT forms ng mga estudyante mula sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ay itinakda sa August 3; habang sa August 10 naman para mga mag-aaral na mula sa regional private and public schools. Batay sa datos, ang UPCAT applicants ay lumobo sa 167,000 ngayong taon, kumpara ...

Lagman: House minority dapat lang para sa tunay na oposisyon

Walang nakikitang basehan si Albay Rep. Edcel Lagman sa pagmamatigas ni House Minority Leader Danilo Suarez na manatili sa minorya. Ayon kay Lagman, sina Suarez mismo ang nagpatalsik sa kanilang sarili sa minority bloc matapos bumoto para maging House Speaker si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Sinabi ni Lagman na hindi maaring ipagpilitan ni Suarez na walang dapat magalaw na posisyon dahil ang speaker lamang naman ang idineklarang bakante. Paliwanag ni Lagman, magkakaroon talaga ng malaking epekto ang pagpapalit ng house speaker sa ibang posisyon sa kamara dahil sa pag-alis ng mga kongresista ng suporta kay dating Speaker Alvarez patungo kay Speaker GMA. Bukod dito, nagpasya na rin anya ang Supreme Court na sa paghalal sa house speaker natutukoy kung sino ang nasa minorya at mayorya. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we d...

Pangamba ng mga senador sa TRAIN 2 alam ng Malacañang

Naniniwala ang Malacañang na election season na kung kaya’t takot ang mga senador na mag-sponsor ng package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law (TRAIN 2). Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naiindintihan ng palasyo ang mga senador lalo na ang mga reelectionists sa pangambang hindi na manalo sa susunod na eleksyon. Katwiran ni Roque, mali ang akala ng mga senador na magpapahirap sa taong bayan ang isinusulong na package 2 ng TRAIN law dahil layunin nitong maibaba ang corporate tax. Tanging ang Pilipinas aniya ang may mataas na corporate tax kumpara sa mga kapitbahay na bansa sa Asia. Sinabi pa ng opisyal na walang dapat na ikatakot ang mga senador dahil hindi magiging pahirap sa bayan ang TRAIN 2. Matatandaang nakalusot na sa kamara ang naturang panukala habang walang senador ang may gustong pumatol dito. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve...

Inday Sara at Speaker Arroyo sabay na nag-lunch

Nagsalo sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Davao City Mayor Sarah Duterte sa isang lunch meeting ngayong araw (July 30). Ito ay naganap isang linggo makalipas ang kontrobersyal na palitan ng liderato sa Kamara, kung saan nasipa ni Arroyo sa pwesto si dating House Speaker Pantaleon Alvarez. Sa naturang lunch meeting na ginawa sa isang hotel sa Quezon City, dumalo rin ang nasa 184 na kongresista na bumoto para sa speakership ni GMA. Ayon sa House minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, ang presidential daughter o si Mayor Sara ang nag-organisa ang luncheon. Nilinaw naman ni Capiz Rep. Fredenil Castro na naimbitahan lamang si SGMA sa pananghalian, kaya wala dapat maging isyu rito. Nagpasalamat daw si Arroyo sa lahat ng mga sumuporta sa kanya, kaya nahalal bilang Speaker of the House. Matatandaang naging usap-usapan na si Mayor Sara umano ang nagtulak sa pagpapalit ng liderato sa Kamara. Naka-away noon ng babaeng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Alvarez, na isa...

Netizen nag-alok ng passport appointment, nakatikim sa DFA

Muling binalaan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang mga fixer at scammer sa passport appointment. Paalala ng DFA, ang anumang uri ng mapanlinlang na aktibidad ay may katapat na parusa, alinsunod sa batas. Ang mga lalabag din ay mahahadalangan nang makapag-apply ng pasaporte. Ang pahayag ng DFA ay kasunod ng isang insidente sa social media, kung saan isang netizen ang nagpost ng “Passport appointment, PM lang.” Agad na tumugon dito ang DFA ay binantaan ang naturang netizen na irereport ito sa kaukulang otoridad upang maparusahan dahil sa ilegal na gawain. Umani ng batikos ang DFA dahil sa pahirapang passport online application. Pero sinabi ng ahensya na ginagawa nila ang lahatng paraan upang makapagbigay ng slots sa mga kukuha ng pasaporte. Bukod sa online, nag-iikot na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa ang kanilang “Passports on Wheels.” Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudai...

Bigtime oil price hike, epektibo bukas (July 31)

  Inanunsyo na ilang mga kumpanya ng langis ang kanilang ipatutupad na bigtime price hike sa mga produktong petrolyo. Epektibo bukas (July 31) ng alas-sais ng umaga, ang Flying V, Pilipinas Shell at SeaOil ay magtataas ng P1.15 sa kada litro ng gasolina; 95 centavos sa bawat litro ng diesel at 85 centavos sa kada litro ng kerosene. Ang panibagong price adjustments sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa halaga ng krudo sa international petroleum market. Mula nong Enero 2018, pumalo na sa P8.27 ang itinaas sa halaga ng bawat litro ng gasolina; P8.25 sa kada litro ng diesel at P7.81 sa bawat litro ng kerosene.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Bigtime oil price hike, epektibo bukas (July 31) appeared first on - News Portal Phil...

Matapos bumaba ang satisfaction ratings, cabinet members doble-kayod ayon sa Malakanyang

Tiniyak ng Malakanyang na magdodoble-kayod ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte para maibigay sa taong bayan ang basic services. Ito ay matapos lumabas ang resulta ng Social Weather Stations survey na nasa positive 25 na lamang ang net satisfaction ratings ng cabinet members ni Pangulong Duterte noong buwan ng Hunyo, mas mababa ng tatlong puntos sa positive 28 na ratings noong Marso. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinikilala ng cabinet members ang SWS survey at pagsusumikapan na maipaabot sa taong bayan ang mga programa ng pangulo. Dagdag pa ni Roque, maaring matalakay sa August 6 na cabinet meeting ang naturang survey. Hindi naman nakagugulat ayon kay Roque dahil halos lahat ng opisyal ng gobyerno ay bumaba ang net satisfcation rating. Hindi naman matukoy ni Roque kung ano ang dahilan ng pagbaba ng net satisfaction ratings ng cabinet members. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of...

Oplan Tokhang ng PNP, ire-recalibrate

Magkakaroon ng pagbabago sa ipinatutupad na Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde mas magiging “relentless and chilling” ang kampanya bilang tugon sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang State of the Nation Address (SONA). Ani Albayalde, inatasan na niya ang PNP Oversight Committee of Illegal Drugs na ire-calibrate ang Oplan Tokhang para sa nalalabing 1,656 drug users pa na nasa kanilang watch list na hindi pa nagsisisuko. Mamatyagan din ng husto ng PNP ang mga aktibidad at kinaroroonan ng nasa 1,274,213 na drug users at street pushers na pawang mga nauna nang sumuko para matiyak na hindi na talaga sila bumalik sa ilegal na gawain. Kasama ding imo-monitor ng PNP ang 215,323 users na naisailalim na sa rehabilitation. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments t...

2nd most wanted sa CALABARZON arestado sa Rizal

Naaresto sa lalawigan ng Rizal ang isang rebelde na itinuturing din na 2nd most wanted sa CALABARZON. Ayon kay Regional police office spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran, ang suspek na si Raul Razo, 47 anyos na kilala rin sa alyas na “Ka Jade” ay nadakip sa kaniyang bahay sa Barangay Pinugay sa Baras, Rizal, Linggo ng gabi. Ito ay makaraang isilbi ng Regional Mobile Force Battalion ang warrant of arrest laban kay Razo sa kasong murder na inilanas ni Judge Florencio Arellano, ng regional trial court branch 28 ng Sta. Cruz, Laguna. Ayon sa mga otoridad, kilalang kasabi ng New People’s Army si Razo at may patong na P500,000 sa kaniyang ulo. Hindi na idinetalye pa ng pulisya ang kaso ni Razo noong 2003, pero ayon sa militanteng grupong Akbayan, kabilang ang suspek sa 43 katao na isinangkot sa pagdukot at pagpatay kay Private First Class Eriberto Eclaveo ng Philippine Army at isang “Ka Troy” noong May 27, 2007. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily repre...

SP Tito Sotto nag-anunsyo ng sorpresang drug test sa mga empleyado ng senado ngayong araw

Sasailalim sa random drug test ang mga empleyado ng senado ngayong araw. Inanunsyo ni Senate President Tito Sotto III ang drug test sa isinagawang flag-raising ceremony ngayong Lunes (July 30) ng umaga. Ayon kay Sotto, bilang pagpapakita ng suporta sa programa, siya ang unang pipila para sa drug test. Hinikayat naman nito ang kaniyang kaibigan na si Senator Gringo Honasan na pumangalawa sa pila. Gagamit ang senado ng five-panel drug test para sa gagawing pagsusuri sa mga empleyado ng mataas na kapulungan. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post SP Tito Sotto nag-anunsyo ng sorpresang drug test sa mga empleyado ng senado ngayong araw appeared first on - News Portal Philippines .

Mga opisyal ng NDRRMC ipinatawag ni House Speaker Arroyo sa kamara

Ipinatawag ngayong araw ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction Management Council para magbigay ng briefing sa iniwang pinsala ng mga nakalipas na kalamidad. Ito ayon sa house speaker ay upang matukoy nila kung anong mga distrito ang lubhang naapektuhan nito. Bukod dito, kailangan anya ng briefing upang mabatid kung anong tulong ang ibibigay sa mga biktima. Sa ngayon ayon kay Arroyo, sampung distrito na ang kanilang natukoy kabilang na ang sa lalawigan ng Bataan, Pangasinan, Zambales at Rizal. Sinabi nito na magbibigay sila ng relief at medical aid bilang panimulang ayuda sa mga ito. Noong Biyernes, nauna nang namahagi ng tulong si SGMA ng tulong sa kanyang mga ka-distrito sa Pampanga at sa bahagi ng Dinalupihan sa Bataan. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inco...

15 arestado sa buy-bust sa Valenzuela City

Arestado ang 15 katao sa ginawang buy-bust operation ng Northern Police District (NPD) sa Dulong Tangke Malinta, Valenzuela City. Kinilala ang mga nadakip na drug suspects na sina: 1. Aladin Delos Santos 2. Erwin San Miguel 3. Bonnie Gukuong 4. Marjorie Evangelista 5. Juanita Dela Cruz 6. Aaron Aloantara 7. Carla Mercado 8. Alfredo Dela Cruz 9. Reyson Valle 10. Francisco Rubia II 11. Lilibeth Lerit 12. Sheldon Gacosta 13. Mar Labitad 14. John Mark Surnio 15. Joseph Manalansan Ang SDEU Valenzuela City Police Station ang nanguna sa anti-illegal drugs buy-bust operation na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek. Nakuha mula sa kanila ang pitong maliliit na plastic sachet na naglalaman ng shabu, P200 na buy-bust money, at mga drug paraphernalia. Ang mga suspek ay dinala sa Valenzuela City Police Station, at sinampahan sila ng paglabag sa RA 9165, dahil sa pagtutulak at paggamit ng bawal na gamot. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily r...

LOOK: Listahan ng mga lugar na nagsuspinde ng klase ngayong Lunes, July 30, 2018

Suspendido pa rin ang klase ngayong araw ng Lunes, July 30 sa ilang lugar sa Central at Northern Luzon. Sa bayan ng Masantol sa Pampanga nagpasya si Mayor Danilo Guintu na suspindihin pa rin ang klase ngayong araw sa lahat ng antas bunsod ng pagbaha na dulot ng nararanasang mga pag-ulan. Habang inaunsyo naman ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na suspindihin din ang klase all levels base sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council. Nakararanas pa rin ng pagbaha sa mga pangunahing lansangan sa lungsod. Magugunitang noong nakaraang linggo pa inuulan ang maraming lugar sa Central at Northern Luzon dahil sa habagat na pinalakas ng mga dumaang bagyo at LPA. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post LOOK: Listahan ng mga lugar na nag...

Kaso ng dengue sa Pangasinan, tumaas ng 99%

Tumaas ng 99 percent ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa provincial health officials. Mula January hanggang July 26 ay umabot na ang kaso ng dengue sa probinsya sa 2,589 kung saan siyam na ang nasawi. Mas mataas ito ng 99 percent kumpara sa 1,303 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2017. Nasa dengue watch list ang mga lungsod ng Urdaneta na may 246 cases at dalawang nasawi; San Carlos na may 166 cases at isang nasawi; Alaminos na may 177 cases at Dagupan naman na may 137. Samantala ang bayan naman ng Bayambang ay may 199 cases; Binmaley na may 133 cases at isang nasawi; Asingan na may 132 cases at isang nasawi; Mangaldan na may 111 cases at isa ring nasawi; Pozorrubio na may 106 cases at isang nasawi habang ang mga bayan ng Lingayen at Binalonan ay may tig-112 at 79 cases ng sakit. Bukod sa dengue, tumaas din ng 46 percent ang kaso ng leptospirosis sa lalawigan kung saan 67 kaso na ng sakit ang naitatala at 12 na ang namamatay. Mas mataas ito sa 16 na ...

5 arestado sa dalawang buy bust operation sa Quezon City

Arestado ang lima katao sa ikinasang magkahiwalay na drug buy bust operation ng mga otoridad sa Quezon City. Unang naaresto sina Josie Dela Ro9sa, 56 na taong gulang; Lemuel Laquindanum, 41 taong gulang; at Leonard Marquez, 35 taong gulang; sa operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 sa Barangay Krus na Ligas. Narekober mula sa mga ito ang apat na sachet ng shabu na tinatayang mayroong street value na aabot sa P45,000. Samantala, mag-amain naman ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng QCPD Station 10 sa Barangay Immaculate Concepcion. Nakilala ang suspek na si Rolando Cortez at kanyang stepdaughter na si Rachel Zamora. Ayon sa mga otoridad, si Cortez ang pangunahing target ng operasyon ngunit kasama nito si Zamora sa transaksyon at nakuhanan ito ng iligal na droga. Napag-alaman na kalalaya lamang ni Cortez noong Marso dahil sa kasong may kinalaman sa droga. Mahaharap ang limang mga drug suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Da...