Mahigit 80 sugatan sa pagbagsak ng eroplano sa Mexico
Sugatan ang hindi bababa sa 85 katao makaraang mag-crash ang isang Aeromexico flight na patungo sana ng Mexico City.
Pa-take off na ang Aeromexico Flight #2431 sa General Guadalupe Victoria International Airport sa northwest Mexican state na Durango nang ito ay bumagsak ayonkay Durango state Governor José Rosas Aispuro Torres.
Ani Torres, wala namang nasawi sa insidente habang ang mga nasugatan ay nadala na sa ospital.
Kinumpirma naman ng State Coordination of Civil Protection ng Durango na dalawa sa mga nasugatan ay kritikal ang kondisyon.
Inaalam pa kung ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng eroplano. Pero hindi maganda ang panahon na nararanasan sa lugar nang maganap ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Mahigit 80 sugatan sa pagbagsak ng eroplano sa Mexico appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar