PNP nagtaas ng alerto sa ARMM at Northern Mindanao matapos ang pagsabog sa Basilan
Itinaas na ng Police Regional Office sa Autonomous Region Muslim Mindanao (PRO-ARMM) ang full alert sa status nito matapos ang insidente ng pagpapasabog sa Basilan kahapon.
Ayon kay PRO ARMM Regional Director Chief Superintendent Graciano Mijares nagtalaga na ng mga dagdag na check points, palalakasin ang mga dati nang check points at maglalagay ng dagdag na mga tauhan at mobile patrols sa mga matataong lugar.
Bubuhayin rin ang special investigation task group para masiyasat ang insidente ng pagsabog na naganap sa Lamitan City.
Umapela din si Mijares sa publiko na maging mapagmatyag at alerto sa lahat ng oras at agad iulat sa pulisya ang mga kahina-hinalang mga bagay.
Samantala iniutos din ni Northern Mindanao Police Regional Director Chief Superintendent Timoteo Pacleb na paigtingin ang seguridad sa buong rehiyon hinggil pa din sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post PNP nagtaas ng alerto sa ARMM at Northern Mindanao matapos ang pagsabog sa Basilan appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar