Mahigit 10 hummer na ipinuslit sa Port Irene sa Cagayan, hindi winasak para magamit ng PNP at AFP
Mahigit sa 10 hummer at ilang mamahaling vans na ipinuslit sa sa Port Irene sa Santa Ana, Cagayan ang hindi ipinasira ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa talumpati kagabi ng pangulo sa Joint 68th National Security Council at 69th National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Founding Anniversary Celebration at the Philippine International Convention City sa Pasay City, sinabi nito na ibibigay na lamang niya sa mga pulis at mga sundalo ang aabot sa labing apat na hummer para magamit sa mga operasyon.
Ibibigay naman ng pangulo sa mga local government officials sa Cagayan ang mga mamahaling van.
Inatasan pa ng pangulo si Cagayan Economic Zone Authority Administrator Raul Lambino na gumawa ng liham at ipasa sa kanyang tanggapan para pormal na maibigay ang mga hummer at mga van.
Pero ayon kay Lambino nagpasa na siya ng liham sa pangulo.
Pabiro lang na sinabi ng pangulo na maglalaway na lamang siya sa inggit sa mga sundalo at mga pulis na naka-hummer.
Nagdadalawang-isip ang pangulo na bigyan ng hummer ang mga barangay capatain sa pangambang ibenta lamang.
Matatandaang aabot sa 60 smuggled na sasakyan at mga Harley Davidson na motor na nagkakahalaaga ng P300M ang sinira sa Port Irene noong Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Mahigit 10 hummer na ipinuslit sa Port Irene sa Cagayan, hindi winasak para magamit ng PNP at AFP appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar