Pagtatayo ng casino sa Boracay, kontra sa good morals – Roque

Bukas ang Palasyo ng Malakanyang sa lahat ng dayuhang mamumuhunan na maglagak ng negosyo sa Boracay island.

Pero ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, malinaw ang public policy ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi papayagan ang pagkakaroon ng casino sa isla.

“Well I think what the President has said is that he will not allow casinos. All other
investments are otherwise welcome into Boracay,” ani Roque.

Paliwanag ni Roque, labag sa good morals ang casino dahil nanghihikayat lamang ito ng masamang bisyo partikular na ang pagsusugal.

Matatandaang binalaan na ng Malakanyang ang Leisure and Resorts World Corporation at Galaxy Entertainment Group Limited na huwag subukan ang political will ng pangulo at huwag pilitin ang pagbubukas ng casino kahit na mayroong provisional license dahil tutol ang punong ehekutibo sa pagkakaroon ng pasugalan sa isla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Pagtatayo ng casino sa Boracay, kontra sa good morals – Roque appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers