Kamara bubuo ng disaster management committee
Ipinag-utos ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagtatayo ng House Committee on Disaster Management.
Ayon kay Arroyo, kailangang magkaroon ng komite sa Kamara na tututok sa disaster management dahil sa dalas na pagtama ng kalamidad sa bansa.
Magdaragdag ang bubuuing komite sa kasalukuyang 72 standing at special committees sa Kamara.
Ginawa ni Arroyo ang kautusan sa gitna ng briefing ng NDRRMC sa Kamara na ipinatawag ng house speaker.
Samantala, iniulat ni NDDRMC Executive Director Ricardo Jalad na umabot sa 13 ang nasawi at isa ang nawawala sa nakalipas na bagyo at habagat mula sa pitong rehiyon.
Umabot naman anya sa P3.6 Billion halaga ang iniwang pinsala nito kung saan P1.9 Billion ang iniwang pinsala sa agrikultura at P1.6 Billion naman sa imprastraktura.
Sa ngayon, ayon kay Jalad mayroon pang labingisang mga kalye ang hindi madaanan dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Kamara bubuo ng disaster management committee appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar