Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Maynila arestado

Bumagsak sa kamay ng mga Elemento ng Anti-Crime Unit Police Station 4 ng MPD ang tatlong personalidad matapos na magsagawa ng Anti-illegal Criminality Operation sa PNR Railroad track Laon Laan Street malapit sa kanto ng Algeciras Street, Brgy 485 Zone 48 Sampaloc, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Josienel Vargas 24 anyos at Sienel Vargas na kapwa residente ng Laong Laan Street at si Ricky Ignacio, 29.

Ayon sa Manila Police District, mga tauhan ng Sampaloc Police Station ang nakaaresto sa tatlong suspek.

Naaresto ang mga suspek matapos na isuplong ng mga residente roon na gunagamit at nagbebenta ng shabu ang mga suspek kung saan narekober sa kanila ang 3 maliliit na sachet ng shabu.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampa laban sa tatlong mga suspek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Maynila arestado appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers