3 pulis, 1 sibilyan na nangongotong sa mga junk shop sa Valenzuela arestado

Arestado sa ikinasang entrapment operation ang tatlong pulis na nakatalaga sa Valenzuela City at isang kasabwat nilang sibilyan dahil sa pagkakasangkot sa pangongotong.

Ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Counter-Intelligence Task Force at Intelligence Group ng PNP ang entrapment operation laban sa mga pulis sa Mindanao Avenue Extension, Barangay Ugong sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga suspek na sina SPO4 Seraffin Adante, PO1 Ryan Paul Antimaro, at PO1 Rey Harvey Florano na pawang nakadestino sa Police Community Precinct 9 ng Valenzuela City Police at sibilyang kasabwat na si Amado Baldon Jr.

Target umano ng mga pulis ang mga junkshop sa lungsod na kinokotongan nila ng P200 hanggang P500 gabi-gabi.

Nakuha mula sa kanila ang marked money na ginamit sa ikinasang entrapment.

Hawak na ngayon ng PNP-CITF ang mga suspek na mahaharap sa kasong extortion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

The post 3 pulis, 1 sibilyan na nangongotong sa mga junk shop sa Valenzuela arestado appeared first on - News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers