Postingan

Menampilkan postingan dari Oktober, 2017

Mga lugar na nasa signal # 1, dumami pa – Pagasa

Gambar
Tatagal pa ang malakas na buhos ng ulang dala ng tropical depression Ramil. Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, hanggang bukas ay aasahan pa rin ang masamang lagay ng panahon sa Luzon at ilang parte ng Visayas. Nakataas ngayon ang tropical cyclone signal number one (1) sa Northern Palawan, kasama na ang Calamian Group of Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental indoro, Aklan at Antique. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 85 km sa timog timog kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro. Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 60 kph. Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph. The post Mga lugar na nasa signal # 1, dumami pa – Pagasa appeared first on Bombo Radyo Philippines . Source link The post Mga lugar na nasa signal # 1, dumami pa – Pagasa appeared first on News Portal Philippines .

Karamihan sa mga Pinoy, naniniwalang magbabago pa ang mga drug suspek – SWS survey

Gambar
Mas nakararaming Pinoy ang naniniwala na kaya pang magbagong buhay ng mga drug suspect batay sa resulta ng panibagong Social Weather Station survey. Lumabas sa third quarter survey ng SWS na higit pa sa kalahati o 51 percent ng mga Filipino ay hindi pabor sa pahayag na ang mga taong sangkot sa iligal na droga ay wala nang kakayahan na magbago. Habang 28 percent naman ang pabor at 20 percent naman ang undecided. Isinagawa ang survey noong September 23 hanggang 27 sa 1,500 na adult respondent sa buong bansa sa pamamagitan ng face to face interview. Samantala, tatlo sa limang Pinoy naman ang hindi sang-ayon sa pagbibigay ng cash rewards sa mga pulis sa kada drug suspect na napapatay nila. Sa buong bansa, 65 percent ang hindi pabor sa pahayag na tama lang bigyan ng reward ang mga pulis na may mapapatay na drug suspect habang 15 percent ang pabor at 20 percent ang undecided. Source link The post Karamihan sa mga Pinoy, naniniwalang magbabago pa ang mga drug suspek – SWS survey app...

WATCH: SUV bumangga sa poste sa Iligan City, 4 ang sugatan

Gambar
Apat ang nasugatan matapos bumangga ang isang SUV sa poste ng kuryente sa Roxas Ave, Iligan City. Ayon sa mga saksi galing sa bahagi ng Iligan Institute of Tech ang Mitsubishi Montero na may plakang KGL 873 at patungo ng downtown Iligan nang maganap ang insidente. Mabilis anila ang takbo ng sasakyan at nagulat na lamang sila ng banggain nito ang poste ng ilaw. Kaagad namang isinugod sa Adventist Medical Center-Iligan ang mga nasugatan na nasa maayos namang sitwasyon. Dahil sa aksidente ilang oras na isinasara ang Roxas Avenue dahil sa natumbang poste at nakalaylay na kawad ng kuryente. Natagalan din bago nahila ang naaksidenteng sasakyan. Nagdulot pa ng power interruption ang aksidente.   Source link The post WATCH: SUV bumangga sa poste sa Iligan City, 4 ang sugatan appeared first on News Portal Philippines .

LOOK: Ilang biyahe ng eroplano, kanselado dahil sa sama ng panahon

Gambar
Kanselado na ang ilang biyahe ng eroplano dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Ramil. Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang apat na biyahe ng Cebu Pacific. Kabilang dito ang: 5J 821/822 Manila – Virac – Manila 5J 506/507 Manila – Tuguegarao – Manila Ang mga pasahero sa nasabing flights ay maaring makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o rebooking ng kanilang flight. Pinapayuhan din ang mga may biyahe ngayong araw lalo na sa lugar na apektado ng bagyong Ramil na tumawag muna sa airline company para matukoy kung tuloy ang kanilang flight.         Source link The post LOOK: Ilang biyahe ng eroplano, kanselado dahil sa sama ng panahon appeared first on News Portal Philippines .

Wala pang ulat na may Pinoy na nadamay sa pananagasa ng truck sa New York

Gambar
Wala pang natatanggap na ulat ang Philippine Consulate sa New York na mayroong nadamay na Filipino nang managasa ang isang truck sa bike path sa Manhattan. Inaalam na din ng Department of Foreign Affairs ang sitwasyon ng mga Pinoy sa lugar, at kukumpirmahin kung mayroong nasugatan o nasawi dahil sa insidente. Umabot sa walo katao ang nasawi nang araruhin ng isang pick-up truck ang mga nagbibisikleta at tumatawid. Dahil dito, ipinatupad na ng mga otoridad ang lockdown sa nasabing lugar sa Manhattan. Nabaril naman ng mga pulis ang suspek at ngayon ay nasa kustodiya na nila ito.           Source link The post Wala pang ulat na may Pinoy na nadamay sa pananagasa ng truck sa New York appeared first on News Portal Philippines .

Let independent agencies probe Paolo and Mans says Duterte

Gambar
In a press conference of President Rodrigo Duterte in Davao City upon his arrival from Japan after the two day visit, he answered the allegation to his son Davao City Vice Mayor Paolo Duterte and son-in-law Manases Carpio that he prefers “independent agencies” to investigate them over corruption and illegal drugs smuggling. “I leave it to the independent agencies — there’s the (Commission on Human Rights), which is making all the noise, and they have the (National Bureau of Investigation),” Duterte said. In a statement of Senator Leila de Lima, Duterte should “go after the real drug lords” including those who “are living right inside his own household.” Photo from  newsinfo.inquirer.net In the previous senate investigation on the P6.4 billion worth of shabu shipment, Senator Antonio Trillanes IV accused Paolo and Carpio of being involved in the smuggling. “Who would believe me if I investigate my son and my son-in-law?” Duterte asked. “Ikaw, can you investigate your mothe...

Pulis na sangkot sa extortion, arestado sa QC

Gambar
Arestado ang isang traffic police matapos sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Special Operations Unit dahil sa pangingikil. Kwento ng complainant na si Samsom Gargaritano, vice president for operation ng HM Transport Inc., naaksidente ang isa sa mga bus unit ng kanilang kumpanya noong gabi ng October 23 at inimpound ito sa himpilan ng QCPD. Nakausap ni Gargaritano ang rumespundeng traffic police na si SPO3 Achilles Magat at sinabi umano nito na para mapadali ang pagrelease ng kanilang bus unit at lisensya ng bus driver ay magbayad na lamang sa kanya si Gargaritano ng labinglimang libong piso. Dito na nakipag-usap si Gargaritano sa mga otoridad na sila namang nagkasa ng entrapment operation sa tulong na rin ni Gargaritano. Gabi ng October 31 ay pumunta si Gargaritano sa opisina ni Magat sa loob mismo ng Camp Karingal para isagawa ang transaksyon. Pumayag pa si Magat na babaan ang babayaran hanggang sa sampung libong piso. Kwento ...

Pickup Truck, nanagasa sa bike path sa New York, 8 ang patay

Gambar
Patay ang walong katao nang managasa sa bike path sa Lower Manhattan sa New York ang isang pickup truck. Kinilala ang suspek na si Sayfullo Habibullaevic Saipov na 29 anyos mula Tampa, Florida. Maliban sa walong nasawi, mayroon pang 11 na itinuturing na “seriously injured” sa naturang pag-atake. Matapos managasa, bumaba sa kaniyang nirentahang truck ang suspek na iqinagayway ang hawak niyang baril na kalaunan ay nadiskubreng pellet gun. Naganap ang insidente malapit sa World Trade Center kung saan sinagasaan ng suspek ang mga nagbibiskleta at pagkatapos ay binangga ang isang school van. Tinawag naman ni New York City Mayor Bill de Blasio ang “act of terror” ang insidente. Pero ayon kay New York Gov. Andrew Cuomo, “lone wolf” attack ang naganap at wala namang indikasyon na ito ay bahagi ng malawak na terror plot.             Source link The post Pickup Truck, nanagasa sa bike path sa New York, 8 ang patay appeared first on News Portal Philip...

Signal No. 1, nakataas sa 4 lugar dahil sa bagyong Ramil

Gambar
Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayan ng Pagasa na low pressure area (LPA) na nasa loob ng teritoryo ng bansa. Ayon kay Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong, pinangalanan ang Tropical Storm na Ramil. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 115 km kanluran ng Roxas City at nasa labas na ito ng Panay Island. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kph at pagbugsong 70 kph. Nakataas na sa ngayon ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Northern Palawan, Calamian Group of Island, Aklan at Antique. Makararanas ang naturang mga lugar ng pag-ulan at pagbuso ng hangin na aabot sa 30 hanggang sa 60 kph. Kung hindi magbabago ang bilis ng bagyo na 20 kph ay posibleng lumabas ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Biyernes ng madaling araw. Dahil sa bagyo, makararanas din ng pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Mindoro, Romblon at nalalabing bahagi ng Palawan. Ang Visayas at Mindanao partikular sa Northern Mindanao, Zamboanga Peninzula a...

¥15.9B Cavite Flood Control loan, nilagdaan ng Pilipinas at Japan

Gambar
Popondohan ng Japan ang loan ng Pilipinas na layong makontrol ang pagbaha sa mga lugar na sakop ng lalawigan ng Cavite. Nilagdaan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Japanese Foreign Minister Taro Kono ang initial loan provision ng Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project. Nagkakahalaga ang proyekto ng 15.928 billion yen o aabot sa 7.25 bilyong piso at inaasahang masisimulan ng Department of Public Works and Highways sa October 2018 at matatapos sa April 2024. Ayon sa Japanese Foreign Ministry, kabilang sa loan terms ang 0.3 interest rate kada taon at payable sa loob ng 30 taon matapos ang sampung taon na grace period. Inaasahang mapapakinabangan ng 7, 964 na kabahayan ang naturang flood control project. Makikinabang sa naturang proyekto ang mga lungsod ng General Trias at Imus, maging ang mga munisipalidad ng Noveleta, Kawit at Rosario na itinuturing na economic zones kung saan nanggaling ang 5.5 billion na halaga ng exports noong nakaraang taon. Ang...

Drunk Man Who Hid and Slept under a Woman’s Bed Almost Gets Hacked to Death

Gambar
–> The woman thought he was a ‘ghost’ and screamed at the top of her lungs, alerting her father who was at home at the time. During Halloween season (or any time of the year for that matter), the scariest experience one person could ever encounter would be finding a ghost—or worse—a human hiding underneath the bed. 30-year-old Rose Ann Flor from Valenzuela City, Philippines, was shocked when she found a man sleeping underneath her bed—and it was no ghost. Rose Ann claimed to have heard snoring sounds under her bed after she took a shower. Scared that it might be a ghost, Rose Ann was about to brush the sounds off and sleep instead. But as she picked her pillows and stuffed toys from the floor, she saw a man’s head sticking out of the bed. Scared out of her wits, she screams at the top her lungs, alerting her father, Anacleto Flor, Jr. “Natakot ako kasi akala ko baka may nagmumulto. Napansin ko yung mga unan ko at stuffed toys nasa lapag po. Kinuha ko yung unan ko tapos n...

Imbestigasyon sa kaniyang anak at magulang, ipapaubaya na ni Duterte sa independent agencies

Gambar
Batid ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magiging kapani-paniwala kung siya ang mag-iimbestiga sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kaniyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at manugang niyang si Atty. Manases Carpio. Dahil dito, sinabi ng pangulo na ipapaubaya na niya sa kamay ng mga independent agencies ang imbestigasyon laban kina Paolo at Carpio. “Who would believe if I investigate my son and my son-in-law? Ikaw? Can you investigate your mother and father? I leave it to the independent agencies,” ani Duterte. Ipinahayag ito ni Duterte matapos ang panawagan sa kaniya ni Sen. Leila de Lima na tugisin ang mga totoong druglords na nakatira mismo sa loob ng tahanan ng pangulo. Matatandaang may mga alegasyong ibinabato laban sa bise alkalde at sa kaniyang bayaw na may kaugnayan sa umano’y smuggling ng iligal na droga at katiwalian. Idinawit sina Paolo at Carpio sa kaso tungkol sa naipuslit na P6.4 bilyong halaga ng shabu na hindi naharang ng Bureau of Customs, at n...

The ‘Rich Kids of Tirana’ Flaunt Their Cash, Luxury Cars, and Watches worth Millions Online

Gambar
–> Have you seen a table made of cash? Have you ever seen people in social media and wish to trade lives with them? This is how many users are feeling after witnessing the lavish lifestyle of the ‘rich kids of Tirana’ on Instagram. Who are they exactly? Apparently, they are the children of the rich and privileged Albanian business class. The insanely spoiled brats have found creative ways to show off their envy-inducing wealth by sharing their photos on Instagram—and they’re obviously not holding back. Some were seen posing with their extremely expensive jewelry and cash. While the most popular would be posing alongside, or inside their luxury cars, that have been personalized with equally expensive design. The Rich Kids of Tirana Instagram account currently has 16,000 followers, and the tagline reads: “We follow the richest”. But these aren’t the first youngsters to turn the internet green with envy. Earlier this month, we reported on the Rich Kids of Greece...

Mga nitso sa Bagbag Public Cemetery, tila napabayaan na

Gambar
Walang mga taong nagbabantay sa mga nitso at mga libingang na kung tawagin ay apartment sa loob ng Bagbag Public Cemetery. May mangilan-ngilang mga nitso na tinirikan ng kandila at inalayan ng bulaklak, ngunit sa kabuuan ay kapansin-pansin na marami pa sa mga nahihimlay sa naturang libingan ang hindi pa nabibisita ng kanilang mga kaanak. Makikita rin na ang karamihan sa mga stand-alone na nitso ay kupas na ang pintura, habang ang iba naman ay basag na ang cemento at tila napabayaan na. May nag-iisa namang maliit na nitso na hindi lamang kandila at bulaklak ang inialay, ngunit maging kalahating bote ng sofdrinks. Samantala, papasok sa naturang himlayan ay hindi lamang kandila, bulaklak, at pagkain ang mabibili. Mistulang ginawa nang tiangge ang kahabaan ng kalsada papunta sa entrance ng himlayan sa dami ng mga tindahan ng damit at kung anu-anong accessories at laruan sa magkabilang bahagi ng kalye. Source link The post Mga nitso sa Bagbag Public Cemetery, tila napabayaan na app...

In Relationship Goals: Viral song must be for you that can change every woman’s mood

Gambar
–> Check this new Viral Song and why Everyone is talking About it GMA Records recently released a new video titled “Love Me” by Singer-Songwriter Jeff James, and it incredibly got more than 1million views and more than 5,000 shares in less than 24 hour of posting on a Facebook Page . The video shows us typical relationship troubles most couples are going through, and how they can easily manage things to be cool and still be loving with each other even their partner is annoying. Featuring Real-Life couple Jon Gutierrez and Jelai Andres (popularly known as Team Jolai ) , in “Love Me” we can see how Girlfriends can be moody at times and put up crazy jokes towards their partner, but the man still accepts her for who she is and loves her unconditionally. Like what it says on the lyrics of the song : “How can I be so blessed and have everything ..its cause the gift of you my love you make me happy” “Cause No One Can Love Me Like You Do, Treat Me Like You Do, Take Care of me...

Kasaysayan ng Pilipinas at Japan, natalakay nina Pangulong Duterte at Emperor Akihito

Gambar
Sa kauna-unahang pagkakataon ay personal nang nakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Japan Emperor Akihito at Empress Michiko. Kasama ng pangulo ang kaniyang common-law wife na si Honeylet Avanceña sa Imperial Palace sa Tokyo, Japan. Ayon sa Imperial Household Agency, tumagal ng 25 minuto ang pulong, at na nabanggit ni Akihito ang panahon ng World War II na nagdulot ng lamat sa relasyon ng Japan at Pilipinas bunsod ng mahigit tatlong taong pananakop ng mga Hapon sa bansa. Gayunman, sinabi ng pangulo na nakalipas na ang pangyayaring iyon, kasabay ng kaniyang pasasalamat sa mga tulong na patuloy na ibinibigay ng Japan pagkatapos ng digmaan. Sa kabila naman ng mga pagkabahala ng ilan sa pagharap ni Pangulong Duterte, nag-uumapaw naman ang ipinakitang pag-respeto ng presidente kay Emperor Akihito at tila kinakabahan pa ito nang humarap sa imperial couple. May mga nagpahayag kasi ng pag-aalala dahil sa mga nauna nang kontrobersyal na pahayag ng pangulo at pagharap sa ibang lide...

Kalye sa loob ng Loyola Memorial Park, nagmistulang parking lot

Gambar
Halos gawin nang parking lot ang mga kalye sa loob ng Loyola Memorial Park sa Marikina dahil sa dami ng mga sasakyang nakaparada. Mabuti na lamang at maluwag ang mga kalye kaya naman hindi nahihirapang makadaan ang mga sasakyang papasok pa lamang o papalabas na ng sementeryo. Maraming mga pamilya ang piniling magpalipas ng gabi sa tabi ng mga puntod ng kanilang mga yumaong kamag-anak, bagaman basa ang lupa dulot ng mga pag-uulan sa magdamag. Mayroong mga may dalang tent, habang ang iba ay nakasilong na lang sa mga tinayong tolda. Hindi naman problema ang pagkain sa loob ng Loyola Memorial Park dahil mayroong mga food stalls na nakatayo na pwedeng pagbilhan. Ayon sa mga Red Cross volunteers na naka-assign sa isa sa apat na mga Red Cross Stations sa naturang sementeryo, simula nang magsimula ang kanilang duty bandang alas otso y media ng gabi ay wala pang nadadala sa kanila na nangangailangan ng asiste. Source link The post Kalye sa loob ng Loyola Memorial Park, nagmistulang pa...

Pangulong Duterte, nakabalik na mula sa biyahe sa Japan

Gambar
Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kaniyang pagbisita sa Japan, Martes ng gabi. Bago mag-alas 10:00 ng gabi lumapag ang eroplanong sinakyan ng presidente sa Davao City. Kahit tila pagod sa kaniyang naging biyahe, nakapaglaan pa ang presidente ng panahon para maharap ang mga mamamahayag. Ibinida naman ni Pangulong Duterte na ang kaniyang pagbisita sa Japan ay maituturing na “most productive and engaging” sa kaniyang mga naging biyahe. Nakipagpulong kasi siya kay Prime Minister Shinzo Abe kung saan napag-usapan aniya nila ang lalo pang pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas at Japan. Bukod dito, kasama ng kaniyang common-law wife na si Honeylet Avaceña, personal niya ring nakaharap sina Emperor Akihito at Empress Michiko. Sa pagbisita ng pangulo sa Japan, nakapag-uwi siya ng bilyong dolyar na halaga ng mga investments, bukod pa sa pangako ng bansa na tulong sa pakikiisa sa laban ng Pilipinas kontra terorismo. Nakaharap din ng pangulo ang mga Pilipinong ...

14-year-old Russian Model Passes Away from Meningitis after Working for 13 Straight Hours

Gambar
–> She was used to working at least 3 hours a day. 14-year-old Vlada Dzyuba from Russia was working in China for a 3-month assignment as a model. She then collapsed after working 13 hours straight during a gig, and never woke up. Dzyuba apparently died from complications of acute cerebral meningitis, which was later linked to being overworked. She reportedly called her mother and complained of ‘utter exhaustion’ following a gruelling 13-hour Asian fashion show in Shanghai. On the Russian TV channel NTV, her mother, Oksana, said, “She called me, ‘Mom, I’m so tired, I want to sleep so badly.’ It must have been the beginning of the illness, and then her temperature climbed, she had a fever. I could not sleep, and I called her constantly, begging her to go to the hospital. “ She then collapsed, and sadly, she never regained consciousness, dying two days later. Apparently, the teen was in a ‘slave labor’ contract without medical insurance and had been too ‘scared’ to seek...

Mga sundalo na nagnakaw sa mga bahay sa Marawi City ihaharap sa court martial

Gambar
Isang team ng mga sundalo ang nahaharap sa kaso matapos mahuling nagnanakaw sa Marawi City. Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr, deputy commander ng Joint Task Force Ranao, ang mga ito ay kinabibilangan ng isang opisyal at limang mga enlisted personnel. Sinabi ni Brawner na ipinabalik din naman sa mga ito sa mga bahay na kanilang pinasok ang kanilang mga ninakaw. Kaaagad din namang pinaalis  sa Marawi City ang mga hindi tinukoy na sundalo na pawang mga tauhan ng Philippine Army. Iniimbestigahan anya ang mga ito at maaring maharap sa court martial ang mga ito. Sa ngayon nanatili namang restricted to barracks ang nasabing mga sundalo. Nangyari anya ang insidente noong una o ikalawang linggo ng naganap na bakbakan sa Marawi City. Tiniyak rin ng liderato ng militar na walang magaganap na whitewash sa kanilang gagawing imbestigasyon sa mga ito. Source link The post Mga sundalo na nagnakaw sa mga bahay sa Marawi City ihaharap sa court martial appeared first on News Portal Philippi...

Foster Dad Takes Care of Terminally Ill Children for 20 Years after Almost Dying from Cancer

Gambar
–> Meet Mohamed Bzeek, a cancer survivor who has fostered 80 children over the course of 20 years. What most people don’t know is that many children are left in hospitals after being diagnosed with terminal diseases. Some of these children are the product of a dysfunctional family and are basically left alone in fighting for their lives. Mohamed Bzeek, a quiet, devout Libyan-born Muslim, experienced how it was to be all alone to face death. Suffering from colon cancer, Bzeek needed to undergo life-threatening surgery the day before his birthday when he was 62 years old. He knew that the surgery posed a great risk to his life, but it was necessary. But Bzeek wasn’t scared of dying itself. He was scared that he might die anytime, without anybody beside him. Apparently, his wife had already passed away, and his son was handicapped. He felt scared because he was alone. After surviving the ordeal, Mohamed Bzeek wanted to be a friend, a dad, and a companion to many terminal...

Duterte, nakabalik na sa Phl matapos ang 2-day working visit sa Japan

Gambar
Agad nagsagawa ng press conference si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City ngayong gabi matapos ang two-day working visit sa Japan. Sa kanyang arrival speech, isinalarawan ni Duterte ang kanyang pagbisita sa Tokyo na “most productive and engaging.” Sinabi ni Duterte na napagkasunduan din ng Pilipinas at Japan na palakasin pa ang defense cooperation para labanan ang terorismo, violent extremism at transnational crimes. “I met my good friend, Prime Minister Shinzo Abe, and discussed with him concrete time-bound and specific ways to further intensify bilateral cooperation. We will strive to make our waters free and open to our peoples so that we can enjoy its natural maritime resources,” wika ni Duterte. Maalalang noong Hunyo pa sana bibisita si Duterte sa Japan sa ikalawang pagkakataon pero dahil sa digmaan sa Marawi City na pinangunahan ng ISIS inspired Maute group ay ipinagpaliban ng pangulo ang kanyang biyahe. Source link The post Duterte, nakabalik na sa Phl matapos ang 2-d...

Mga pinaghati-hating katawan ng mga tao nadiskubre sa isang bahay sa Japan

Gambar
Siyam na mga pugot na ulo ang natuklasan ng mga otoridad sa isang apartment unit sa Zama District, Tokyo sa Japan. Naaresto na rin ng mga pulis ang may-ari ng unit na si Takahiro Shiraishi na isang 27-anyos na binata. Sa ulat ng Jiji Press, unang natuklasan ng mga pulis ang dalawang pugot na ulo na nakalagay sa isang cooler sa may sala ng nasabing bahay. Nang kanilang halughugin ang buong unit ni Shiraishi ay nadiskubre pa nila ang ilang mga ulo ng tao. Sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ay natuklasan naman ang ilang bahagi ng katawan ng mga biktima. Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad ay kanilang sinabi na walo sa mga biktima ang babae at isa naman ang lalaki. Bagaman inamin ni Shiraishi ang pagpatay sa mga biktima ay hindi naman niya ang motibo o dahilan sa likod ng krimen. Bago ang pagkakadiskubre sa mga labi ay nagreklamo ang mga kapitbahay ng suspek dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa kanyang apartment unit. Noong una ay inakala lamang nila na nagmumula ang ma...

Muntinlupa, nagsagawa ng Oplan Kaluluwa ngayong bisperas ng Undas

Gambar
Nagsagawa ng Oplan Kaluluwa ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ngayong araw at magpapatuloy hanggang bukas araw ng Undas. Pinangunahan ni Mayor Jaime Fresnedi, kasama ang Muntinlupa PNP at iba pang force multiplier ang pagbabantay sa mga sementeryo dito sa lungsod. Ayon kay Tess Navarro, tagapagsalita ni Mayor Fresnedi, mayroong anim na sementeryo na pinababantayan at minomonitor ng lokal ng pamahalaan para matiyak na walang anumang ‘untoward incident’ na mangyayari. Ayon kay Navarro, taun-taon ay nagbabantay sila sa mga sementeryo sa Muntinlupa. Pinakamalaki dito ang public cemetery sa Putatan, Muntinlupa at ang pribadong sementeryo na Everest Memorial Park sa may bahagi ng Susana Heights. Source link The post Muntinlupa, nagsagawa ng Oplan Kaluluwa ngayong bisperas ng Undas appeared first on News Portal Philippines .

Financier ng Abu Sayyaf na sangkot sa Sipadan kidnapping huli sa QC

Gambar
Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) ang isang financier ng Abu Sayyaf Group na nasa likod rin ng kidnapping sa Sipadan, Malaysia noong taong 2000. Kinilala ni CIDG-NCR Director SSupt. Wilson Asueta ang suspek na si Abulpatta Escalon Abubakar. Si Abubakar ay naaresto noong October 26 sa Quezon City sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa mga kaso ng serious illegal detection at kidnapping. Dati na rin siyang naaresto ng mga otoridad nang siya’y bumalik sa bansa mula sa Jedda, Saudi Arabia subalit pinalaya rin siya ng hukuman dahil sa teknikalidad. Kasama si Abubakar sa mga miyembro ng ASG na dumukot sa may 21 mga turista noong April 23, 2000. Si Abubakar ay kabilang din sa talaan ng mga U.S Embassy na kabilang sa mga kasapi ng teroristang grupo sa bansa. Source link The post Financier ng Abu Sayyaf na sangkot sa Sipadan kidnapping huli sa QC appeared first on News Portal Philippines .

President Trump tinawag na little narco si Sen. Trillanes

Gambar
Sa isang published article ng Philstar, tinawag umano ni US President Donald Trump si Senator Antonio Trillanes IV na “The little Narco met with Sen. Marco.” Ayon sa report, galing raw si Trump sa Texas at pauwi na siya ng tanungin ng reporter patungkol sa naging pag-uusap ni Sen. Trillanes at US Senator Marco Rubio. Kamakailan ay nagkita at nagkaroon umano ng meeting si Trillanes at Rubio patungkol sa korapsyon at human rights issues sa Pilipinas. Tinanong umano ng reporter si Trump kung totoo ang balitang kinumbinsi siya ni Trillanes na huwag tumuloy sa kanyang pagbisita sa Pilipinas sa darating na East Asian Summit na gaganapin ngayon Nobyembre 14. “Senator who? Like I said senator who? The lil’ narco who met Marco? How’d he get a visa? isn’t he wanted, doesn’t he have an arrest warrant or something?” sagot ni Trump sa reporter. “I’m going to Manila to meet the main guy. A leaders’ leader, man’s man Rody, we talk from time to time, he’s the head of ASEAN right no...

Mga pet lovers, patuloy ang pabisita sa kanilang mga alagang hayop na nakalibing sa PAWS Animal Rehabilitation Center

Gambar
Kung nagsisimula ng dumagsa ang publiko sa sementeryo para alalahanin ang mga pumanaw nilang mahal sa buhay. Sa PAWS Animal Rehabilitation Center o PARC ay nagsisimula naman magdating ang mga mga petlovers para bisitahin ang pumanaw nilang mga alagang hayop. Sina Ele Mendoza at Ethell Padernal nanggaling pa ng Sta. Mesa, Manila at sumadya sa PARC para tirikan ng kandila ang alaga nilang mga aso na nakalibing sa lugar. Nagdala naman ng bulaklak ang pamilya ni Marites Maestro para sa namatay nilang alagang aso. Hindi naman mapigilan na mapaluha ni Evangeline Banaria ng dalawin niya ang kanyang alagang aso na dalawang taon ng namamatay matapos na maaksidente. Sa kabila na ilang taon ng nakakalipas, nanatili pa rin umano ang lungkot sa kanilang pamilya matapos mamatay ang kanilang alagang aso. Ang ganitong damdamin ay naiintindihan ng PAWS, kung kaya nagtayo sila ng memorial wall para dun alalahanin ng mga pet lovers ang mga yumao nilang alaga. Sa memorial wall aabot sa mahigit na ...