Signal No. 1, nakataas sa 4 lugar dahil sa bagyong Ramil
Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayan ng Pagasa na low pressure area (LPA) na nasa loob ng teritoryo ng bansa.
Ayon kay Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong, pinangalanan ang Tropical Storm na Ramil.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 115 km kanluran ng Roxas City at nasa labas na ito ng Panay Island.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kph at pagbugsong 70 kph.
Nakataas na sa ngayon ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Northern Palawan, Calamian Group of Island, Aklan at Antique.
Makararanas ang naturang mga lugar ng pag-ulan at pagbuso ng hangin na aabot sa 30 hanggang sa 60 kph.
Kung hindi magbabago ang bilis ng bagyo na 20 kph ay posibleng lumabas ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Biyernes ng madaling araw.
Dahil sa bagyo, makararanas din ng pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon, Mindoro, Romblon at nalalabing bahagi ng Palawan.
Ang Visayas at Mindanao partikular sa Northern Mindanao, Zamboanga Peninzula at Caraga Region ay makararanas din ng pag-ulan.
The post Signal No. 1, nakataas sa 4 lugar dahil sa bagyong Ramil appeared first on News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar