Kasaysayan ng Pilipinas at Japan, natalakay nina Pangulong Duterte at Emperor Akihito
Sa kauna-unahang pagkakataon ay personal nang nakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Japan Emperor Akihito at Empress Michiko.
Kasama ng pangulo ang kaniyang common-law wife na si Honeylet AvanceƱa sa Imperial Palace sa Tokyo, Japan.
Ayon sa Imperial Household Agency, tumagal ng 25 minuto ang pulong, at na nabanggit ni Akihito ang panahon ng World War II na nagdulot ng lamat sa relasyon ng Japan at Pilipinas bunsod ng mahigit tatlong taong pananakop ng mga Hapon sa bansa.
Gayunman, sinabi ng pangulo na nakalipas na ang pangyayaring iyon, kasabay ng kaniyang pasasalamat sa mga tulong na patuloy na ibinibigay ng Japan pagkatapos ng digmaan.
Sa kabila naman ng mga pagkabahala ng ilan sa pagharap ni Pangulong Duterte, nag-uumapaw naman ang ipinakitang pag-respeto ng presidente kay Emperor Akihito at tila kinakabahan pa ito nang humarap sa imperial couple.
May mga nagpahayag kasi ng pag-aalala dahil sa mga nauna nang kontrobersyal na pahayag ng pangulo at pagharap sa ibang lider ng bansa katulad na lamang ng pag-nguya niya ng chewing gum habang kaharap si Chinese President Xi Jinping na itinuturing na labis na kawalan ng respeto sa Japan.
Noong nakaraang taon pa sana nakatakda ang pagkikita nina Duterte at ng imperial couple ngunit naudlot ito dahil sa pagpanaw ng isang miyembro ng pamilya ni Emperor Akihito.
The post Kasaysayan ng Pilipinas at Japan, natalakay nina Pangulong Duterte at Emperor Akihito appeared first on News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar