Mga lugar na nasa signal # 1, dumami pa – Pagasa
Tatagal pa ang malakas na buhos ng ulang dala ng tropical depression Ramil.
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, hanggang bukas ay aasahan pa rin ang masamang lagay ng panahon sa Luzon at ilang parte ng Visayas.
Nakataas ngayon ang tropical cyclone signal number one (1) sa Northern Palawan, kasama na ang Calamian Group of Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental indoro, Aklan at Antique.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 85 km sa timog timog kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 60 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
The post Mga lugar na nasa signal # 1, dumami pa – Pagasa appeared first on Bombo Radyo Philippines.
The post Mga lugar na nasa signal # 1, dumami pa – Pagasa appeared first on News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar