Kalye sa loob ng Loyola Memorial Park, nagmistulang parking lot

Halos gawin nang parking lot ang mga kalye sa loob ng Loyola Memorial Park sa Marikina dahil sa dami ng mga sasakyang nakaparada.

Mabuti na lamang at maluwag ang mga kalye kaya naman hindi nahihirapang makadaan ang mga sasakyang papasok pa lamang o papalabas na ng sementeryo.

Maraming mga pamilya ang piniling magpalipas ng gabi sa tabi ng mga puntod ng kanilang mga yumaong kamag-anak, bagaman basa ang lupa dulot ng mga pag-uulan sa magdamag.

Mayroong mga may dalang tent, habang ang iba ay nakasilong na lang sa mga tinayong tolda.

Hindi naman problema ang pagkain sa loob ng Loyola Memorial Park dahil mayroong mga food stalls na nakatayo na pwedeng pagbilhan.

Ayon sa mga Red Cross volunteers na naka-assign sa isa sa apat na mga Red Cross Stations sa naturang sementeryo, simula nang magsimula ang kanilang duty bandang alas otso y media ng gabi ay wala pang nadadala sa kanila na nangangailangan ng asiste.

Source link

The post Kalye sa loob ng Loyola Memorial Park, nagmistulang parking lot appeared first on News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers