Imbestigasyon sa kaniyang anak at magulang, ipapaubaya na ni Duterte sa independent agencies

Batid ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magiging kapani-paniwala kung siya ang mag-iimbestiga sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kaniyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at manugang niyang si Atty. Manases Carpio.

Dahil dito, sinabi ng pangulo na ipapaubaya na niya sa kamay ng mga independent agencies ang imbestigasyon laban kina Paolo at Carpio.

“Who would believe if I investigate my son and my son-in-law? Ikaw? Can you investigate your mother and father? I leave it to the independent agencies,” ani Duterte.

Ipinahayag ito ni Duterte matapos ang panawagan sa kaniya ni Sen. Leila de Lima na tugisin ang mga totoong druglords na nakatira mismo sa loob ng tahanan ng pangulo.

Matatandaang may mga alegasyong ibinabato laban sa bise alkalde at sa kaniyang bayaw na may kaugnayan sa umano’y smuggling ng iligal na droga at katiwalian.

Idinawit sina Paolo at Carpio sa kaso tungkol sa naipuslit na P6.4 bilyong halaga ng shabu na hindi naharang ng Bureau of Customs, at naakusahang bahagi ng Davao Group na sangkot sa smuggling.

Source link

The post Imbestigasyon sa kaniyang anak at magulang, ipapaubaya na ni Duterte sa independent agencies appeared first on News Portal Philippines.

Komentar

Postingan populer dari blog ini

Unbelievable Transformation of a Cute Young Boy into a Stunning Lady Wows Netizens

PlayGirls bashed Angel Locsin for misjudgment on PGT

Brave Cancer Survivor Shares Her Story on Social Media to Encourage Other Sufferers