Postingan

Menampilkan postingan dari September, 2018

PNP: Walang krimen na naitala sa pananalasa ng Bagyong Ompong

Inahalintulad ang Bagyong Ompong sa laban sa ring ni Filipino boxing icon Senator Manny Pacquiao. Sa briefing ng National Disaster Risk Reduction Council (NDRRMC), sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana Jr., walang naitalang malaking krimen sa nakalipas na 24 oras kasabay ng pananalasan ng bagyo. Ayon kay Durana, ito ay dahil siguro inayos muna ng mga masasamang loob ang kanilang bahay. Pabiro pa nitong sinabi na parang Pacquiao match ang Bagyong Ompong. Pero hindi anya dapat magpakampante ang mga pulis dahil hindi malinaw ang pag-iisip ng mga gumagawa ng krimen. Nag-deploy ang PNP ng 6,887 na mga pulis lalo na sa evacuation centers para matiyak ang payapa at maayos na paglikas ng mga biktima ng bagyo. Samantala, pinasalamatan naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga magnanakaw, mamatay tao dahil hindi sila gumawa ng krimen at hindi nagdagdag ng pasakit sa bansa sa gitna ng masamang panahon. Sana anya ay ituloy ng mga ito na...

Hong Kong, Macau at Guangzhou flights kanselado dahil kay Bagyong Ompong

Nag-anunsyo na ang ilang airline companies ng kanselasyon ng kanilang flights patungong China bunsod ng hagupit ng Bagyong Ompong. Sinabi ng PAGASA sa kanilang 11pm press briefing na patungo ng Southern China ang Bagyong Ompong na ngayon ay tinatawag na ult na Typhoon Mangkhut. Sa abiso ng Manila International Airport Authority, 11 domestic flights at 44 international flights na pawang patungong Hong Kong, Macau at Guangzhou ang kanselado ngayong araw, Sept 16. Kanselado ang mga sumusunod na flights. NAIA TERMINAL 1 AIR CHINA (CA) CA 180 MANILA-BEIJING HONG KONG AIRLINES (HK) HK 782 MANILA-HONGKONG NAIA TERMINAL 2 PHILIPPINE AIRLINES (PR) PR 313 HONGKONG-MANILA PR 300/301 MANILA-HONGKONG-MANILA PR 318/319 MANILA-HONGKONG-MANILA PR 306/307 MANILA-HONGKONG-MANILA PR 310/311 MANILA-HONGKONG-MANILA PR 312 MANILA-HONGKONG PR 382/383 MANILA-GUANGZHOU-MANILA PR 352/353 MANILA-HONGKONG-MANILA NAIA TERMINAL 3 CEBU PACIFIC AIR (5J) 5J 272/273 MANILA-HONGKONG-MANILA 5J 110/...

Pangulong Duterte, bibisita sa mga sinalanta ng Bagyong Ompong

Pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ompong. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang impormasyon ay ipinaalam sa kanya ni Special Assistant to the Presidente Bong Go. Sinabi anya ni Go na oras na may go signal na mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay lilipad ang Pangulo sa mga lugar na matinding hinagupit ng bagyo. Una rito ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nanatili sa Maynila si Pangulong Duterte at minonitor ang sitwasyon. Tiniyak din ni Roque na kapag may clearance na sa CAAP ay personal na aalamin ng Pangulo ang kundisyon ng mga biktima ng Bagyong Ompong. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Pangulong Duterte, bibisita...

Ilang lugar sa Metro Manila hindi kaagad maibabalik ang suplay ng kuryente

Mahigit sa 430,000 mga Meralco customers ang apektado ng biglaang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan. Sa panayam ng Radyo Inquirer, ipinaliwanag ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga na maraming linya ng kuryente ang apektado ng malakas na hangin dulot ng bagyong Ompong. May ilang mga punong kahoy ang sumabit sa mga kawad ng kuryente na siyang naging dahilan ng power outage. Hindi rin masabi ni Zaldarriaga kung kailan maibabalik ang normal na suplay ng kuryente dahil nananatiling malakas ang ihip ng hangin sa ilang mga lugar. Pahirapan rin ang repair sa mga sirang linya dahil sa lubog sa tubig baha ang ilan sa mga lugar ng kanilang mga customers. Umapela rin sa publiko si Zaldarriaga na huwag pakialaman ang mga linya ng kuryente dahil ito ay mapanganib. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude com...

Pagasa nagbabala ng baha sa Pangasinan dahil sa San Roque Dam

Nanganganib na lumubog sa tubig-baha ang malaking bahagi ng lalawigan ng Pangasinan makaraang magpakawala ng tubig ang San Roque Dam. Sinabi ni Pagasa Hydrologist Richard Orendain na pasado alas-singko ng hapon kanina ay nagsimula nang magpakawala ng tubig ang nasabing dam na may elevation na 274 meters. Kailangan umanong magpakawala ng tubig para maiwasan na masira ang nasabing dam. Walong oras makaraang magbukas ng spilling gates ay inaasahang aabot sa ilang mga bahay ang tubig mula sa nasabing dam na magreresulta sa baha. Ito ay mangyayari kapag umapaw ang Agno river na siyang pangunahing dinadaanan ng tubig mula sa nasabing dam na isa sa pinaka-malaki sa bansa. Sinabi ni Orendain na posibleng bahain ang mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Sta. maria, Asingan, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang. Noong October ng taong 2009 ay umabot sa 63 ang casualty at P7.4 Billion ang halaga ng mga pananim at ari-arian na nasira makaraang bahain ang nasabing mga lugar dahil...

Zero casualty sa Bagyong Ompong naitala sa Region 2

Walang naitalang casualty ang mga otoridad sa buong Region 2 o Cagayan Valley kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Ompong. Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na ito ay dahil sa mahigpit na pagsunod ng mga residente sa lugar sa mga pag-iingat na naunang nang ibinahagi ng pamahalaan. Bagaman sa lalawigan ng Cagayan makikita ang pinakamalaking pinsala ng bagyo ay masaya na rin ang opisyal dahil walang namatay dito sa pagdaan ng bagyo. Sinabi rin ni Lorenzana na ang bayan ng Baggao ang pinaka-grabeng nasalanta dahil dito unang tumama ang malakas na hangin at ulan na dala ng Bagyong Ompong. Hindi bababa sa 1,000 kabahayan ang winasak ng bagyo maliban pa sa mga linya ng kuryente at komunikasyon ayon pa sa opisyal. Nangako naman si Lorenzana na siya ring pinuno ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mabilis na ipadadala ang tulong sa mga sinalantang lugar. Sa ngayon ay naghihintay pa ang NDRRMC ng mag ulat mula sa mga lalawigan ng Isabela at Batanes na ...

7 lalawigan mananatiling madilim sa magdamag dahil kay Ompong

Hindi pa matiyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung kailan maibabalik sa normal ang suplay ng kuryente sa pitong lalawigan na dumaranas ngayon ng total power outage. Ito ay resulta pa rin ng pananalasa ng Bagyong Ompong sa malaking bahagi ng Luzon. Kabilang sa mga lalawigan na walang suplay ng kuryente ay ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, Kalinga Apayao, Abra, Mountain Province at Nueva Vizcaya. Sinabi ng NGCP sa kanilang advisory na apektado ng malakas na hangin at buhos ngulan ang kanilang mga transmission line sa malaking bahagi ng Luzon. Kabilang naman sa mga lalawigan na may bahagyang suplay ng kuryente ay ang mga lalawigan ng Pangasinan, Benguet, Zambales at La Union. Aminado si NGCP Operations and Maintenance Head Gil Listano na hindi kaagad maibabalik ang suplay ng kuryente dahil sa malakas pa rin ang hangin sa nasabing mga lugar. Kailangan rin nilang tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan na magsasagawa ng inspeksyon sa mga apektadon...

Mga miyembro ng gabinete mananatili sa mga lugar na sinalanta ni Ompong

Mananatili sa kani-kanilang areas of assignment ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte para matiyak na maibibigay kaagad ang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ompong. Ito ay bilang pagtalima sa naunang kautusan ng pangulo na magsisilbing direktang link sa mga mabibiktima ng kalamidad ang kanyang mga tauhan. Ang pangulo ay nagmomonitor sa mga kaganapan kaugnay sa bagyong Ompong mula sa Davao City. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magkakaroon rin ng post-operational report ang mga miyembro ng gabinete na nasa mga lalawigan ngayon. Si Transportation Sec. Arthur Tugade ay kasalukuyang nag-iikot sa Cagayan Valley para magsagawa ng assessment sa pinsala ng bagyo. Sa briefing kanina sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ni Labor Sec. Sylvestre Bello III na maraming mga pananim na palay at mais ang winasak ng bagyo sa Isabela province. Si Public Works Sec. Mark Villar naman ay nag-ulat ng sitwasyon sa ...

NDRRMC nakapagatala na ng 3 casualty sa bagyong Ompong

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakapagtala na sila ng tatlong casualties kaugnay sa pananalasa ng bagyong Ompong. Kabilang dito ang dalawang miyembro ng rescue team ng pamahalaan. Maliban doon ay wala nang inilabas na detalye ang NDRRMC habang bineberipika pa ang ilang mga impormasyon na dumarating sa kanilang tanggapan sa Camp Aguinaldo. Nakarating na rin sa ahensya ang ulat na mayroong mga landslides na naitala sa Benguet at Baguio City at pilit nilang inaalam kung may mga nasaktan o namatay sa nasabing insidente. Sa panayam ng Radyo Inquirer ay kinumpirma ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang nasabing ulat kaugnay sa landslides pero pahirapan umano ang pagpunta sa lugar at pagkuha ng kaukulang mga impormasyon dahil sa mahinang signal ng mga cellphones. Kinumpirma naman ni Itogon Benguet Mayor Victor Palangdan na isang pamilya na may tatlong miyembro ang natabunan ng guho. Nakaligtas ang ama ng tahanan sa nasabing pamilya ...

Bagyong Ompong humina na habang papalabas ng bansa

Humina at papalabas na ng Northern Luzon ang Bagyong Ompong. Sa 12 noon weather bulletin ng Pagasa huling namataan ang bagyo 30 kilometro sa karagatan ng Laoag, Ilocos Norte. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 170-kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 260-kilometers per hour. Kumikilos ito ng pa-kanluran sa bilis na 25 kph. Inalis na rin ng Pagasa ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 4 sa ilang lugar. Gayunman, nasa ilalim pa rin ng Tropical Cyclone Warning Signal Number 3 ang sumusunod na lugar : Cagayan, Babuyan Group Of Islands, Batanes, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao at Abra. Samantala, nasa Tropical Cyclone Warning Signal Number 2 mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Quirino, Pampanga at Bulacan Nakataas naman ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 sa lalawigan ng Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Lagu...

Presyo ng gasolina at diesel tataas na naman sa susunod na linggo

Muling magtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo. Ayon sa ilang sources sa loob ng oil industry, aabot sa P0.60 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina. Aabot naman sa P0.20 ang dagdag presyo sa bawat litro ng diesel at ganoon rin sa presyo ng kerosene o gaas. Ito na ang ika-anim na sunod na linggo na nagpatupad ng oil price hike ang mga oil companies. Ang panibagong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunga pa rin ng mahal na halaga ng fuel products sa world market at patuloy na paghina ng halaga ng piso laban sa dolyar. Epektibo ang dagdag-singil alas-sais ng umaga sa araw ng Martes. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Presyo ng gasolina at diesel tataas na naman sa susunod na linggo appear...

Mga kanseladong flights nadagdagan pa dahil sa Bagyong Ompong

Kanselado ang maraming biyahe ng eroplano mula ngayong araw, September 15 hanggang sa Lunes September 17. Sa impormasyon mula sa Ninoy Aquino International Airport walang biyahe ang Philippine Airlines mula Manila patungo ng Hongkong, Seoul, Macau, Osaka at Xiamen. Kanselado ang ilang mga domestic flights ng PAL na mula Maynila patungo ng Tagbilaran, Laoag City, Basco, Cagayan, Davao City, Siargao, Buswangga at Puerto Princesa City. Kanselado din ang mga biyahe ng Cebu Pacific na patungo ng Tuguegarao, Cauayan, Cebu, Iloilo, Bacolod City, Butuan, Davao, General Santos at Puerto Princesa City. Marami na ring kanseladong biyahe ng Air Asia Philippines dahil sa bagyo. Sa abiso ng Air Asia kinansela ang ilan nilang domestic at international flights. Kanselado din ang biyahe ng Air China na mula Maynila patungo ng Beijing at ang China Southern Airlines na biyaheng Manila to Guangzhou at pabalik ng Maynila. September 15, Saturday Philippine Airlines PR 2935 Hong Kong – Manila • PR ...

Halos P2M shabu nasabat sa buy bust operation ng mga pulis sa Cavite

Arestado ang anim katao matapos magkasa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Molino 3, Bacoor, Cavite. Nakilala ang mga naarestong drug suspek na sina Luzviminda Barrameda, Olive Barrameda, Ma. Madiline Gemino, Gerardo Quinton, Ariston Menez, at Romeo Menez. Nabatid na sina Menez at Quinton ay pawang mga empleyado ng Bacoor City Environment and Natural Resources Office. Ayon kay Cavite Police chief, Senior Superintendent William Segun, nabilhan ng P10,000 halaga ng shabu ang mga suspek. Samantala, inaresto rin ng pulisya ang mga empleyado ng city hall matapos umanong patakasin ang isa pang target ng operasyon na si Oliver Barrameda. Sa kabuuan, pitong supot at isang container ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa mga suspek. Tinatayang nagkakahalaga ito ng P1.9 milyon. Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or re...

Mga bus na biyaheng Visayas kinansela dahil sa sama ng panahon

Kinansela na ang biyahe ng mga provincial bus papuntang Visayas at MIMAROPA sa ilang terminal sa Pasay City dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Ompong. 36 na biyahe papuntang Mindoro ang kinansela sa Partas bus terminal. Nasa 10 biyahe mg Pantranco bus pa-Iloilo at iba pang bahagi ng Visayas ang kanselado na rin. Sa DLTB naman, 26 na biyahe pa-Visayas ang nakansela mula Huwebes. Paliwanag ng terminal manager ng DLTB na si Chimes dela Rosa, hindi nila pinababiyahe ang kanilang mga bus dahil hindi rin naman pinapayagang bumyahe mula Matnog Port ang mga barkong magdadala sa mga bus dahil sa laki ng mga along nararanasan sa lugar. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Mga bus na biyaheng Visayas kinansela dahil sa sama ng panahon appeared first on - N...

Kris Aquino Political Plans, Open To Run For Position

Gambar
Kris Aquino political plans earn various comments. KRIS AQUINO POLITICAL PLANS – The prominent female celebrity Kris Aquino opened up about her political plans and not closing doors to it if it is her destiny. “Crazy Rich Asians” star Kris Aquino , as much as everyone is probably aware, has come from a clan of famous politicians. But she made her own mark not as a public servant but as one of the well-loved and most-recognized personalities in the field of entertainment. She is being pushed by some of her followers to run for a position this coming election but she just can’t because of the contacts she signed for her endorsements. However, her answer seemingly changed. What is her view now over pursuing a political career? Photo grabbed on IG (@krisaquino) Photo grabbed on IG (@krisaquino) Photo grabbed on IG (@krisaquino) One of the recent posts of the actress has earned a comment regarding her pursuing a political career which she responded as she thinks tha...

101 flights kanselado mula Biyernes hanggang Linggo dahil sa Bagyong Ompong

Tatlumput dalawang flights kagabi ang nakansela dahil sa sama ng panahong dulot ng bagyong Ompong. Batay ito sa flight advisory number 9 ng Manila International Airport Authority – Media Affairs Office. 12 sa mga flights ang international, habang 20 naman ang domestic. Kabilang dito ang mga flights ng Xiamen Airlines, Air China, China Southern, Jeju Air, Philippine Airlines, Cebu Pacific, CebGo, Dutch Royal Airlines, Airswift, at Skyjet. Samantala, para sa araw na ito ng Sabado, 57 flights ang kanselado. 9 dito ang international flights, at 48 ang domestic. Para naman bukas, araw ng Linggo, 10 international at dalawa ang domestic. Sa kabuuan, 101 flights ang kanselado dahil sa sama ng panahon. Ayon sa MIAA, makipagcoordinate ang mga apektadong pasahero sa kanilang mga airline companies para sa rebooking o refund ng kanilang scheduled flight. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailyn...

Suplay ng kuryente at komunikasyon pahirapan sa Northern Luzon

Bagsak ang serbisyo ng kuryente sa halos ay 80-percent sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ito ay makaraang bayuhin ng malakas na ihip ng hangin at ulan ang buong lalawigan simula kaninang madaling-araw. Naputol rin ang supply ng kuryente at komunikasyon sa lalawigan ng Cagayan, Ilocos Sur at Ilocos Norte ayon sa mga ulat na natatanggap ng NDRRMC. Samantala, sinabi naman ng Pagasa sa kanilang advisory na kahit makapalas na bukas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang mata ng bagyong Ompong ay makararamdam pa rin ng malakas na ihip ng hangin at ulan ang malaking bahagi ng Luzon. Sinabi naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na hindi kaagad maibabalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na kasalukuyang binabayo ng bagyong Ompong. Gayunman ay nakakalat na ang kanilang mga tauhan sa ilang mga lugar para sa mabilis na pagbibigay ng serbisyo kung kinakailangan. Nakikipag-ugnayan na r...

National Museum, sarado ngayong araw

Inanunsyo ng National Museum of the Philippines na sarado ang kanilang mga museo sa National Museum Complex sa Rizal Park, Maynila. Sa pahayag ng National Museum, sinabi nitong ito ay dahil sa banta ng pagbaha sa Metro Manila. Bunsod ito ng itinaas na orange alert ng PAGASA sa Metro Manila kaninang alas-6:00 ng umaga. Magbubukas naman muli ang kanilang mga museo bukas, araw ng Linggo sa regular museum hours. Samantala, sarado rin ang National Commission for Culture and the Arts Gallery sa Intramuros at Metroplitan Museum of Manila. Ito ay dahil din sa masungit na panahong dala ng Bagyong Ompong. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post National Museum, sarado ngayong araw appeared first on - News Portal Philippines .

3 dams, nagpakawala na ng tubig dahil sa Bagyong Ompong

Tatlong dams na ang binuksan dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong. Sa panayam ng Radyo INQUIRER sinabi ni PAGASA Hydrologist Elmer Karingal na nakabukas ang Ambuklao at Binga Dams sa Benguet at Magat Dam sa Isabela. Paliwanag ni Karingal, nakabukas ang limang gates ng Ambuklao Dam na may 2.5 meters na tubig at napupunta ito sa Binga Dam. Ang Binga Dam naman ay may anim na gates na nakabukas na may 3.5 meters na tubig na napupunta naman sa San Roque Dam. Serye ito ng pasahan ng tubig ng Dams ngunit hindi pa nagbubukas ng gates ang San Roque Dam dahil mayroon pa itong 5.26 meters para maabot ang normal spilling level na 280 meters. Ayon kay Karingal pinalikas na ang mga residente sa dalawang baranggay sa downstream ng Ambuklao Dam. Samantala, bukas naman ang dalawang gates ng Magat Dam sa Isabela na nagpakawala na ng 4.0 meters ng tubig. Ang tinatapong tubig ng Magat Dam ay napupunta sa Cagayan River. Ayon sa PAGASA, posibleng maapektuhan ang mga residente malapit sa downstream...

Bagyong Ompong bahagyang humina habang nasa bisinidad ng Baggao, Cagayan

Mula sa 205km kada oras malapit sa gitna ay bahagyang humina ang bagyong Ompong at taglay nito ang hanging aabot sa 200km bawat oras, at may pagbugso itong aabot sa 330km kada oras Sa 5AM press briefing ng PAGASA, nakasaad na huling namataan ang bagyo sa Baggao, Cagayan. Patuloy itong gumagalaw sa direksyong kanluran hilagangkanluran sa bilis na 35km bawat oras. Kasalukuyan pa ring nakataas ang tropical cyclone warning signal number 4 sa mga probinsya ng Ilocos Norte, Cagayan, northern Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, at Babuyan Group of Islands. Signal number 3 naman sa Batanes, southern Isabela, Ilocos Sur, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, at Northern Aurora. Tropical cyclone warning signal number 2 naman sa mga lalawigan ng Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, southern Aurora, Zambales, Pampanga, Bulacan, at Northern Quezon kabilang ang Polillo Island. Para naman sa Metro Manila, mga probinsya ng Bataan, Rizal, Caivte, Batangas, Laguna, nalalab...

6 patay sa sunog sa isang commercial establishment sa Quezon City

Isang mag-anak ang nasawi habang natutulog matapos tupukin ng sunog ang kanilang tinutuluyang tindahan sa Barangay Novaliches Proper, Quezon City. Sa anim na nasawi, lima dito ay mula sa pamilya Direpusun, habang ang isa namang nasawi ay hindi pa alam kung ano ang pagkakakilanlan. Kabilang sa mga nasawi sa pamilya ang mag-asawang Kamal at Norjannah Japar, at kanilang tatlong mga anak na sina Abdul Raman, 5 buwang gulang, Salma, 7 taong gulang, at Abdulrahem, 9 taong gulang. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Station 4 Police Superintendent Rossel Cejas, nabatid na kaya natutulog ang mag-anak sa nasabing tindahan ay dahil malaki ang kanilang pwesto at hindi nila ito maiwanan. Ayon kay Quezon City Bureau of Fire Protection Chief Arson Investigtor Rosendo Cabillan, sumiklab ang sunog mula sa harapang bahagi ng Ride N Shop at dahil sa lakas ng hangin ay mabilis na kumalat ang apoy. Alas-12:24 ng madaling araw nang magsimula ang sunog at agad itong itinaas sa ikatlong alarma ...

Bagyong Ompong, nag-landfall na sa Baggao, Cagayan

Tumama na sa kalupaan ang Bagyong Ompong. Ayon sa 2am press briefing ng PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa Baggao, Cagayan ala-1:40 ng madaling araw ng Sabado. Huli itong namataan sa layong 90 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan. Napanatili pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na itong aabot sa 285 kilometro kada oras. Bumilis ang pagkilos nito sa 35 kilometro kada oras at kumikilos sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran. Dahil dito, inaasahan na itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi. Sa ngayon nakataas ang signal no. 4 sa Ilocos Norte, Cagayan, northern Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, at Babuyan Group of Islands. Signal no. 3 sa Batanes, southern Isabela, Ilocos Sur, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, at northern Aurora. Signal no. 2 naman sa Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, southern Aurora, Zambales, Pampanga, Bulacan, at ...

Mga pangangailangan ng evacuees sa Northern Luzon, natutugunan ng gobyerno – Tolentino

Tiniyak ng gobyerno na natutugunan nito ang pangangailangan ng mga residenteng nasa evavucation centers dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong. Sa panayam ng Radyo INQUIRER kay Presidential Adviser on Political Affairs Atty. Francis Tolentino, sinabi nito na marami nang residente ang nasa 40,000 evacuation centers sa buong Northern Luzon. Sa pinakahuling bilang anya kagabi ay mayroon ng 8,000 evacuees sa Isabela. Dagdag ng opisyal, may pagkaing inihanda ang mga gobyerno para sa mga lumikas na residente na tatagal ng tatlong araw. Samantala, sinabi ni Tolentino na napakalakas ng hangin na nararanasan nila ngayon sa Tuguegarao. “Napakalakas po. Kanina po ay sinusubukan kong umidlip nang kaunti ngunit hindi makaidlip dahil maingay na rin ang mga yero dito sa kinaroroonan ko dito sa Regional Headquarters ng PNP Region 2 sa Tuguegarao.” Sinabi ng opisyal na magpapatuloy ang rescue operations ng gobyerno sakaling lumampas na ang mata ng bagyo sa mga lalawigan. Sa ngayon anya ay mapang...

8 buwang sanggol, patay matapos mahulog sa bahang dulot ng Bagyong Ompong

Nasawi ang isang 8 month old na sanggol matapos itong lumusot sa butas ng sahig ng kanilang bahay sa Albay at mahulog sa bahang dulot ng Bagyong Ompong. Kinilala ang patay na sanggol na si Crissa Joy Porteria na natutulog nang mahulog sa baha. Ayon sa mga magulang ng biktima, hindi nila napansin na nahulog ang bata at nakita na lang nila itong lumulutang. Samantala, mahigit 20 pamilya sa bayan ng Polangui ang inilikas dahil sa masamang panahon. Ang mga residente ay nananatili sa isang paaralan sa Bgy. Centro. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post 8 buwang sanggol, patay matapos mahulog sa bahang dulot ng Bagyong Ompong appeared first on - News Portal Philippines .

PNP, inaming nasa 1.2M drug users lang ang nakatapos sa rehab program ng gobyerno

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na 18% lang ng 1.2 million drug surrenderers ang matagumpay na nakatapos ng rehabilitation program ng gobyerno. Sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang drug dependent ay pwedeng boluntaryong sumuko para sa rehabilitasyon ng minimum na 6 buwan. Nasa ikalawang taon na ang war on drugs ng administrasyong Duterte at sa mga unang buwan ay lumobo ang bilang ng mga sumukong drug users. Pero ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana, halos 1 milyon pa ng drug surrenderers ang hindi pa sumailalim sa community-based drug rehab program. Ayon kay Durana, ang bilang ng patay sa anti-drug operations ng pulisya ay hindi magandang paraan para sukatin ang epekto ng kampanya kontra droga. Patuloy anyang pinagbubuti ang kampanya na nangangailangan ng pagbuo at implementasyon ng recovery and wellness programs para sa drug dependents. Hinimok ni Durana ang mga lokal na pamahalaan at civil society organizations na tulungan ang PN...

Buhawi nanalasa sa Marikina; 2 katao nakuryente

Nanalasa ang isang buhawi sa lungsod ng Marikina Biyernes ng gabi. Sa panayam ng Radyo INQUIRER kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro naganap ang buhawi sa ibabaw ng Marikina River bandang alas-6 ng gabi na tumagal ng nasa 10 hanggang 15 minuto. Naminsala anya ang buhawi sa heritage center ng lungsod kung nasaan ang kanilang cultural center, Our Lady of the Abandoned Paris, at ang shoe museum. Dalawang baranggay ang sinalanta ng buhawi at nasa 20 kabahayan ang sinira. Sinira din anya ng buhawi ang isang transmission line na nagdulot ng malawakang brownout sa lungsod. Isang puno rin ng acacia na nasa 100 taong-gulang na ang nabuwal at bumagsak sa mga linya ng kuryente. Ani Teodoro, patuloy ang restoration works ng Meralco sa kuryente sa Marikina. Bukod sa mga sira sa ari-arian ay dalawa katao ang nakuryente sa pagbagsak ng mga kable ng kuryente ayon sa alkalde. Ang isa anya ay nasa kritikal na kondisyon at ang isa ay maaari nang lumabas ng ospital. Dahil sa pananalanta ng buha...

Bagyong Ompong, patuloy na lumalapit sa Cagayan

Nagbago ang direksyong tinatahak ng Bagyong Ompong. Ayon sa 11pm press briefing ng PAGASA, mula sa direksyong pa-Kanluran ay kumikilos na ang bagyo pa Kanluran-Hilagang-Kanluran na nagbibigay ng mas malaking tyansang tatama nito sa Cagayan. Inaasahang tatama sa lalawigan ang bagyo sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng madaling araw. Sa ngayon, ang lokasyon ng bagyo ay sa layong 190 kilometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan. Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kilometro kada oras. Wala nang tyansang magtaas pa ng Signal no. 5 sa iba pang lalawigan. Sa ngayon nakataas ang Signal no. 4 sa Ilocos Norte, Cagayan, northern Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, at Babuyan Group of Islands. Signal no. 3 ang nakataas sa Batanes, southern Isabela, Ilocos Sur, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora. Signal no.2 naman sa Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, sout...

WATCH: Kabuhayan ng mga mangingisda sa Coastal Road apektado ng bagyong Ompong

Ang mga mangingisdang galing pa ng Cavite, limang araw nang nakikisilong sa Las PiƱas – ParaƱaque Wetland Park. The post WATCH: Kabuhayan ng mga mangingisda sa Coastal Road apektado ng bagyong Ompong appeared first on DZIQ Radyo Inquirer 990AM . Source link The post WATCH: Kabuhayan ng mga mangingisda sa Coastal Road apektado ng bagyong Ompong appeared first on - News Portal Philippines .

Signal No.4 nakataas sa 4 na lugar; TY Ompong posibleng mag-landfall sa Baggao, Cagayan

Nananatili ang lakas ng Typhoon Ompong at papalapit na sa Cagayan. Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa 260 kilometers East Northeast ng Casiguran, Aurora. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 255 kilometers bawat oras. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong northwest. Nakataas na ang public storm warning signals sa sumusunod na lugar: SIGNAL #4 • Cagayan • Northern Isabela • Apayao • Abra SIGNAL #3 • Batanes • Babuyan Grp. of Is. • Southern Isabela • Ilocos Norte • Ilocos Sur • La Union • Kalinga • Mt. Province • Benguet • Ifugao • Nueva Vizcaya • Quirino • Northern Aurora SIGNAL #2 • Pangasinan • Tarlac • Northern Quezon incl. Polilio Is. • Nueva Ecija • Southern Aurora • Zambales • Pampanga • Bulacan SIGNAL #1 • Bataan • Rizal • Metro Manila • Cavite • Batangas • Laguna • Rest of Quezon • Northern Occidental Mindoro incl. Lubang Is. • Northern Orienta...

WATCH: Tuguegarao City binabayo na ng malakas na hangin at ulan

Pasado alas 8:00 ng gabi nagsimulang maramdam ang malakas na hangin at buhos ng ulan sa Tuguegarao City. Sa lakas ng bayo ng hangin, saglit na nawalan ng suplay ng kuryente pero agad din namang bumalik. Halos wala na ring makitang mga tao na nasa labas ng mga bahay. Ang mga establisyimento naman sa lungsod kabilang ang malalaking mall ay maagang nagsara. Pero ang SM Tuguegarao nagpa-abisong pwedeng gamitin ang kanilang pasilidad bilang temporary shelter ng mga taong kailangan ng masisilungan. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post WATCH: Tuguegarao City binabayo na ng malakas na hangin at ulan appeared first on - News Portal Philippines .

Pag-aangkat ng 150,000MT na bigas iminungkahi ng DTI

Iminungkahi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-angkat ng 150,000 metriko toneladang bigas. Ayon sa DTI, isasagawa ang rice importation sa pamamagitan ng kanilang attached agency na Philippine International Trading Corporation (PITC). Ito ay para madagdagan ang kasalukuyang supply ng National Food Authority (NFA). Pero hindi pa ito inaaprubahan ng NFA Council, ang policy-making body ng ahensya. Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, kasama sa NFA Council, naka-standby ang PTIC para sa clearance ng pag-angkat ng bigas. Oras na maaprubahan, inaasahan ang pagdating ng 3 milyong bags ng bigas sa Disyembre. Ito ay ibebenta sa publiko sa halagang P27 hanggang P32 kada kilo. Wala namang nasabi ang DTI kung saang bansa aangkat ng dagdag na bigas. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our...

Mahigit 8,000 katao inilikas na sa Isabela bago ang pagtama ng bagyo

Umabot na sa 8,319 na mga residente ang inilikas sa Isabela na pawang naninirahan sa low-lying areas dahil sa bagyong Ompong. Karamihan sa mga inilikas ay mula sa apat na coastal towns kabilang ang Maconacon (440 families / 1,498 katao), Divilacan (232 families / 1,146katao), Palanan (382 families / 1,469 katap) at Dinapigue (204 families / 679 katao). Ang Maconacon, Divilacan at Palanan ay naaabot lamang sa pamamagitan ng bangka o eroplano. Sa pagtaya ng PAGASA ay tatama ang bagyo sa Isabela-Cagayan area, Sabado ng madaling araw. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Mahigit 8,000 katao inilikas na sa Isabela bago ang pagtama ng bagyo appeared first on - News Portal Philippines .

Sen. Trillanes aalis lang ng Senado kapag naayos na ang amnesty issue

Sa kabila ng pag gagarantiya ng security officials, tulad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, wala pang balak si Senator Antonio Trillanes IV na umalis sa Senate building hangga’t hindi naayos ang issue ng pagpapawalang bisa sa amnestiyang iginawad sakanya. Sa isang press conference ngayong Biyernes, sinabi ni Trillanes na ito ang ipinayo sa kaniya ng kanyang mga abogado. Ani Trillanes, kung lumabas siya ng Senado sa gitna ng isyu sa amnesty ay hahanapin at aarestuhin umano siya na maaring ipag-utos ni Pangulong Duterte. Kapag nangyari umano ito ay wala nang silbi ang assurance na ibinigay ni Lorenzana sa kanya dahil tiyak na ang utos ng pangulo ang masusunod. Nauna nang sinabi ni Lorenzana na walang utos na arestuhin o sundan si Trillanes, matapos sabihin ng Senador na mayroong mga lalaking nakabihis sibilyang sakay ng motorsiklo ang sumunod sa kanyang sasakyan nang lumabas ito sa Senado. Hinamon ni Trillanes, na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte, sa Korte Suprema ang Pro...

Dam sa Zamboanga City umabot na sa critical level

Umabot na sa critical level ang Pasonanca diversionary dam sa Zamboanga City. Sa abiso ng Zamboanga City Water District (ZCWD) nasa 76.60 meters na ang antas ng tubig sa dam na maituturing nang critical dahil ang normal level nito ay 74.20 meters lamang. Dahil dito ipinag-utos n ani Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa mga residente na naninirahan sa mabababang lugar na lumikas na sa mas ligtas at mataas na lugar. May response teams na rin mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office para puntahan ang mga lugar na maituturing na flood prone para magsagawa ng rescue operations. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Dam sa Zamboanga City umabot na sa critical level appeared first on - News Portal Philippines .

LOOK: Cancelled flights bukas, Sept. 15, 2018

Dahil pa rin sa epekto ng Typhoon Ompong marami pang flights ang mananatiling kanselado bukas araw ng Sabado, Sept. 15, 2018. Sa abiso ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), maliban sa mga domestic flights ay may mga kanselado na ring international flights. Narito ang mga kanseladong biyahe bukas (Sept. 15) as of 1:30PM ngayong Biyernes: PHILIPPINE AIRLINES (SEPT. 15 CANCELLATIONS) PR 2196/2197 MANILA-LAOAG-MANILA PR 2198/2199 MANILA-LAOAG-MANILA PR 313 HONGKONG-MANILA PR 347 PUDONG-MANILA   CEBU PACIFIC (SEPT. 15 CANCELLATIONS) 5J 504/505 MANILA-TUGUEGARAO-MANILA 5J 506/507 MANILA-TUGUEGARAO-MANILA 5J 196/197 MANILA-CAUAYAN-MANILA 5J 553/580 MANILA-CEBU-MANILA 5J 569/570 MANILA-CEBU-MANILA 5J 541/542 MANILA-ILOILO-MANILA 5J 453/454 MANILA-ILOILO-MANILA 5J 555/556 MANILA-ILOILO-MANILA 5J 487/488 MANILA-BACOLOD-MANILA 5J 475/476 MANILA-BACOLOD-MANILA 5J 489/490 MANILA-BACOLOD-MANILA 5J 651/652 MANILA-TACLOBAN-MANILA 5J 653/654 MANILA-TACLOBAN-MANILA ...

Kalahating milyong pabuya inialok ng gobyerno para sa ikadarakip ni Peter Lim

Nag-alok na ng pabuya ang pamahalaan para sa mabilis na ikadarakip ng grug lord na si Peter Go Lim. P500,000 ang alok na pabuya ng gobyerno sa sinomang makapagtuturo kay Lim na tinaguriang drug lord sa Central Visayas. Kinumpirma ito ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra. Magugunitang noong nakaraang buwan ay naglabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court B65 laban kay Lim sa kinakaharap niyang kasong conspiracy to commit drug trade. Kasabay ng alok na pabuya, nagbabala din ang DOJ na mahaharap sa kasong kriminal ang sinumang mapatutunayang nagkakanlong kay Lim.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Kalahating milyong pabuya inialok ng gobyerno para sa ikadarakip ni Peter Lim appeared first on - News Portal...

Landbank magpapatupad na ng mas mababang daily transaction limit

Epektibo sa September 17, araw ng Lunes ipatutupad ng Landbank ang bagong limit sa daily transactions ng kanilang mga kliyente. Sa abiso ng Landbank mula sa dating P50,000 ay magiging P30,000 na lamang ang limit na pwedeng i-withdraw ng kanilang kliyente sa isang araw. Ang naturang limit ay pinagsamang transaksyon na sa ATM o P.O.S. Cash-Out. Kung gagamitin naman ang ATM/Debit Card ng Landbank sa pagbili, mula sa dating P50,000 ay ibinaba din sa P30,000 ang limit sa Visa Online/eCommerce at sa BancNet Online/eCommerce. Habang total daily limit sa pag-purchase ay mananatili sa P100,000. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Landbank magpapatupad na ng mas mababang daily transaction limit appeared first on - News Portal Philippines .

Forced evacuation sa mga high risk area sa Tuba, Benguet ipinatupad na

Nagpatupad na ng forced evacuation ang lokal na pamahalaan ng Tuba Benguet sa mga itinuturing na high risk areas sa Tuba, Benguet. Sa executive order na nilagdaan ni Tuba Mayor Ignacio Rivera, iniutos na nito ang pwersahang paglilikas sa mga residente na nasa Kiangan Village, Camp, Laaw at Camp 4. Ang nasabing mga lugar ay itinuturing na high risk sa landslide. Nakasaad sa kautusan na ang lahat ng ililikas na pamilya ay dadalhin sa mga paaralan at pasilidad ng mga barangay. Binanggit din ng alkalde na sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo ay walang residente na papayagan na bumalik sa kanilang mga lugar na parte ng itinuturing na high risk areas para maiwasan ang casualty. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Forced evacuation sa mga high risk area sa Tu...

Mata ng TY Ompong napapalibutan ng powerful storms – NASA

Napapalibutan ng “powerful storms” ang mata ng bagyong Ompong. Ito ang naging pagsasalarawan ng US National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa bagyo na patuloy na nagbabanta sa bansa. Sa kaniyang blog sinabi ni Bob Gutro ng NASA Goddard Space Flight Center na ang mata ng bagyong Ompong ay napapalibutan ng makakapal na powerful storms na ang kaulapan ay may temperature na -70 degrees. Maari umano itong magdulot ng matinding pag-uulan. Dagdag pa ni Gutro, maituturing nang isang Category 5 hurricane ang Typhoon Ompong. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Mata ng TY Ompong napapalibutan ng powerful storms – NASA appeared first on - News Portal Philippines .

Volkswagen hindi na gagawa ng “Beetle” o mas kilala sa Pilipinas bilang “kotseng-kuba”

Simula sa taong 2019 ititigil na ng Volkswagen ang produksyon ng kanilang iconic na Beetle o mas nakilala sa Pilipinas bilang kotseng-kuba. Sa pahayag na inilabas ng Volkswagen kinumpirma nito na hindi na sila gagawa ng Beetle compact car. Ang nasabing modelo ay nagsimula pa noong 1960s. Magugunitang noong 1990s, naglabas pa ang kumpanya ng “New Beetle” na nag-hit sa merkado at nakabenta sila ng aabot sa 80,000 nito sa Estados Unidos noong 1999. Ngayong taong 2018, sinabi ng Volkswagen na nakapagbenta sila ng 11,151 na Beetles sa unang walong buwan ng taon, mababa lang ito ng 2.2 percent sa sales ng Beetle sa parehong buwan noong nakaraang taon. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Volkswagen hindi na gagawa ng “Beetle” o mas kilala sa Pilipinas bilang ...

Publiko pwedeng manatili sa Ayala Malls magdamag; kinansela rin ang paniningil ng overnight parkings

Binuksan ng Ayala ang kanilang mga mall sa publiko na maaring maapektuhan ng Bagyong Ompong. Sa abiso ng Ayala Malls mayroong itinakdang lugar at restrooms sa lahat ng kanilang mall kung saan pwedeng manatili at magamit overnight. Waived na din o hindi na maniningil ng overnight parking ang Ayala Malls para sa araw na ito. Sinabi ng Ayala na mahalaga sa kanilang ang kaligtasan ng kanilang customers. Aplikable ang abiso ngayong araw Sept. 14 at muling maglalabas ng abiso ang Ayala kung ito ay palalawigin pa.   Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Publiko pwedeng manatili sa Ayala Malls magdamag; kinansela rin ang paniningil ng overnight parkings appeared first on - News Portal Philippines .

BOC nagpaliwanag sa mga bigas na nabinbin sa mga pantalan

Itinanggi ni Customs Commissioner Isidro LapeƱa ang alegasyon na ang dahilan nang pagtaas ng presyo ng bigas sa pamilihan ay ang mabagal o pagkabalam ng pagpapalabas ng mga kargamento ng Bureau of Customs. Ayon kay LapeƱa, hindi nababalam ang pagpapalabas clearance sa mga iniimportang bigas sa lahat ng port o pantalan sa bansa. Inatasan nga aniya ang mga district collector na madaliin ang pagproseso sa mga pangunahing pagkain gaya ng bigas, asukal, karne ng baboy at manok upang makatulong sa paglutas sa suliranin sa supply ng bansa. Ngunit may pagkakataon aniya na hindi maiwasang magkaroon ng pagbagal lalo na at hindi makumpleto ang clearance procedure ng Customs kung walang import permit mula sa National Food Authority. Batid aniyang mahalagang-mahalaga ang pagpapalabas ng shipments kaya simulating niya na ang Department of Agriculture at National Food Authority na ilabas ang import permits dahil hindi naman nila ito mailalabas kung wala ang permiso mula sa dalawang ahensiya. Ni...

Serye ng pagsabog na sinundan ng sunog naganap sa magkakahiwalay na lugar sa Massachusetts

May naganap na serye ng pagsabog sa labingpitong magkakahiwalay na lugar sa Massachusetts. Ayon sa Massachusetts State Police, angn pagsabog ay nangyari sa magkakahiwalay na residential address sa Lawrence, Andover at North Andover towns. Ang naturang mga pagsabog ay agad sinundan ng malawak na sunog. Dahil dito, ipinag-utos na ng mga otoridad ang paglikas sa lahat ng mga naninirahan sa nasabing mga lugar. Iniimbestigahan ng pulisya kung gas leak ang dahilan ng magkakasunod na pagsabog dahil matindi ang amoy ng gas sa lugar ayon sa mga residente. Sa pinakahuling abiso ng Massachusetts Police, lahat ng residente na ang gas service ay mula sa kumpanyang Columbia Gas ay agad pinalalabas na sa kanilang mga bahay. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Serye ...

Signal no. 3 nakataas na sa Isabela dahil sa Bagyong #OmpongPH

Magsisimula nang maranasan ang malakas na mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa habang tinutumbok ng Bagyong Ombong ang Northern Luzon Ito ay matapos itaas ng PAGASA ang signals number 2 at 3 sa ilang mga lugar. Sa 5am press briefing ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 655 kilometro Silangan ng Infanta, Quezon. Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kilometro kada oras. Kumikilos na ito sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras. Nakataas na ang Signal no. 3 sa lalawigan ng Isabela. Signal no. 2 naman sa mga sumusunod na lugar: Batanes Cagayan incl. Babuyan group of Islands Ilocos Norte Ilocos Sur Apayao Abra Kalinga Mountain Province Ifugao La Union Benguet Nueva Vizcaya Quirino Pangasinan Nueva Ecija Aurora at Tarlac. Signal number 1 naman ang nakataas sa: Pampanga Bataan Zambales Bulacan Rizal Metro Manila Cavite Batangas Laguna Que...

Bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa #OmpongPH umabot na sa 4,000

Lumobo pa ang bilang ng mga pasaherong na-stranded sa mga pantalan dahil sa banta ng Bagyong Ompong. Sa impormasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG) as of 8pm kagabi ay umabot na sa 4,000 ang stranded passenger sa mga pantalan sa bansa. Pinakamarami ang sa Dumaguete Port sa Negros Oriental kung saan mayroong 1,447 passengers ang stranded na sinundan ng Matnog Port sa Sorsogon na may 1,040 passengers. Bukod dito, sinabi rin ng PCG na may mga sasakyang pandagat ding stranded. Sa kanilang monitoring, 637 ang stranded na rolling cargoes, 46 ang mga vessels at 36 ang stranded na motorbanca. Kinansela na ng PCG ang mga biyahe dahil sa sungit ng panahon at kundisyon ng dagat. Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards. Source link The post Bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa...