Dam sa Zamboanga City umabot na sa critical level
Umabot na sa critical level ang Pasonanca diversionary dam sa Zamboanga City.
Sa abiso ng Zamboanga City Water District (ZCWD) nasa 76.60 meters na ang antas ng tubig sa dam na maituturing nang critical dahil ang normal level nito ay 74.20 meters lamang.
Dahil dito ipinag-utos n ani Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa mga residente na naninirahan sa mabababang lugar na lumikas na sa mas ligtas at mataas na lugar.
May response teams na rin mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office para puntahan ang mga lugar na maituturing na flood prone para magsagawa ng rescue operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Dam sa Zamboanga City umabot na sa critical level appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar