Bagyong Ompong, nag-landfall na sa Baggao, Cagayan
Tumama na sa kalupaan ang Bagyong Ompong.
Ayon sa 2am press briefing ng PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa Baggao, Cagayan ala-1:40 ng madaling araw ng Sabado.
Huli itong namataan sa layong 90 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Napanatili pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na itong aabot sa 285 kilometro kada oras.
Bumilis ang pagkilos nito sa 35 kilometro kada oras at kumikilos sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran.
Dahil dito, inaasahan na itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.
Sa ngayon nakataas ang signal no. 4 sa Ilocos Norte, Cagayan, northern Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, at Babuyan Group of Islands.
Signal no. 3 sa Batanes, southern Isabela, Ilocos Sur, La Union, Mountain Province,
Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, at northern Aurora.
Signal no. 2 naman sa Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, southern Aurora, Zambales, Pampanga, Bulacan, at northern Quezon kasama ang Polillo Island.
Habang signal no. 1 naman ang nakataas sa Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, nalalabing bahagi ng Quezon, Lubang Island, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, at Burias Island.
Samantala, pinalalakas din ng Bagyong Ompong ang Habagat na nagpapaulan sa Visayas, Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.
Nagbabala ang weather bureau sa mga residente na nasa mabababang lugar at mga bundok sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ilalabas ng PAGASA ang kanilang bagong advisory tungkol sa bagyo mamayang alas-5 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
The post Bagyong Ompong, nag-landfall na sa Baggao, Cagayan appeared first on - News Portal Philippines.
Komentar
Posting Komentar